English Version (Click Here)
Pwede kang magturo ng isang aral sa librong may nilalamang 100,000 na salita, pero pwede mo rin itong ituro sa loob lamang ng isang dosena. Iyon ang kagandahan ng mga popular na quotes. Makakakuha ka ng mahalagang aral o karunungan mula sa iilang salita na pwede mong isulat sa iyong notebook o phone o ilagay sa alaala. Narito ang iilang napakagandang quotes na magiinspire sa iyo ngayong bagong taon.
You get a new year, you get a new start, you get a new opportunity.
— Billy Butler
May bago kang taon, may bago kang simula, may bago kang oportunidad.
It’s a wise man who understands that every day is a new beginning, because boy, how many mistakes do you make in a day? I don’t know about you, but I make plenty. You can’t turn the clock back, so you have to look ahead.
— Mel Gibson
Maalam ang taong naiintindihan na ang bawat araw ay isang panibagong simula, dahil iilan nga namang pagkakamali ang nagagawa mo araw araw? Di ko alam sa iyo, pero ako napakarami. Hindi mo pwedeng ibalik ang nagdaang panahon, kaya kailangan mong humarap sa kinabukasan.
Even though the future seems so far away, it is actually beginning right now.
— Mattie Stepanek
Sa ngayon mukhang napakalayo ang hinaharap, pero ang kinabukasan natin ay nagsisimula na ngayon.
20 Quotes Para Mainspire Ka Ngayong Bagong Taon
Your present circumstances don’t determine where you can go; they merely determine where you start.
— Nido Qubein
Ang kalagayan mo ngayon ay hindi basehan ng iyong mararating; ito’y basehan lamang ng iyong pagsisimulan.
Accept everything about yourself – I mean everything, you are you and that is the beginning and the end – no apologies, no regrets.
— Henry Kissinger
Tanggapin mo ang lahat ng bagay tungkol sa pagkatao mo – at tinutukoy ko talaga ang lahat, ikaw ay ikaw at iyon ang simula at katapusan – walang pasensyahan, walang pagsisisi.
Small opportunities are often the beginning of great enterprises.
— Demosthenes
Ang maliliit na oportunidad ay madalas nagiging simula ng mga mararangal na tagumpay.
A rough beginning doesn’t have to mean there is a rough end.
— Jon Jones
Ang simulang puno ng paghihirap ay hindi kailangan maging palatandaan ng paghihirap sa iyong kinabukasan.
A hard beginning maketh a good ending.
— John Heywood
Ang paghihirap sa simula ay magbibigay ng magandang wakas.
To conquer fear is the beginning of wisdom.
— Bertrand Russel
Ang pagkapanalo laban sa pagkatakot ay simula ng katalinuhan.
If you don’t like the road you’re walking, start paving another one.
— Dolly Parton
Kung hindi mo nagugustuhan ang landas na iyong sinusundan, simulan mo nang gumawa ng bagong dadaanan.
Start with what is right rather than what is acceptable.
— Franz Kafka
Magsimula ka sa tama at matuwid kaysa sa kung ano ang katanggap-tanggap.
Let go of yesterday. Let today be a new beginning and be the best that you can, and you’ll get to where God wants you to be.
— Joel Osteen
Pabayaan mo na ang nakaraan. Hayaan mong maging bagong simula ang araw na ito at gawin mo ang pinakamarangal na kaya mong gawin. Mula roon mararating mo ang kalagayang pinapangarap sa ng Diyos para sa iyo.
It is our attitude at the beginning of a difficult task which, more than anything else, will affect its successful outcome.
— William James
Higit sa lahat, ang saloobin (o attitude) natin sa simula ng isang mahirap na gawain ang makakapagpasya ng pagtagumpay natin dito.
If you would take, you must first give. This is the beginning of intelligence.
— Lao Tzu
Kung ikaw ay tatanggap, kailangan mo munang magbigay. Ito ang simula ng katalinuhan.
The beginning is the most important part of the work.
— Plato
Ang simula ang pinakamahalagang bahagi ng isang gawain.
Imagination is the beginning of creation. You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will.
— George Bernard Shaw
Imahinasyon ang simula ng paglikha. Iisipin mo ang nais mo, isasagawa mo ang naisip mo, at sa huli makakamit mo ang ginusto mo.
First comes thought; then organization of that thought, into ideas and plans; then transformation of those plans into reality. The beginning, as you will observe, is in your imagination.
— Napoleon Hill
Mauuna ang pag-iisip; susunod ang pagaayos sa naisip para gawin itong mga idea at plano; at susunod doon ang pagsasabuhay ng mga planong iyon. Ang simula, kung titignan mong mabuti, ay nasa iyong imahinasyon.
Learning is the beginning of wealth. Learning is the beginning of health. Learning is the beginning of spirituality. Searching and learning is where the miracle process all begins.
— Jim Rohn
Ang kakayahang matuto ang simula ng kayamanan. Ang kakayahang matuto ang simula ng kalusugan. Ang kakayahang matuto ang simula ng ispiritwalidad. Ang paghahanap at pag-alam ang simula ng prosesong makahimala.
Start by doing what’s necessary, then do what’s possible; and suddenly you are doing the impossible.
— Unknown
Unahin mong gawin ang kailangan, tapos gawin mo ang posible; at sa susunod ay nagagawa mo na pala ang imposible.
Just remember: to be grateful and thank the people who are there and support you along the way is a great start to success.
— Meryl Davis
Tandaan: ang pagpapasalamat sa mga taong tumutulong at sumusuporta sa iyong pagpupunyagi ay isang napakabuting simula patungo sa iyong pagtagumpay sa buhay.
Dito muna tayo magtatapos. Salamat sa iyong pagpunta dito! Oo nga pala, tignan mo rin ang iba naming articles sa mga links sa ibaba!
Leave a Reply