X

30 Quotes/Kasabihan Tungkol sa Pagsabi ng Totoo (Habang Nagsisinungaling ang Iba)

English Version (Click Here)

Noong nakaraang panahon may pyramid scheme na nagngangalang Emgoldex na naging popular sa mga Pinoy bago ito naexpose bilang isang scam. Kung ang kaibigan mo ay malapit nang maloko at maglagay ng pera sa scam na ito, ang isa sa pinakamabuting pwede mong gawin para sa kanya ay ang pagsabi ng totoo. Kung tatanggapin nila ang payo mo o hindi, sila na ang bahalang magdesisyon doon.

Kaya isinulat ko ito ay dahil tila mas maraming fake news, kasinungalingan, at manipulasyon na nagaganap ngayon kumpara dati. Sabi ni Terry Pratchett, “a lie can run round the world before the truth has got its boots on.” Ang isang kasinungalingan ay nakalibot sa mundo bago man makapagsapatos ang katotohanan. Ang isang fake news ay pwedeng makarating sa ilang milyong katao bago may magverify ng katotohanan at tumutol sa kasinungalingan.

Ano ang dapat mong gawin kapag may nagpost o nagtanggol ng kasinungalingan? Ano ang dapat mong gawin kapag ang isang kaibigan mo ay malapit nang maloko ng isang scam, hoax, o pekeng balita? Depende na ito sa iyong diskarte. Basahin mo ang mga aral dito at gamitin mo ang mga payo ng iba.

30 Quotes/Kasabihan Tungkol sa Pagsabi ng Totoo at Pagiging Matapat (Habang Nagsisinungaling ang Iba)

May isang okasyon kung saan ang isa kong kaibigan ay nagshare ng fake news mula sa pekeng website na “CCTN-TV” (ito’y peke ng opisyal na websites,  CCTN47.com at CCTN.org). Noong sinabi ko ang totoo na peke ang news at ipinakita ko ang facts, hindi naniwala ang kaibigan ko at kakilala niya, at ininsulto lang nila ako. Ang isa sinabi ang quote ni William Blake na “a truth that’s told with bad intent, beats all the lies you can invent” (ang katotohanang sinabi ng may masamang intensyon, ay nakatatalo sa lahat ng kasinungalingang pwedeng maimbento). Sa isip nila, ang kahit anong katotohanang hindi nila gusto ay “masama”, at dahil doon ok lang insultohin ang taong nagsasabi ng totoo.

Ang iba nagpapasalamat kapag tinulungan mo silang itama ang kanilang pagkakamali. Ang iba nagagalit.

Kapag nakatanggap ka ng maayos na feedback o payo mula sa iyong mga boss o katrabaho, nagagalit ka ba o ginagamit mo ito para pagbutihin ang iyon sarili? Kapag IKAW ang nagbigay ng feedback o payo, nangiinsulto ka ba ng mga nagkamali o tinutulungan mo ba silang maging mas mahusay at umiwas sa iba pang pagkakamali? Ano mang mangyari, kailangan mag ingat ka kapag nagbibigay ka ng payo o nagsasabi ng totoo. Habang ang iba napapahamak (tulad ni Galileo noong ipinakita niya na ang mundo ay umiikot sa araw sa ating solar system), ang pagsasabi ng totoo at pagtutol sa mga pagkakamali at kasinungalingan ay nagdulot ng napakalaking pag-unlad para sa sangkatauhan. Ito’y nagdulot din ng kalayaan ng mga bansa mula sa kasakiman at pangaabuso.

 


Tanggapin natin ito, gusto ng mga tao ang matatamis na kasinungalingan. Sabihin mo pa ring ang katotohanan.

 

  • “Proof is boring. Proof is tiresome. Proof is an irrelevance. People would far rather be handed an easy lie than search for a difficult truth, especially if it suits their own purposes.” — Joe Abercrombie

    (Ang katunayan ay nakakabagot. Ang katunayan ay nakakainis. Ang katunayan ay hindi kapansin pansin. Mas gusto ng mga tao ang simpleng kasinungalingan kaysa hanapin ang komplikadong katotohanan, lalo na kapag ang kasinungalingan ay pabor sa kanila.)

