X

Ang Bakal na Kalidad ng Tagumpay (Hindi Ka Mananalo Kung Wala Ka Nito!)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Dati bumili ako ng isang libro, Zen Flesh Zen Bones: A Collection of Zen and Pre-Zen Writings. Ang isang kuwento doon (“The Tunnel”) ay may payong tungkol sa tagumpay na pag-aaralan natin dito:

Noong unang panahon, ang isang anak ng samurai na nagngangalang Zenkai ay naging empleyado ng isang opisyal. Sa kasamaang palad, nagkagusto siya sa asawa ng opisyal at, noong nadiskubre sila, pinatay ni Zenkai ang opisyal para ipagtanggol ang kanyang sarili. Nagtanan sila ng asawa at naging magnanakaw sila. Matapos ang ilang panahon, nandiri si Zenkai sa kasakiman ng babae kaya iniwan niya ito at naging pulubi siya sa probinsya ng Buzen.

Para makapagbayad-sala, hinangad ni Zenkai na gumawa ng kabutihan bago siya mamatay. Noong nalaman niya ang tungkol sa isang mapanganib na daanan sa isang lambak o valley kung saan maraming manlalakbay ang namatay, napag-isipan niyang maghukay ng tunnel sa bundok na gawa sa bato. Habang nanlilimos siya ng pagkain araw araw, nagtrabaho siya gabi gabi.

Pagkalipas ng 30 taon ng walang-tigil na paghuhukay, siya ay nagtagumpay sa wakas. Ang tunnel na nahukay niya ay 2,280 feet long, 20 feet high, at 30 feet wide at ginagamit pa rin ito hanggang ngayon.

(Siya nga pala, ang tunnel na iyon ay tinatawag na “Ao no Domon” at mahahanap mo ito sa Oita prefecture sa Japan. Marami pang detalye sa kwento, pero makikita natin doon ang aral na dapat nating matutunan.)

 

Persistence is to the character of man as carbon is to steel.

(Sa ating pagkatao, ang pagtitiyaga ay katumbas ng carbon sa bakal.)

— Napoleon Hill

 

*Ang “iron” ay mahina at madaling mawasak, pero kapag hinaluan mo ito ng carbon, ito ay nagiging bakal na “steel” na napakatibay.

 

Ang Bakal na Kalidad ng Tagumpay: Pagtitiyaga

May kasabihan, “makakabuo ka ng bundok sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga butil ng alikabok.” Kung ginamit mo ang palakol at pinukpok mo ng ilang beses araw araw ang gilid ng malaking puno, kahit gaano pa kalaki ang punong iyon, ito’y matutumba. Kung minartilyo mo ang isang malaking bato araw araw, gaano man ito kalaki mabibiyak ito at mababasag. Kung naghuhukay ka patagos sa isang bundok, edi tulad nina Zenkai at Dashrath Manjhi sa Bihar, India, makakahukay ka ng lagusan dito.

(Mababasa mo ang kwento ni Manjhi dito: “The Man Who Single-handedly Carved A Road Through a Mountain to Help His Village” Inabot siya ng 22 taon para matapos ang daanan.)

 

Kung pangarap mong magtagumpay, bukod sa karunungan at integridad kakailanganin mo ang matinding pagtitiyaga. Sabi nga ni Calvin Coolidge:

“Nothing in this world can take the place of persistence. (Walang makakapalit sa pagtitiyaga.)
Talent will not: nothing is more common than unsuccessful men with talent. (Hindi sapat ang talento: walang kasing dami ang mga taong talentado pero biguan.)
Genius will not; unrewarded genius is almost a proverb. (Hindi sapat ang talino; ang matalinong walang nakakamit ay halos karaniwan na.)
Education will not: the world is full of educated derelicts. (Hindi sapat ang edukasyon: ang mundo ay puno ng mga edukadong pabaya.)
Persistence and determination alone are omnipotent. (Ang pagtitiyaga at pagpupunyagi lamang ang makapangyarihan.)

Napakarami ngang matalino at talentadong tao ang may potensyal magtagumpay pero walang masyadong nakamit sa buhay. Malamang sumubok silang gumawa ng malalaking bagay minsan, pero sumuko sila o nawalan ng gana sa pagdaan ng panahon. Sa kabilang dako naman, maraming hindi kasing talino o talentado pero nagtagumpay dahil PINAGTIYAGAAN nila ang pangarap nila sa halip ng mga problema’t hadlang na hinarap nila.

