*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Minsan, ang simpleng pag-iisip ng mga posibilidad ay nakakapagpakita ng mga oportunidad na hindi mo lang nakita. Nawalan ka na ba ng gana sa buhay? Gusto mo pa bang kumita pa ng pera para mabayaran ang mga bayarin/bills, utang, at iba pang gastusin? Gusto mo bang gumawa ng ibang bagay para kumita bukod sa 9-5 rush o karaniwang trabaho, kahit sa weekend lamang? Subukan mong mag-isip ng mga ideas para sa negosyo at iba pang paraan para kumita ng pera. Siguradong makakahanap ka ng oportunidad para kumita ng pera kapag naghanap ka ng mga posibilidad, kaya bakit hindi ka magsimula dito para makahanap ng inspirasyon?
*Take note: Ang mga idea dito ay naisip ko lang sa isang umaga ngayong Lunes. Isipin mo na lang ang mga maiisip mo kapag ikaw ay nag-isip pa mag-isa o kapag kasama ang mga kaibigan at may mas-marami kang oras.
Negosyo Ideas at ibang paraan para Kumita ng Pera
1. Cooking/Magluto? Magbenta ka ng tinapay o street food
Para maging kakaiba, magbenta ka ng pagkain mula sa ibang bansa (maghanap ka lang sa internet para sa mga recipes):
Philippines: Kakanin, Pastillas, Leche Flan, atbp.
Japan: Mochi, Coffee Jelly, Sata Andagi, atbp.
India: Gulab Jamun, Sohan Halwa, Misti Doi, atbp.
(Subukan mo ang iba pang bansa na may kakaibang pagkan, o maglikha ka ng bago at nakaktuwang kombinasyon)
Subukan mong gumawa ng food stand: Hotdogs, Burgers, Dimsum, Gyoza, Rice Meals/Risotto, Kebabs, Falafel, Shawarma, Takoyaki, Okonomiyaki, atbp.
Subukan mong magbenta ng drinks: Coconut Water, Juice, Lemonade, Orange Juice, Fresh Fruit or Vegetable Juice, atbp. (Baka mabebenta mo ito sa mga parks sa mga nagjojogging at sa iba pang mahilig sa fitness, pero huwag mong limitahan ang sarili mo sa mga iyon!)
Kung gusto mo ng iba pang idea para sa negosyo, basahin mo ang article ni Louren (PowerPinoys) dito: 101 Perfect Small Business Ideas You Can Start in the Philippines
2. Photography? Magbenta ng stock photos online (hal. Maging Shutterstock contributor).
3. Drawing and Painting? Magdrawing at magpainting para kumita ng commissions (gaya ng sa Drawcrowd.com, ito ang page ng kaibigan ko bilang halimbawa) o magbenta ka ng gawa mo sa mga art fair. Kung magaling kang gumawa ng comics/manga, subukan mong magbenta sa mga conventions. Bukod pa roon, mayroon ding mga requests para sa magazine o fanzine contributors, art and design competitions, atbp. Siya nga pala, ang Patreon din ay isang mabuting paraan para kumita ng pera bilang isang artist. Pwede mong tignan ang aking Patreon page dito!
4. Arts and Crafts? Kung magaling kang gumawa ng mga bagay gaya ng alahas, paso, pagtatahi, atbp., pwede kang magbenta sa mga website gaya ng Etsy, Ebay, Amazon, atbp. Pwede mo rin silang ibenta sa mga kaibigan mo sa Facebook, Twitter, o Pinterest, magbenta ka rin sa bakuran mo, o magbukas ka ng maliit na tindahan.
5. Gardening? Subukan mong magtanim ng gulay at ibenta ang mga ito. Ang isang orchard din at napakabuti kahit ilang taon ang kailangan para tumubo ang mga puno (may maliit na orchard ang lolo’t lola ko at nakakakuha sila ng ilang crates na puno ng prutas kada ilang buwan).
6. Writing? Magsulat ng libro at eBooks, magsulat para sa magazines at newspapers, o magsulat para sa blogs at businesses bilang isang freelance writer.
7. Blogging? Magsimula ka ng blog at kumita ng pera gamit AdSense (ito ang article ko sa kung paano naapprove ang aking Google AdSense account). Pwede ka ring magbenta ng sarili mong produkto, gumawa ng eBooks at video seminars, o magbenta ng produkto ng iba gamit affiliate sales. Ito nga pala ang ilang halimbawa nito (galing Amazon):
8. Freelance at online work? Transcribe audio, magturo sa mga international students ng English (o ibang language/wika), etc. Maraming websites para dito gaya ng Upwork o Freelancer (maghanap ka lang sa internet ng ideas). Subukan mo ring sumali sa mga survey websites (para sa akin, GlobalTestMarket ay gumagana). Bukod pa doon, pwede ka rin sumali sa Grab at kumita sa iyong free time bilang isang driver or delivery personnel.
