English Version (Click Here)
Si Brian Tracy ay nagsulat ng isang kabanata tungkol sa “laws of money” sa kanyang libro na “The 100 Absolutely Unbreakable Laws of Business Success
“Money tends to flow toward people who can use it in the most productive ways to produce valuable goods and services and who can invest it to create employment and opportunities that benefit others.
At the same time, money flows away from those who use it poorly or who spend it in nonproductive ways.”
(Ang pera ay pumupunta sa mga taong nakakagamit nito ng mabuti upang gumawa ng mahahalagang bagay o serbisyo at nakakapag-invest nito upang makagawa ng trabaho at oportunidad na nakabubuti sa iba.
Bukod pa doon, ang pera ay lumalayo sa mga hindi marunong gumamit nito ng mabuti.)
In short: Dadami ang pera mo kapag ginamit mo ito sa mainam na paraan at mawawalan ka ng pera kapag hindi mo ito ginagamit ng maayos.
Medyo obvious yung aral na iyon, pero iilan lang ang nakaaalala nito. Kapareho lang ito ng mga naninigarilyo: Alam nilang nakakasama sa kanilang katawan ang paninigarilyo pero patuloy pa rin nila itong ginagawa kahit gusto nilang maging healthy.
Alam nating nakakasama ang ilang paraan ng paghahawak ng pera, pero ginagawa pa rin natin ito kahit pangarap nating yumaman balang-araw.
Malala pa doon, marami sa atin ang hindi alam na nagsasayang pala tayo ng pera!
Ilang Halimbawa ng Tamang Paggamit ng Pera:
Manghiram ng pera sa bangko para magsimula ng mabuting negosyo, gaya ng pagbenta ng masarap na pagkain sa mga trabahador.
Mag-invest ng bahagi ng ating kinikita sa mga mahahalagang assets gaya ng stocks, mutual funds, real estate, atbp.
Maglaan ng pera sa iyong edukasyon: bumili ng mga libro o sumali sa mga seminar na magtuturo sa iyo kung paano gumaling sa iyong career, magsimula ng negosyo, o mag-invest ng mabuti para dumami ang kita at iwasan ang pagkalugi.
Maglaan ng pera para sa tuition o edukasyon ng iyong mga anak.
Ang iba, hindi marunong maghawak ng pera:
Nanghihiram ng pera para bumili ng mamahaling kotse o kagamitan para maipagmalaki sa ibang tao.
Inuubos ang perang kinita sa sigarilyo, alak, sobra-sobrang groceries, mamahaling damit, mga gadgets na hindi naman kailangan, atbp.
Inuubos ang pera sa pagsusugal.
Bumibili ng lottery ticket araw-araw o linggo-linggo buong buhay at hindi napansin na nakaubos na sila ng libo-libong piso matapos ang ilang taon.
“Ang kasiyahan ng mga tao ay hindi nasisira dahil sa mga malalaking trahedya at pagkakamali. Ito’y nasisira sa paguulit-ulit ng mga mumunti pero nakakasamang mga aksyon.” – Ernest Dimnet
Ito’y simpleng halimbawa ng “law of cause and effect.” Mukhang maliit lang ito sa simula, lalo na sa unti-unting pag-ubos ng pera, pero sa pagdaan ng panahon, malaki ang epekto nito.
Marami ang gustong maging mayaman at mabuhay ng masagana, pero nakakalimutan nila ang basic law na ito. Iniisip nila na yayaman sila kapag mas-lalo silang nagsipag sa trabaho, pero dahil hindi nila binabago ang hindi nakabubuting paraan ng paghawak ng pera, hindi sila umaasenso. Sila rin ang madalas magreklamo dahil kahit magsipag sila, ang “ibang tao” ang yumayaman.
Hindi nila napapansin na hindi yumayaman ang mga tao dahil sa swerte… ang mga natutong maging disiplinado sa paghawak ng pera ang mga taong yumayaman.
Kaya mo ring yumaman kapag natutunan mong gayahin ang ginawa nila, at dahil binabasa mo ito madali kong masasabi na sinimulan mo nang pag-aralan iyon.
Eto na ang LifeWork mo (parang homework ito, pero para sa iyong kinabukasan).
Basahin at pag-isipan mong mabuti ang mga tanong kong ito:
PAANO mo magagamit mabuti ang perang kinikita mo? Mayroon ka bang hindi pa nalalaman? Ano ang mga kailangan mong matutunan para umasenso?
Kailangan mo bang matutunan kung paano mag-ipon ng mabuti? (“Your Wealthy Mind Savings and Budget Plan (Tagalog)”)
Kailangan mo bang malaman kung gaano kabuti ang self-education? (“Mula Libro patungong Kayamanan”)
Kailangan mo bang matutunan and ilang basic rules kung paano mag-invest sa mga stocks? (“Stock Investing Basics: 4 na Tuntunin ni Benjamin Graham sa kung Paano Mag-Invest sa Common Stock”)
View Comments (7)
salmat po sa inyong magandang mensahe...
Walang anuman.
Gagawin ko po yung lahat na binasa ko dito. ,
Salamat na rin po.,, goodluck sa akin.,,godbless po kayo
Good luck sa ating lahat at godbless din po!
HI, MY NAME IS ISRAFIL ABDUL, THANK YOU SO MUCH TO YOUR MESSAGE.
I WILL START MY DREAM CAME TRUE FOR AS NOW, AND I CHANGE MY WAY TO ACHIEVED MY DREAM IN MY LIFE...GOD BLS AND THANK U
Hello Israfil!
I'm glad you enjoyed it, and I hope you achieve your goals and dreams!
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Thankyou for lesson i'm 14 years old sa tingin ko madami akong matutunan lalo't na ako'y bata pa lamang