*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Ilang linggo na nakalipas, ang isang reader ko ay nagsend sa akin ng email at nagtanong siya tungkol sa pag-invest sa mga stocks na nagbibigay ng dibidendo. Dahil gusto ko din ang long-term o pangmatagalang dividend growth investing (kaysa sa trading, market timing, at panghuhula o speculation sa paggalaw ng stocks), sinubukan so siyang tulungan hanggang kaya ko. Sa huli, ang payo ko sa kanya ay dapat niya itong pag-aralan ng kusa dahil ang mga experto na nagsusulat ng mga libro tungkol sa investing ay may mas-marami at mas-mabuting kaalaman at detalyeng maituturo sa kanya kumpara sa masasabi ko sa iilang email.
Ganoon pa man, kung gusto mo ring matutunan ang ilang bagay tungkol sa pag-invest sa dibidendo, eto ang sampung aral tungkol sa dividend stocks na kailangan mong malaman ngayon.
10 Aral para sa Pag-invest sa Dibidendo
- Alalahanin mo na ang layunin ng investing ay para kumita (at gawin ito ng hindi mapapahamak ang puhunan mo). Ang pagbili ng stock at pagsusugal na sana umakyat ang presyo nito ay mas-hindi secure o sigurado kumpara sa pag-invest sa kumpanyang nagbibigay ng dibidendo kada taon o kada quarter.
- Mainam na mag-invest ka sa mga negosyo at hindi sa stocks nila. Huwag mong kalilimutan: hindi ka tumataya sa mga letra, bumibili ka ng pagmamay-ari ng kumpanya. Mag-concentrate ka sa kita ng investment kaysa sa panghuhula sa anong mangyayari sa presyo ng stock.
- Ang Dibidendo ay binabayaran gamit totoong pera. Habang ang presyo ng stock ay pwedeng manipulahin gamit ang pekeng balita, announcements, at nilutong financial numbers, ang dibidendo ay kailangang manggaling sa tunay na kita at hindi ito pwedeng pekein. Kahit posibleng magbayad ng dibidendo gamit pangungutang o sa pagbebenta ng ari-arian, ang mga matatanda at stable na kumpanya ay madalas hindi kakailanganing gawin ito. Yun ang dahilan kung bakit ang dibidendo ay mas-mabuting tigaturo ng lagay ng kumpanya kaysa sa ibang financial reports.
“Dividends are the acid test of a business’ basic profitability.” – Daniel Peris
(Ang dibidendo ay ang pinakamahalagang palatandaan kung gaano kagaling kumita ang isang negosyo.)
- Ang pagsubok kumita sa pag-trade (pagbili at pagbenta) ng stocks ay madalas speculation o panghuhula lamang (pagsusugal). Ang pagkita ng totoong pera mula sa mga stocks na pagmamay-ari mo dahil sa kanilang dibidendo ay mas-mabuting paraan para mag-invest. Ito’y parang pagtanim ng puno na inaasahan mong maibebenta mo ng mas mahal sa pagdaan ng panahon kumpara sa pagtatanim ng punong namumunga ng masasarap (at pwedeng ibenta) na prutas.
- Payo ni Benjamin Graham, ang kilalang investor at may akda ng “The Intelligent Investor”, mas-mainam na pansinin mo ang dibidendong makukuha mo at ang gawain ng mga kumpanyang pinag-iinvestan mo kaysa sa paggalaw ng presyo ng stocks.
“Basically, price fluctuations have only one significant meaning for the true investor. They provide him with an opportunity to buy wisely when prices fall sharply and to sell wisely when they advance a great deal. At other times he will do better if he forgets about the stock market and pays attention to his dividend returns and to the operating results of his companies.” – Benjamin Graham
(Ang paggalaw ng presyo ng stocks ay may iisang gamit sa tunay na investor. Ito’y nagbibigay sa kanya ng oportunidad para bumili kapag napakababa ng presyo o magbenta kapag masyadong tumaas naman ito. Sa ibang panahon naman, mas-mabuti kung kakalimutan na lang niya ang stock market at bigyang pansin ang dibidendong nakukuha niya at ang resulta ng operasyon ng mga kumpanya.)
- Sa mga stocks na pare-pareho ang presyo at kakayahang lumago, ang stock na nagbibigay ng dibidendo ay ang mas-mabuting investment. Kung walang mangyari sa presyo ng stock o hindi ka mag-trade, makakakuha ka pa rin ng pera mula sa kumpanyang nagbibigay ng dibidendo.
