English Version (Click Here)
Paano kung may paraan para kontrolin ang halos lahat ng aspeto ng buhay mo at pagbutihin ito. Gagamitin mo ba?
Habang binabasa ko ang librong The Law of Success In Sixteen Lessons ni Napoleon Hill, may nabasa akong pamilyar at mahalagang tula na naglalaman ng pangunahing aral na matatagpuan sa napakaraming success at self-improvement books, at nais ko itong ipaalam sa iyo.
“Thoughts are Things”: Paghahanap ng Paraan Para Baguhin ang Iyong Mundo
Thoughts are Things
by Henry Van Dyke
I hold it true that thoughts are things;
(Totoo ngang mga pinag-iisipan ay tunay na bagay)
They’re endowed with bodies and breath and wings;
(Sila’y may katawan at hininga at pakpak)
And that we send them forth to fill
(at pinapalabas natin sila para punuin)
The world with good results, or ill.
(ang mundo ng mabuting bunga, o masama.)
That which we call our secret thought
(Ang tinatawag nating sikretong pag-iisip)
Speeds forth to earth’s remotest spot,
(ay nagmamadali sa pinakamalayong dulo ng mundo)
Leaving its blessings or its woes
(nagiiwan ng biyaya o kasawian)
Like tracks behind it as it goes.
(parang bakas habang ito’y naglalakbay.)
We build our future thought by thought,
(Binubuo natin ang ating kinabukasan sa bawat bagay nating pinagiisipan)
For good or ill, yet know it not.
(makabubuti man o makasasama, hindi natin ito napapansin.)
Yet, so the universe was wrought.
(Pero naisasagawa pa rin ng mundo.)
Thought is another name for fate;
(Ang pinagiisipan ay isa pang pangalan ng tadhana)
Choose, then, thy destiny and wait,
(Piliin mo ang kapalaran mo at maghintay ka)
For love brings love and hate brings hate.
(dahil ang pag-ibig ay nagdudulot ng pag-ibig, at ang galit ay nagdadala ng galit.)
(Source: http://www.sathyaish.net/poetry/ThoughtsAreThings.aspx)
Ano nga ba ang blueprints ng mga building, schematics ng eroplano, business plans, economic agendas, at physics theories? Mga layunin at plano? Sila’y mga idea na isinulat lamang, at sila’y kasing-totoo ng kahit anong pisikal na bagay. Hindi lang sila nagtatapos doon. Ang mga naiisip natin tungkol sa mundo ay nakaaapekto din sa ating buhay.
Gusto mang isipin ng mga tao na ang mga bagay at pagkapanalong nakamit nila ay nagmula sa kanilang pagsisikap, mahilig din silang magreklamo at sisihin ang gubyerno, magulang, asawa, kaibigan, pamilya, ekonomiya, malas, at halos lahat ng iba pang bagay sa mundo kapag sila’y nabibigo (“biases in attribution” ang tawag dito).
Totoo nga na maraming bagay tayong hindi mababago sa mundo, gayunpaman mayroon namang isa na pwede, at ito ang magiging basehan ng pagkamit natin ng kasaganaan o kahirapan, kasiyahan o desperasyon, tagumpay o pagkabigo. Ang bagay na iyon ay ang ating PAG-IISIP.
Thought is the original source of all wealth, all success, all material gain, all great discoveries and inventions, and all achievement.
— Claude M. Bristol
(Ang pag-iisip ang orihinal na pinagmulan ng lahat ng kayamanan, lahat ng tagumpay, lahat ng bagay na nakamit, lahat ng mahalagang bagay na natuklasan at nilikha, at lahat ng nakamit.)
Ang Sikretong pinag-iisipan ay NAKAAAPEKTO pa rin sa Mundo
Gaya ng kung paano nararamdaman ng ating iniibig ang ating intensyon dahil sa ating pagkilos at paggalaw, ang ating saloobin ay palaging makakahanap ng paraan para impluwensyahan ang ating mundong kinagagalawan.
Kung iniisip mo na mabait ang isang tao, hindi mo mamamalayan na mabuti ang pakikitungo mo sa kanya at mabuti rin ang magiging pakikitungo niya sa iyo. Sa kabilang dako naman, kung nakahanap ka ng mabuting tao pero inisip mo na siya’y maramot, bastos, o masama, magiging masama ang pakikitungo mo sa kanya at malamang ganoon din ang gagawin niya sa iyo.