9. Direct Selling? Makeup, Health Supplements, Electronics, Life Insurance, Gear at Gadgets, sabihin mo lang at malamang makakahanap ka ng sales company nito at magbenta ng may komisyon.
10. Martial Arts o Yoga? Meditation Arts (Chi Gong, Nei Gong, atbp.)? Fitness? Subukan mong maging certified bilang isang trainer at magsimula ka ng sarili mong class, o sumali ka sa gym bilang instructor. Buti na lang at marami nang paraan para macertify ngayong panahong ito at ang kailangan mo lang gawin ay maghanap ng mga certification programs sa internet!
11. Expert ka ba sa isang field o topic (business, executive leadership, architecture, atbp.)? Subukan mong maging instructor, teacher, o consultant.
12. Home repair? Carpentry? Paggawa ng kotse? Pag-alaga ng bata? Paglinis ng bahay? Pagputol ng damo? Pagpintura ng bahay? Baka pwede mong ioffer ang services mo sa mga kapitbahay.
13. Kaya mo bang gumawa ng magagandang videos? Social commentary, pagluluto, pagkanta, nakakatuwang bagay, skill tutorials (Parkour, etc.), music covers, etc.? Kumita ka gamit Youtube! Yung kaibigan ko ding si Elie ay madalas magstream ng artwork sa Twitch (tignan mo channel niya dito!).
14. Stock Trading? Forex Trading? Mag-ipon ka ng pera bilang capital, pag-aralan ang technicals at fundamentals, maghanap ng mabuting broker at magsimula kang magtrade!
15. Real estate? Bumili ka ng lupa at magtayo ka ng condominium o iba pang uri ng rental property.
Subukan mo ang iba pang paraan para kumita ng pera depende sa iyong lokasyon (Ang mga halimbawang ito ay mabuting posibilidad sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng Asia):
Internet Cafe
Prepaid Load seller
Payment Centers (“Bayad Centers” sa Philippines)
Ang iba dito ay madali, ang iba mahirap, ang ilan magagawa mo ngayon, ang iba naman kakailanganin mo ng oras, preparasyon, at training. Ano man ang mangyari, walang hanggan ang posibilidad na pwede mong gawin kaya huwag mong limitahan ang iyon sarili sa pag-iisip na hindi mo sila kaya. Kapag gusto, may paraan. Kailangan mo lang itong hanapin.
Ngayon mag-isip ka na:
Ano ang pwede mong gawin para kumita ng pera?
Higit pa doon: Ano ang KAILANGAN ng ibang tao na pwede mong gawin (ng may bayad)?
Kumuha ka ng malaking papel at magsimula ka nang magsulat. Ilista mo ang lahat ng idea na naiisip mo, kahit gaano pa man ito kakaiba (oo, pwede ang part time party clown, skydiving instructor, tour guide, o kahit ano pa). Nagsasarado ka ng oportunidad kapag inisip mo na hindi mo ito kaya, pero makakahanap ka ng oportunidad kapag PINAG-ARALAN mo kung paano ito gagawin. Malay mo, baka mahanap mo ang bagay na gugustuhin mong gawin habang buhay, isang negosyo na pwede kang maging dalubhasa at palakihin para kumita ng mas-malaki pa sa kung ano man ang kinikita mo ngayon, dahil lang gusto mong maghanap ng oportunidad para kumita pa ng pera.
Kapag nakahanap ka ng bagay o negosyo na gusto mo talagang subukan, ang susunod na hakbang ay alamin mo ang susunod mong mga hakbang at simulan mo ang mga ito.
View Comments (5)
Very informative, there are many will learn and inspire in your thoughts.
Thank you! I'm glad you enjoyed the article!
Pwede po ako magturo ng driving at gumawa ng maraming t shirt design idea at mag payo kung paano maging mahinahon sa lahat ng oras
Oo nga din no? Freelance driving tutor.
Yun ding mga T-shirt designs. May mga nakikita akong mga printing station for Tshirts sa mga mall, so pwede ka ring magbenta ng ganoon.
And for the last one, yeah, magiging parang life adviser or life coach ang dating.
Thanks po s mga idea n ibinahagi nyo,may alam din po aq s paglu2to pero mga homebased business lng po ang alam q like Ng paglu2to po Ng mga meriendahin like turon,or mga Kakanin,puto,kutsinta,sapin-sapin,Maja blanca,ube halata,biko,sinukmani, lecheplan,cakes,Atbp p po...problema q lng din po ay puhunan,at mhiyain din aq ky d q po magawa magtinda o maglako Ng mga luto q,by order lng po tlg gngwa q pr sure n mabi2li ang mga pagkain n nilu2to q,mejo mrunong din po aq s arts kso d q n din po nh2sa kamay q s pagpepainting...sn magkaron aq Ng lakas Ng loob pr mgwa q magnegosyo Gaya Ng iba n successful n s buhay kc Kung KY Nila patakbuhin ang negosyo nila