English Version (Click Here)
Isipin mong may robot na palaging bumabangga sa mga bato, pader, at nahuhulog palagi sa bangin habang nagtratrabaho sa isang lugar. Dahil sa naka-program na pattern na iyon, nasisira ang robot at kailangan siyang ayusin linggo linggo. Kahit alam ng robot na masamang masira, hindi niya mapigilan ang sarili niya dahil ganoon ang pagkaprogram sa kanya. Ganoon din tayong mga tao at kailangan nating maintindihan iyon para matutunan natin kung paano magtipid ng pera:
Kapag binago natin ang “bad programming” na nagdudulot ng pag-aksaya sa pera, mapipigilan natin ang paninira sa ating kinabukasan.
“Ang kasiyahan ng karamihan ay hindi naglalaho dahil sa malalaking trahedya o pagkakamali, pero sa paguulit-ulit ng mga maliliit na bagay na nakasisira dito.” – Ernest Dimnet
Ibang Articles tungkol sa Pagtipid ng Pera:
6 Quick Tips para Iwasan ang Sobrang Gastos at Magtipid ng Pera
Tipid sa Pera: Limang Payo para sa Pagbili ng Matibay na Gamit
Paano Makatipid ng Pera gamit ang pagbabago ng Pag-iisip
Bad Thought Pattern #1: Umaasa palagi sa susunod na sweldo.
Naaalala ko pa rin ang aking dating katrabaho. Madalas ko silang naririnig na nagrereklamo dahil matagal pa ang susunod na sahod. Bukod pa doon, sa ika-15th o ika-30th ng buwan, tinatanong nila palagi kung nakapasok na sa bangko ang sweldo nila. Kapag nakikita mo ang sarili mo na ginagawa ang mga iyon, panahon na para itigil mo iyon.
Bakit masama ang palaging paghihintay o pag-aasa sa susunod na sweldo? Ito’y isang aral galing kay Robert Kiyosaki (ang may-akda ng Rich Dad Poor Dad
May tinamaan ba? Ang kaalaman ang unang hakbang para sa pagbabago. Kapag alam mong may hindi tama (“bad programming”), mahahanap mo ang solusyon para doon.
Ang pinakamainam na solusyon sa pag-iisip na ito ay ang pagsasanay ng mga mabubuting financial habits gaya ng pagbubudget, pag-iipon para sa emergency fund, at pag-aaral kung paano makapag-ipon at invest. Tama na ang paghihintay sa susunod na sahod (drug fix) at pag-isipan mo na lang kung paano kumita ng mas-marami at mag-invest para makamit mo ang financial freedom.
Bad Thought Pattern #2: Pag-iisip na “Wala akong Pera”
Palagi kong naririnig ang mga kakilala ko na nagsasabing “wala akong pera.” Madalas, ang ibig sabihin noon ay “wala akong perang gagastusin para diyan sa sinasabi mo,” pero sa ibang panahon naman, totoo ang sinasabi nila: Ginastos na nila ang pera nila at sinusubukan na lang nilang mabuhay hanggang sa susunod na sahod (basahin muli ang #1).
Kailangan maintindihan natin ito: Ang ano mang iniisip natin tungkol sa buhay natin ay nagkakatotoo. Kapag sinabi natin sa sarili natin na wala tayong pera, gagalaw ang subconscious mind natin para MAGKATOTOO ito. Gaya ng robot sa simula, hindi natin maiintindihan na ang “programming” o pag-iisip natin ay nakakasama pala.
Ang solusyon ay pag-aralan at sanayin nating ang sarili natin na mag-isip ng mas-mabuti. Kagaya ng sa #1, mag-ipon, mag-invest, at aminin mo sarili mo na may mas-mahahalaga ka pang bagay na paggagamitan ng perang kinita mo. Mas-gagaan ang loob mo kapag alam mo na mayroon kang perang nakatago at may DISIPLINA kang ipunin ito para gamitin sa mahahalagang bagay.
“Huwag mong sabihin sa akin kung ano ang pinahahalagahan mo sa buhay; ipakita mo sa akin ang pinaggagastusan mo ng pera at sasabihin ko sa iyo kung ano talaga ang pinahahalagahan mo.” – Joe Biden
Bad Thought Pattern #3: Pag-iipon… para bumili ng mas-mamahaling luho o luxuries na hindi kailangan.
Kung pangarap mong makaakyat ng bundok, mararating mo ba ito kapag sobrang busy ka sa pagtatalon sa bangin? Kapareho din nito ang finance: Marami ang gustong magpayaman kaya sinusubukan nila palaging magtipid… para gastusin ang naipon nila sa mamahaling luho/gamit gaya ng bagong cellphone, kotse, mamahaling damit, alahas, atbp. Nakakasama nga naman ang pag-iisip o programming na ganoon tapos nagtataka pa sila kung bakit, matapos ilang taon ng pagtratrabaho, hindi pa nila nararating ang pangarap nila.
Kumita ng isang-libo, tumalon pabalik sa zero. Kapag naramdaman mo na gawain mo iyon, madali lang ang solusyon: “Pay Yourself First” (o Mag-ipon muna!)
Kada sahod, alisin mo ang ilang pursyento nito para magamit sa mas-mahahalagang bagay: Mabuting bahay o apartment na ipapa-upa mo sa iba, mabuting negosyo, seguridad o insurance para sa pamilya mo, edukasyon para sa mga anak mo, magpayaman pa para makapagpatayo ng mga paaralan at ospital para sa mga mahihirap… o higit pa!
Huwag mong sisirain ang pag-asenso mo para sa araw-araw na katuwaan.
Sabi ko nga sa budget plan, pwede mong gamitin ang pera mo sa kahit anong gusto mo kapag nakapag-ipon at nakapag-invest ka na para sa kinabukasan mo. May panahon naman palagi para magsaya kapag nasa tamang landas ka. Magiging mas-masaya ang buhay mo kapag nagsikap kang yumaman kaysa kapag palagi kang walang pera.
Tatlo lamang iyon sa mga negatibong pag-iisip na kailangan mong baguhin kapag gusto mong matutunan kung paano magtipid ng pera. Napakarami pang iba, pero kapag nagsimula ka muna sa tatlong iyon, malamang may maidudulot iyong mabuting pagbabago.
Kapag naisip mo na makatutulong ito sa mga kaibigan mo, i-Like at Share mo lang kami sa Facebook!
[metaslider id=2052]
View Comments (2)
Thanks for the ideas..
You're welcome!