 

  • “The truth is always an insult or a joke, lies are generally tastier. We love them. The nature of lies is to please. Truth has no concern for anyone’s comfort.” — Katherine Dunn

    (Ang katotohanan ay palaging insulto o patawa, ang kasinungalingan ay madalas mas matamis. Gusto natin ito. Ang ugali ng kasinungalingan ay mang aliw. Ang katotohanan ay walang pakialam sa kaginhawahan ng iba.)

 

  • “The trust of the innocent is the liar’s most useful tool.” — Stephen King

    (Ang tiwala ng inosente ang pinakamahalagang instrumento ng sinungaling.)

 

  • “Always remember… Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.” — Ziad K. Abdelnour

    (Tandaan… ang tsismis ay dinadala ng mga may galit, kinakalat ng mga hangal, at tinatanggap ng mga mangmang.)

 

  • “Facts do not cease to exist because they are ignored.” — Alduous Huxley

    (Ang katotohanan ay hindi nawawala dahil lang ayaw mo itong pansinin.)

 

  • “Fools lie, clever men stick to the truth.” — Michael Scott

    (Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nananatili sa katotohanan.)

 

  • “Silence becomes cowardice when occasion demands speaking out the whole truth and acting accordingly.” — Mahatma Gandhi

    (Ang pananahimik ay nagiging kahinaan ng loob kapag kinakailangan ng okasyon ang pagsabi ng totoo at paggawa ng tama.)

 

  • “It takes a great deal of bravery to stand up to our enemies, but just as much to stand up to our friends.” — Dumbledore (J.K. Rowling’s Harry Potter and the Sorcerer’s Stone)

    (Kailangan ng tapang para harapin ang ating mga kalaban, pero kailangan din natin ito kapag haharapin natin ang ating mga kaibigan.)

 

  • “Being honest may not get you a lot of friends but it’ll always get you the right ones.” — John Lennon

    (Ang pagiging tapat ay hindi magbibigay ng maraming kaibigan, pero ibibigay nito ang mga taong karapat dapat kaibiganin.)

 


Mag-ingat.

Tandaan, pwede ka ring magkamali, at alamin mo rin na may mga taong ayaw makinig sa katotohanan. Yun ang dalawang patibong na kailangan mong iwasan.

  • “A thousand fools believe a lie, and it’s good as truth.” — Joan Slonczewski

    (Ang isang libong mangmang ay naniniwala sa isang kasinungalingan, at para sa kanila katumbas na nito ang katotohanan.)

 

  • “A truth that’s told with bad intent beats all the lies you can invent.” — William Blake

    (Ang katotohanang sinabi ng may masamang intensyon, ay mas masama sa lahat ng kasinungalingang pwedeng imbentohin.)

 

  • “I do myself a greater injury in lying than I do him of whom I tell a lie.” — Michel de Montaigne

    (Mas sinasaktan ko ang aking sarili sa pagsisinungaling kaysa sa sinasaktan ko gamit ang kasinungalingan.)

 

  • “Those who will not reason, are bigots, those who cannot, are fools, and those who dare not, are slaves.” — George Gordon Byron

    (Ang ayaw mag-isip ay panatiko, ang hindi kayang mag-isip ay mangmang, at ang mga walang lakas ng loob mag-isip ay mga alipin.)

 

  • “More people would learn from their mistakes if they weren’t so busy denying them.” — Harold J. Smith

    (Mas maraming tao ang matututo mula sa kanilang mga pagkakamali kung hindi sila abala sa pagtatago ng mga ito.)

 

  • “A wise man changes his mind, a fool never will.” — Immanuel Kant


    (Ang matalino ay marunong magbago ng isip, ang mangmang hindi.)

 

  • “So don’t bother correcting mockers; they will only hate you. But correct the wise, and they will love you.” — Proverbs 9:8

    (Huwag mo nang subukang itama ang mga mali ng mga mapanlait; magagalit lang sila. Itama mo ang mga mali ng mga matatalino at hahangaan ka nila.)

 

  • “Hypocrites get offended by the truth.” — Jess C. Scott

    (Ang mga ipokrita ay nagagalit sa katotohanan.)

 

  • “There is nothing worse for the lying soul than the mirror of reality.” — Steve Maraboli

    (Walang mas nakakasakit sa sinungaling kaysa sa salamin ng katotohanan.)