Ang buhay ay punong puno ng mga ordinaryong tao na nagtagumpay dahil lamang sila’y nagpatuloy at nagtiyaga, katulad ni Abraham Lincoln na ilang beses nabigo sa pulitika bago naging presidente, si Robert Peary na nabigo ng pitong beses bago siya nagtagumpay at nakarating sa North Pole sa ikawalong pagsubok, at si J. K. Rowling na nakatanggap ng napakaraming rejections mula sa agents bago pinublish ng Bloomsbury ang “Harry Potter” at siya’y sumikat.

A failure is not always a mistake. It may simply be the best one can do under the circumstances. The real mistake is to stop trying.

(Ang pagkatalo ay hindi palaging pagkakamali. Malamang ito lang ang kinaya mo sa panahong iyon. Ang tunay na pagkakamali ay pagtigil sa pagsubok.)

— B. F. Skinner

 

Ang tagumpay ay hindi nagmumula sa swerte. Ito’y nakakamit sa pagpupunyagi.

Ang mga muscles hindi nakakamit sa isang session lang sa gym. Ito’y nakakamit pagkatapos ng ilang linggo o ilang buwan ng tamang training.

Ang mga million-dollar business at invest portfolio ay hindi nabubuo ng isang araw lamang. Ang mga ito’y nagagawa lang pagkatapos ng ilang taong pagsisikap at pagpapabuti ng sarili (tandaan din na ang mga cash gifts at pamana ay pinagsikapan muna ng nagbigay nito).

Ang mga promotion at career advancements ay hindi nakukuha sa isang lingo sa trabaho. Ito’y nakakamit pagkatapos ng ilang buwan at taon ng mabuting gawain (ang mga promotions ay pwedeng makuha mula sa nepotism at corruption, pero ang job title ay hindi makakapalit sa tunay na leadership and karunungan).

 

I will persist until I succeed. Always will I take another step. If that is of no avail I will take another, and yet another. In truth, one step at a time is not too difficult. I know that small attempts, repeated, will complete any undertaking.

(Ako ay magpapatuloy hanggang ako’y magtagumpay. Palagi akong hahakbang palusong. Kung hindi pa ito sapat, lulusong ako ng isa pang hakbang, at isa pa. Sa katotohanan, ang paisa-isang paghakbang ay hindi naman ganoon kahirap. Alam ko na ang mga maliliit na pagpupunyagi, kapag inulit-ulit, ay makakakumpleto ng kahit ano.)

— Og Mandino

 

Ang Pagpapagod Lang sa Trabaho ay Hindi Sapat

Huwag mong iisipin na sapat na ang matinding pagpapagod sa trabaho. Napakarami ang nagtratrabaho sa maling bagay. Kailangan mong magtiyaga sa isang LAYUNIN at hindi sa isang PARAAN. Kung mali at hindi gumagana ang paraang ginagawa mo, gumawa ka ng ibang bagay na mas-mainam. Kung nahanap mo ang gawaing makakapagbigay sa iyo ng mga pangarap mo, ipagpatuloy mo hanggang magtagumpay ka.

Halimbawa, kung ang layunin mo’y umasenso sa buhay at yumaman, hindi mo ito makakamit sa pagpipilit sa isang “dead end job” o trabahong walang patutunguhan, pagnanakaw ng maraming wallet, o paglilimos mula sa mas-maraming tao. Makakamit mo ito sa mabuting pagsisikap. Pagbutihin mo ang trabaho at negosyo mo, at imanage mong mabuti ang iyong investments at pera.

Hindi sapat ang pagtrabaho o “hard work” lamang. Kailangan may mabuting diskarte ka sa ginagawa mo. Kapag natutunan mo ang gawaing kailangan mo para umasenso, ipagpatuloy mo lang iyon hanggang makamit mo ang tagumpay.

Ngayon pag-isipan mo na ang mga pangarap mo sa buhay. Ano ang gusto mong makamit? Itakda mo ang iyong pinakamahahalagang pangarap, alamin mo ang mga kailangan mong gawin, at ipagpatuloy mo lang iyon hanggang magtagumpay ka. 

 

Through perseverance many people win success out of what seemed destined to be certain failure.

(Sa pagtitiyaga maraming nagtagumpay kahit na hinarap nila ang tila tiyak na pagkabigo.)

— Benjamin Disraeli

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.