English Version (Click Here)
Ang isa sa pinakamahalagang bagay tungkol sa tagumpay na natutunan ko ay ang kaalamang ang tagumpay sa buhay ay resulta ng iyong mga ginagawa, at ang lahat ng ginagawa mo ay nagmumula sa iyong isipan. Totoo nga naman, bago ka makagawa ng matagumpay na negosyo o career, kailangan pinag-isipan mo muna silang gawin. Dahil doon, naisipan kong ibahagi sa iyo ang isang napakahalagang tula tungkol doon sa article na ito.
Basahin mo ang tula ni Walter D. Wintle na may pamagat na “Thinking” (Pag-iisip) sa ibaba!
(Note: May pagsasalin sa Tagalog ang bawat talata sa ilalim nito. Bukod pa doon, isinalin ko rin ang mga idiom o kawikaan sa mas mainam na kahulugan o ibig sabihin nito sa Tagalog.)
“Thinking” by Walter D. Wintle
If you think you are beaten, you are;
If you think you dare not, you don’t.
If you’d like to win, but you think you can’t,
It is almost certain, you won’t.
Kung iniisip mong talunan ka, tama ka doon;
Kung iniisip mong hindi mo kakayanin, hindi mo nga kaya.
Kung gusto mong manalo, pero iniisip mong hindi mo kaya,
Halos sigurado, hindi mo nga magagawa.
If you think you’ll lose, you’ve lost;
For out in this world we find
Success begins with a fellow’s will
It’s all in the state of mind.
Kung iniisip mong matatalo ka, ngayon pa lang talo ka na;
Dahil mapapansin natin sa mundong ito
Na ang tagumpay ay nagmumula sa ating lakas ng loob
Ito’y nasa ating pag-iisip.
If you think you’re outclassed, you are;
You’ve got to think high to rise.
You’ve got to be sure of yourself before
You can ever win the prize.
Kung palagay mo ikaw ay lugi, tama ka;
Kailangan mong iangat ang iyong pagiisip para ikaw ay umunlad.
Kailangan sigurado ka muna sa sarili mong kakayahan
Bago ka magkaroon ng pagkakataong manalo.
Life’s battles don’t always go
To the stronger or faster man;
But sooner or later the man who wins
Is the one who thinks he can!
Ang tagumpay sa mga laban sa buhay
Ay hindi palaging napupunta sa mga mas-malakas at mas-mabilis;
Pero sa pagdaan ng panahon ang nagtatagumpay
Ay ang taong may nagtitiwala na kaya niya!
Ang pagkapanalo at pagkatalo, tagumpay at pagkabigo, ay nakataya nga naman sa ating mga gawain. Gaano pa man natin gustohing sisihin ang ating kawalan ng pera, ang ating mga magulang, ang gubyerno, o kamalasan lang, ang ating tadhana nga naman ay nakabase sa lahat ng ating mga gawain, maliit man o malaki, sa pagdaan ng panahon.
Huwag mong kakalimutan. May mga pinanganak na mayaman at mayroon lahat ng mga kalamangan sa buhay pero pumapalya pa rin at nagiging biguan, pero marami rin ang mga taong ipinanganak sa pinakailalim ng kahirapan pero nagtagumpay pa rin sa buhay. Ang kanilang mga kapalaran ay nagmula sa kanilang mga naisip gawin sa buhay.
Kahit ang iba ay “sinusuwerte”, hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagtatagumpay ang mga tao. Isipin mo lang. Kailan mo ba huling nabalitaan ang isang taong walang ginagawa at tumatambay lang sa bahay pero “sinuwerte” at biglang nakapagtayo ng isang multi billion-dollar na negosyo? Ang mga pinakadakilang tagumpay nga naman sa buhay ay binubuo nang paunti-unti sa matagal na panahon.
Bago pa man ang kahit anong galaw na nagdudulot ng tagumpay, huwag nating kakalimutan na ang bawat isa nito ay nagmumula sa ating pinagiisipan, at ang pinakamalalaking tagumpay ay nagmumula sa MARAMING pag-iisip at pagplano. Bago natin pwedeng makamit ang tagumpay, dapat muna natin itong PAG-ISIPAN, at dapat MAGTIWALA tayo sa ating sarili bago tayo magsimulang magsikap. Totoo nga, ang pinakaunang hakbang patungo sa tagumpay ay ang matagumpay na pag-iisip.
Dito muna tayo magtatapos. Sa ngayon, basahin mo uli ang tula sa itaas. Pag-isipan mo itong mabuti, at hayaan mong mainspire ka nito para subukan mong magsikap at umasenso.