X

Limang Bagay na Kailangan Tandaan ng mga Leader

English Version (Click Here)

Dahil ako ay self-employed, hindi na ako madalas nagkakaroon ng mga pagkakataong maging leader ng mga bagong grupo. Dahil doon, natuwa ako noong napili akong maging leader ng training climb ng isang hiking o mountaineering organization. Sa kasamaang palad, napakarami kong nagawang mali at para sa akin napakalaking kabiguan ang ginawa ko sa akyat naming iyon. Nagpapasalamat na lang ako na marami rin naman akong natutunan mula sa karanasang iyon.

Gayunpaman, kuwento iyon para sa ibang article. Sa ngayon, basahin mo itong ilang mga bagay na kailangan tandaan ng mga leader.

Limang Bagay na Kailangan Tandaan ng mga Leader

1. Trabaho

May dahilan kung bakit ginawa kang leader, at ang isa sa pinakamahalagang trabaho ng isang leader ay tapusin ang mga trabahong kailangan (sa tulong ng grupo). Pag-isipan mo ang layunin ng groupo niyo at hanapin mo ang mga hakbang na kailangan niyong gawin para makamit ang inyong layunin.

Ang isang gawaing makakatulong ay ang pagtatanong at paghahanap ng feedback tungkol sa mga nagagawa mong tama at mga pagkakamali. Madalas, ang kakulangan sa mga maliliit na detalye ay magdudulot ng pinakamalalang kapahamakan.


2. Maging Responsable

Lahat tayo ay abala sa mga ginagawa natin, at kung nagtipon tipon ang mga tao para gumawa ng bagong layunin, madalas hindi ito ang kanilang kasalukuyang prioridad. Sa mga ganoong okasyon (tulad ng training climb namin), kailangan may taong magsisimula ng diskusyon bago may mangyari. Kailangan may magtanong kung sino ang gagawa ng anong trabaho. Kung walang nagvovolunteer, kailangan matutunan mong kumbinsihin ang pinakamahusay sa gawaing kailangan mong ipagawa, o kailangan ikaw na ang magsimula nito.


3. Magdesisyon

Nakapagbigay ka na ba ng mga mungkahi o payo sa isang grupo pero wala kang natanggap na sagot (“seenzoned”)? Nanghingi ka na ba ng mga suggestions o payo pero walang pumipili sa mga pwedeng pagpilian dahil para sa kanila “ok lang kahit ano”? Sa mga ganoong sitwasyon, kailangan ikaw na ang magdesisyon. May mabuti at masama o “pros and cons” sa bawat desisyon at hindi lahat matutuwa, pero mas mabuti na ito kaysa wala kayong nakatakdang gagawin.


4. Magdelegate o Magbigay ng mga Gawain at Responsibilidad

Pakiramdam ng mga bagong leader kailangan nilang gawin lahat, pero hindi iyon nararapat. Kung susubukan mong gawin ang lahat ng trabaho, malamang mapupuno ka ng stress at pag-aalala. Buti na lang hindi ka naman nagiisa. May mga teammates kang kasama, at pwede mong idelegate o ibigay ang ibang trabaho sa mga taong dalubhasa sa paggawa ng mga ito.

Hindi nga naman madaling makahanap ng mga team members na gugustuhing gawin ang lahat ng mga kailangang gawin, kailangan mo pa ring hanapin ang mga taong tatanggap ng mga trabaho at responsibilidad na ibibigay mo. Kung walang may gusto o kayang gawin ang ibang trabaho, ikaw na ang dapat gumawa nito hanggang sa makakaya mo.


5. Matutong Matuto!

Walang ipinanganak na master o dalubhasa na agad, at kahit ang mga taong may genetic gifts kinailangan munang magpractice para gumaling sa mga ginagawa nila. Ganoon din ang leadership o pagiging leader. Kung hindi ka nabibilang sa mga pambihirang tao na nagkaroon ng personality na parang “leader” mula pagkabata, malamang kakailanganin mo ng practice bago ka gumaling sa pagiging leader.

Masakit nga naman ang mga pagkakamali at pagkabigo (tulad ng naranasan ko sa grupo ko sa training climb), pero dapat alamin mo na nangyari na ang mga iyon at ang magagawa mo na lang ngayon ay tandaan ang mga aral na natutunan mo doon. Ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya, kaya ang pwede mo na lang gawin ay magpatuloy gamit ang lahat ng mga natutunan mo.

Isipin mo na lang ang popular na kasabihang “it’s not how much you fall, but how often you get back up”. Hindi mahalaga ang dami ng beses kung saan nadapa ka, kundi ang dami ng beses na tumayo kang muli.


Sa ngayon, sana nagustuhan mo ang mga aral dito. Kung wala kang “leader’s personality”, tandaan mo parati na pwede mong matutunang maging mas magaling na leader. Kailangan mo lang ng experience, practice, at isipang handang matuto.

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (0)