X

Isang Maikling Aral: Makinig sa mga Babala ng Buhay!

English Version (Click Here)

Minsan tayo ay nagkakaproblema sa buhay, at malala pa dito, may mga problemang nangyayari na hindi natin napapansin agad! Buti na lang, may mga babala o warning signs sa buhay na magagamit natin para makita ang mga problemang nakatago. Subukan mo lang alalahanin ang mga dati mong problema at emergencies na “dapat pinaghandaan mo”. Nakita mo ang mga senyales, pero hindi mo lang sila pinansin.

Kung hindi ka maingat, pwedeng lumala nang husto ang mga anomalyang ito. Eto ang naranasan ko kamakailan lang…

Isang Maikling Aral: Makinig sa mga Babala ng Buhay!

Noong Pasko…

Bilang isang blogger, kailangan kong malaman kung ilang tao ang bumibisita sa aking website. Ang isang mabuting paraan para makita ito ay ang Google Analytics at Google Webmasters. Noong Desyembre, bumaba nang husto ang bilang ng mga visitors sa YourWealthyMind. Mas mababa pa ito sa kalahati ng nakukuha ko dati, at dahil doon nabawasan din ang aking ad revenue o kinikita mula sa ads.

Noong sinuri ko ang aking website, pareho pa rin ang aking ranking sa Google kaya malamang wala namang problema sa aking website at wala akong dapat ipangamba. Ang pagbaba ng bilang ng visitors ay malamang dahil mas-kakaunti ang tao na gustong magbasa tungkol sa pagtitipid ng pera tuwing panahon ng Kapaskuhan. Ibig sabihin noon, panandalian lang ang pagkabawas sa dami ng visitors. Bukod pa doon, hindi din nagbago ang aking ranking sa TopBlogs. Ibig sabihin noon bumaba din ang visitors sa ibang Filipino websites sa aking niche o subject.


Pagdating ng bagong taon

Dumating ang Enero ng 2019 pagkatapos ng pasko, at syempre dahil doon nagsulat ako tungkol sa kung paano mo makakamit ang mas-maraming tagumpay ngayong bagong taon at isa pang article tungkol sa quotes na magugustuhan mong basahin para sa 2019. Gayunpaman, yung mas-luma kong article tungkol sa mga new year’s resolutions ang may mas marami pa ring views. Tumataas uli ang viewer count at bumabalik ang mga tao, pero may problema pa rin.

Napakababa pa rin ng aking ad revenue at hindi ko alam kung bakit.

Siguro hindi nagcliclick ang mga tao? Baka bumaba ang prioridad ko sa mga high-paying ads? Hindi ko alam. Umasa ako na tataas uli ang aking revenue, pero nagpatuloy ang problema buong Enero at Pebrero.

Natsambahan kong makita ang dahilan…

Nakahiga ako sa kama at tinatamad akong bumangon kaya tinignan ko ang aking bagong article sa aking cellphone. Nakita kong nawawala ang mga ads.

Naglagay ako ng Google Auto-ads codes sa aking website at sa AMP, ang “accelerated mobile pages” version nito para sa mga smartphone dati pa, pero ngayon nawawala ang mga ads dito. May nagbago at hindi ko alam kung ano. Ang mababang ad revenue ay isa palang warning o babala na dapat dati ko pang sinuri, at natsambahan ko lang na tinignan ko ang website ko sa aking phone kaya ko nakita ang aking pagkakamali.

Masyado akong abala sa pageedit gamit ang aking administrator panel kaya nakakalimutan kong suriin ang aking website bilang isang ordinaryong viewer.

Halos 5 a.m. na noong panahong iyon at matutulog na sana ako dahil natapos ko na ng aking trabaho, pero alam kong kailangan ko iyong ayusin agad.

Inulit ko ang auto-ads code, pero hindi ko maibalik ang AMP code sa theme settings. Kung ilalagay ko ito gamit ang mga kilala kong wordpress ad-inserter plugins, mawawalan ako ng pera dahil sa mga mamahalin nitong “premium plugin” fees. Buti na lang nakahanap ako ng libreng AMP plugin na magagamit ko para ilagay ang code.

Sa kasamaang palad, nasira ko naman ang aking website dahil nakalimutan kong idisable ang aking lumang AMP plugin. Ibabalik ko na sana ang isang lumang backup at mawawala ang ilan kong bagong articles, pero buti na lang naalala ko na pwede ka nga palang burahin ang files ng plugin gamit ang FTP (“file transfer protocol” kung saan pwede kang magdagdag o magtanggal ng files direkta sa iyong website). Gumana naman ang solusyon na ito at naayos ko rin ang aking website.

Inabot ako ng ilang oras at nakatulog na ako nang 7:30am noong araw na iyon.

Ang pangunahing aral dito: MAGING ALERTO!

Kahit nahuli ako ng isang buwan bago ko nakita at naayos ang problema sa aking website, mabuti pa rin na naresolba ko rin ito agad. Natuto na ako at mas madalas ko nang susuriin ang mga ganoong bagay (at mas madalas na rin akong gagawa ng backups).

Sa buhay makakakita ka ng mga hints o mga anomalya kapag may problemang papalapit kaya dapat maging alerto ka palagi. Halimbawa, may mga kakaiba bang numero sa financial records ng iyong negosyo (o suweldo at benefits)? May nag-iba ba sa pakikitungo sa iyo ng iyong mga kaibigan o kamag-anak? Ang ibang bagay ay pwedeng sinyales ng mga mas-malalang problema.

Ang iyong intuition (“kutob” sa Tagalog) ay madalas magbibigay sa iyo ng mga advanced warnings, kaya dapat matutunan mong makinig sa kutob mo, at saka mo imbestigahan ito para makasigurado. Di natin alam kung ilan ilang problema ang mapipigilan at mareresolba mo sa pagdaan ng panahon. Papasalamatan mo ang iyong sarili kapag nakasanayan mong gawin ito.


Nagustuhan mo ba ang article na ito? Basahin mo rin ang iba namin article sa link na ito!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.