 

  • “If an offense come out of the truth, better is it that the offense come than that the truth be concealed.” — Thomas Hardy

    (Kung ang sama ng loob ay nagmula sa katotohanan, mas mabuti na iyon kaysa kung naitago lamang ang katotohanan.)

 

  • “As the facts change, change your thesis. Don’t be a stubborn mule, or you’ll get killed.” — Barry Sternlicht

    (Kung nagbago ang katunayan, baguhin mo rin ang iyong pananaw. Huwag kang maging matigas ang ulo, o mamamatay ka lang.)

 

  • “There are two ways to be fooled. One is to believe what isn’t true; the other is to refuse to believe what is true.” — Søren Kierkegaard

    (May dalawang paraan para magpaloko. Ang isa ay ang paniniwala sa hindi totoo; ang isa ay ang pagtanggi sa katotohanan.)

 


Higit sa lahat, magsabi ka pa rin ng totoo.

 

  • “Say what you have to say, not what you ought. Any truth is better than make-believe.” — Henry David Thoreau

    (Sabihin mo ang kailangang sabihin, hindi ang gusto nilang marinig. Ang kahit anong katotohanan ay mas mabuti kaysa sa kathang isip lamang.)

 

  • “It takes strength and courage to admit the truth.” — Rick Riordan

    (Kinakailangan ng lakas ng loob at tapang para sabihin ang totoo.)

 

  • “In a time of deceit telling the truth is a revolutionary act.” — George Orwell

    (Sa panahon ng kasinungalingan at panloloko, ang pagsabi ng totoo ay mapanghimagsik na gawain.)

 

  • “Truth never damages a cause that is just.” — Mahatma Gandhi

    (Ang katotohanan ay hindi nakasisira sa katwiran o panig na tama.)

 

  • “Liars are the cause of all the sins and crimes in the world.” — Epictetus

    (Ang mga sinungaling ay sanhi ng lahat ng kasalanan at krimen sa mundo.)

 

  • “Those who are capable of tyranny are capable of perjury to sustain it.” — Lysander Spooner

    (Ang mga taong kayang manakit o gumawa ng kalupitan ay kayang magsinungaling para panatiliin ito.)

 

  • “That which can be destroyed by the truth should be.” — P. C. Hodgell

    (Ang pwedeng sirain ng katotohanan ay dapat lang na masira nito.)

 

  • “Fools multiply when wise men are silent.” — Nelson Mandela

    (Dumadami ang mga mangmang kapag nananahimik ang mga taong nagiisip.)

 

  • “Honesty is the first chapter in the book of wisdom.” — Thomas Jefferson

    (Katapatan ang unang kabanata ng libro ng karunungan.)


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (2)

  • ray ang galing mo pala writer aq pude ba ung sskin n ishare q ung buhay mama at provider q sa pamilya q ung araw araw q ginagawa pude q ba ishare,,bilang baguhan sa web world nahihirapan aq lalo english ung sakin pude q ba palitan n tagalog languages ung sakin at nguguluhan aq sa website n gagamitin q infinity ba o wordpress infinty free web hosting d q maintindihan turuan mko pag my time qa kasi gusto q maging blogger talga noon pa...

    • Hello, and maganda nga as a personal blog topic yan, yung tungkol sa daily struggles ng pagiging army mother (dad ko din army bago siya namatay, kaya ako HERO at PETFI scholar). Mahirap ding mabuhay sa pension at grabe din ang pinagdaanan ng mom ko para palakihin kaming magkapatid.

      As for the posts, website/blog mo yan so you're free to post what you want. Kung gusto mong magpost ng English, magpost ka ng English. Kung gusto mo magpost ng Tagalog, Tagalog article ang ipost mo. Sa blog ko, ginagawa ko pareho, isang English, tapos nagsusulat uli ako ng Tagalog version. Magkaibang posts sila, so pwede mo ring gawin iyon.

      Sa infinity free web hosting, wala akong masyadong alam diyan pero parang nabasa ko na Softaculous din ang gamit nila. May guide siguro sila sa paginstall, alam ko one-click lang ginawa ko dati sa akin. Tapos noon, ako na lang nagsetup unti unti ng aking blog. Usually maeedit mo yun sa "Dashboard > Appearance". Di naman kailangan madaliin lahat, pwedeng isa isahin at unti untiin ang paggawa. Yun din ginawa ko dati.