- Ang pagtaas ng dibidendo ay nagtataas din ng presyo ng stock (at nakakatulong ito sa epekto ng compounding). Isipin mo na may dalawang magkatumbas na kumpanyang may stock shares na nagkakahalaga ng P500 at nagbibigay ng P50 kada taon mula sa dibidendo. Kapag ang isang kumpanya ay nagtaas ng dibidendo hanggang P250 kada taon, mas-marami ang magkakagusto sa stock na iyon at ang karagdagang demand at magpapataas ng presyo nito. Higit pa doon, ang pag-reinvest sa kinita mong dibidendo ay makakapagpalakas pa sa epekto ng compounding.
- Ang dibidendo ay madalas ibinibigay ng malalaki at mas-stable na kumpanya na hindi na masyadong kailangang i-reinvest ang kanilang kinikita sa pagpapalaki pa ng kumpanya. Basahin mo ang “The Single Best Investment” para mas-marami ka pang matutunan tungkol dito.
- Mas-mababa ang volatility (paiba-iba ng presyo o halaga) ng iyong portfolio kapag nag-iinvest ka sa stocks na nagbibigay ng dibidendo. Sabi ni Daniel Peris, ang dividend strategies ay may mas-mababang “standard deviation” (pagkakaiba-iba ng presyo) kaysa sa non-dividend-focused strategies.
- Mas-magaling ang mga Dividend stocks sa pangmatagalan dahil ang dibidendo pa rin ang pinakamalaking bahagi ng total na kikitain mula sa stock market. Higit sa pagkita mula sa pagbili at pagbenta, mas-malaki ang kikitain mo dahil sa dibidendong nakukuha mo sa stocks. Basahin mo ang “The Strategic Dividend Investor” para mas-marami ka pang matutunan tungkol dito.
Ayon kay Daniel Peris, ang susi sa mabuting pag-invest sa stocks ay ang pag-alis ng stocks sa pinagtutuunan ng pansin at mag-focus lang sa kung ano man ang nakakamit mo sa kapital na ininvest mo. Pwede kang magfocus sa pagkuha ng kita sa pagbebenta ng stocks sa mas-mataas na presyo (at ito’y hindi sigurado at madalas speculation/panghuhula/pagsusugal lamang), o pwede kang magfocus sa perang kinikita mo mula sa iyong investments dahil sa dibidendo. Ikaw naman ang magdedesisyon.
Maraming paraan para mag-invest at kumita mula sa stocks at stock market, at isa lamang paraan ito para gawin iyon. Kung mas gusto mo ang long-term investing at hindi pagpansin sa pang-araw araw na balita at tsismis sa stock market, baka magamit mo ang istratehiyang ito. Sa kabilang dako naman, kung mas-gusto mo ang excitement ng wall street, ang pabagobagong “tips” at tsismis sa stock market, ang mga numero at graph, baka pwede mong subukan ang iba-ibang stock trading technical at fundamental techniques diyan (ginawa ko iyon dati sa forex trading, pero tumigil ako dahil ayaw kong bantayan ang market 24-7). Ano man ang gustuhin mo, alalahanin mo na kailangan mong pag-aralan itong mabuti. Napakarami ang nalulugi dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
Gamitin mo ang Dividend-focused Stock Investing Strategy
Kung gustomong mag-invest gamit ang istratehiyang gumagamit ng dibidendo, kailangan pag-aralan mong bumili ng stocks na may mabuting dividend yield at dividend growth. Mag-invest ka sa mga magagaling na kumpanyang nagbibigay ng bahagi ng kanilang kita sa mga owners/shareholders (ikaw) at may kakayahang palakihin ang kanilang dibidendo sa pagdaan ng panahon. Kapag mas-matagal mo silang itinago, mas-makabubuti ito sa iyo.
“The longer a buyer holds a stock or bond, the more important are the dividends or coupons while he owns it and the less important is the price when he sells it.” – John Burr Williams, The Theory of Investment Value
(Kapag mas-matagal itinago ang stock o bond, magiging mas-mahalaga ang dibidendo o coupons habang pagmamay-ari niya ito at magiging hindi na mahalaga ang presyo nito kapag naisipan niyang magbenta.)
Kahit gusto kong ikwento at ibigay ang mga detalye ng dividend investing, mas-mainam na pag-aralan mo ang kumpletong aral mula sa mga experto (na may expertise, data, at space sa kanilang mga libro).
Basahin mo ang mga librong ito para mas-marami kang matutunan:
Iba pang Investing articles na baka gusto mong basahin:
- Pinakamalaking Pagkakamali na pwede mong gawin bago ka MagInvest
- Ano ang Stocks at Bakit mo kailangang Mag-Invest Dito?
- Paano Mag Invest sa Stocks: Sampung Tuntuning Kailangan Matutunan