Mag-isip ka ng mabuti tungkol sa iba at mabuti rin ang iisipin nila tungkol sa iyo. Mag-isip ka naman ng masama at masama rin ang iisipin nila sa iyo. Gaano mo man ito subukang itago, mararamdaman ito ng ibang tao sa katapatan o kasakiman sa likod ng iyong mga ngiti at simangot.
Alalahanin mo na ang iniisip mo tungkol sa mga tao o bagay at makaaapekto sa pakikitungo mo sa kanila. Sila’y mapapalapit sa iyo, o itataboy mo sila. Maitanong ko nga sa iyo ito. Ano ang iniisip mo tungkol sa pera? Ito ba’y “masama” o ito ba’y isang kagamitan lang ng mga tao tulad ng mga pala o ticket para sa eroplano? Ano ang iniisip mo tungkol sa mga “mayayaman”? Sila ba’y “mandaraya” at “kriminal”, o sila ba’y mga nagsisikap lumikha ng mabubuting serbisyo at produkto (tulad ng mga doktor na nagliligtas ng buhay at mga engineer na lumilikha ng ating mga computer at gadgets)?
Ang mga pinag-iisipan mo ay makaaapekto sa iyong mga gawain at sa mga makakamit mo sa buhay, sa gusto mo man o hindi.
If you would know what the Lord God thinks of money, you have only to look at those to whom he gives it.
— Maurice Baring
(Kung gusto mong malaman kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa pera, tignan mo lang ang mga taong ginagantimpalaan niya nito.)
The lack of money is the root of all evil.
— Mark Twain
(Ang kawalan ng pera ang ugat ng lahat ng kasamaan.)
Ang pag-iisip ang isa pang pangalan ng tadhana
Nagdesisyon kang kunin ang kurso mo sa kolehiyo dahil INISIP mong tama ito para sa iyo.
Nagdesisyon kang mag-apply sa trabaho mo ngayon dahil INISIP mong kaya mo. Nanatili ka sa trabaho o kumpanyang pinagtratrabahuhan mo dahil INISIP mong aasenso ka dito o INISIP mong hindi ka aasenso sa iba. Sa kabilang dako naman, nagdesisyon kang umalis sa iyong dating trabaho at lumipat sa iba dahil INISIP mong makabubuti ito para sa iyo.
Nagtayo ka ng sarili mong negosyo dahil NAISIP mong subukan ito at INISIP mong magtatagumpay ka. Hindi ka sumuko kahit ilang beses kang nabigo dahil INISIP mong kakayanin mo ito, at nagtagumpay ka nga.
Sa kabilang dako naman, maraming hindi nagapply sa trabahong gusto nila o hindi nagtayo at nagpalago ng negosyo dahil HINDI NILA INISIP na magtatagumpay sila. Nabigo na sila bago man lang sila magsimula.
Ang iyong tadhana ay nagmumula sa lahat ng iyong gawain. Ang mga ginagawa mo ngayon, tulad ng pag-invest ng bahagi ng iyong kinikita kaysa mabaon sa utang, pag-aaral kung paano mamuno ng tama kaysa mandaya at manloko para magkapera, o magsikap at subukang umasenso sa iyong career kaysa manatili sa safe pero mababang trabahong kinaaayawan mo, ay lahat makaaapekto sa iyong kinabukasan. Dahil ang mga desisyon at gawaing ginagawa mo ngayon ay nanggagaling sa mga pinag-iisipan mo, pwede talaga nating sabihin na ang iyong tadhana ay magmumula sa iyong isipan.
Ano ang pangarap mong makamit sa buhay? Ang mga pinag-iisipan mo ba ay makakatulong sa iyo upang makamit ito, o tatanggalan ka lang ba nila ng lakas ng loob? Ikaw lang ang makakasagot doon.
Pag-isipan mo iyong mabuti.
Whatever the mind can conceive and believe, it can achieve.
— Napoleon Hill
(Ano man ang kayang likhain at paniwalaan ng ating isipan, kaya nito iyong makamit.)