X

Your Wealthy Mind Savings and Budget Plan (Tagalog)

English Version (Click Here)
“Hindi sa laki ng kita, pero sa naiipon, napaparami, at kung gaano karaming henerasyon mo ito maipapamana.”
– Robert Kiyosaki

 

Ano ang gagawin mo kapag may nagbigay sa iyo ngayon ng higit pa sa P1 MILLION?

Tandaan mo muna ang sagot mo dahil babalikan natin ito mamaya. Sa ngayon, pag-usapan muna natin ang pag-iipon!

 

Gastos vs Kinikita

Marami sa atin ang gustong makapag-ipon… pero PALAGI na lang may kailangang bilhin, bills na kailangan bayaran, emergency na kailangang bayaran, at iba pang mga bagay na “kailangan” paggastusan. Kung tumaas lang kita natin, makakaipon tayo diba?

Sayang nga lang na kapag tumaas nga kinikita natin dahil sa mga promotions, pay increase, at bonus, mas MARAMI pa rin ang “kailangan” nating bilhin kaya nauubos pa rin ang ating pera.

Kapag tumataas ang Kita, dumadami lang ang GASTOS, hindi ang IPON. Para lang itong pagbuhos ng mas-maraming tubig sa bayong.

Ikaw at ako, mga taxi driver, bus driver, empleyado sa opisina, janitor, supervisor, manager, atbp. ay lahat may iba-ibang sahod. Mas malaki ang kinikita ng iba, ang iba naman mas-kaunti. Mayroon lahat ng mga bayarin at mga pamilyang kailangan pakainin… pero pare-pareho ang karamihan sa atin na walang naiipon.

Ang dahilan kung bakit wala tayong ipon… ay dahil hindi tayo nag-iipon!

Hindi dahil sa hindi natin kaya kundi dahil hindi natin ginagawa.

 

Ang Ultimate Savings Solution: “Pay Yourself First!”

Ang pinakamagaling na technique para makasiguradong nakakaipon tayo (para makapag-invest) ay ang “Pay Yourself First” method ni George S. Clason, ang may-akda ng finance classic na “The Richest Man in Babylon.”

Paano ba ito? Simple lang: Kapag kumita ka ng pera, ipunin mo ang mga 10% nito para sa pag-invest!

Kung iniisip mo na “hindi mo kayang” mabuhay sa mas-kaunti, alalahanin mo na ginagawa mo na ito. Kailan mo nga ba huling pinansin ang iyong income tax at SSS?

Mag-aadjust ka sa sahod mo at magbabawas ka ng perang wawalgasin mo kapag nagsanay ka sa paggawa nito. Habang nag-iipon ka at nag-iinvest, yayaman ka!

Tandaan: MAG-IPON MUNA!

 

Ang Five Accounts:

  1. Investment Account
  2. Safety Account
  3. Freedom Account
  4. Tithing Account
  5. Wisdom Account (and PINAKAMAHALAGA sa lima)

Halos LAHAT ng finance book at website ay mayroon nito dahil EFFECTIVE to. Ang kailangan mo lang gawin ay sundan ang formula hanggang makasanayan mo na siyang gawin.

Simple lang itong gawin: Kapag kumita ka ng pera, ihiwalay mo agad ang ipon sa limang accounts. Oo, kasama dito ang mga allowance at bonus.

Ito ang aking version at ang isang pinagkaiba nito ay ang pagpapahalaga ko sa “Wisdom Account.” Para sa akin, ayon sa kaalaman at karanasan ko (click link para sa aking “From Books to Riches” article), ito ang pinakamahalaga dahil ito ang magbibigay sa iyo ng napakaraming oportunidad sa buhay.

Tandaan: Para makasiguradong makakaipon, MAG-IPON ka muna bago magbayad ng mga bills at bumili ng kahit-ano (pati pagkain)! Kapag mataas ang bayarin, matutong huwag magsayang ng kuryente at tubig. Kapag masyadong mahal ang groceries, matutong maghanap ng mas-mura (pero nutritious pa rin) na pagkain sa mas-mabuting tindahan.

 

  1. Investment Account

Mag-ipon ng mga 10% para sa pag-invest. Ito ay para bumili ng mga assets (mga bagay na nagbibigay-pera) gaya ng mabubuting stocks, bonds, mutual funds, real estate, negosyo, atbp.

Kapag nag-invest ka sa mga assets, kikita ang pera mo. Kapag ininvest mo ang kinikita mo (sa trabaho at sa investments), mas DADAMI PA ang kinikita mo. Ito ang itinuro nina Robert Kiyosaki ng “Rich Dad Poor Dad” at T. Harv Eker ng “Secrets of the Millionaire Mind” tungkol sa paggamit ng pera para magsikap at kumita pa ng pera.

Ang mga nagpapagod para kumita ay nananatiling mahirap o middle-class. Ang mga natutong gamitin ang perang kinita nila para magsikap para sa kanila ay yumayaman.

  1. Safety Account

Mag-ipon ng mga 5-10% ng kinikita hanggang magkaroon ka ng 3-6 months ng living expenses sa ipon. Ang ibig-sabihin nito, kapag kailangan ng pamilya mo ng P5,000 kada buwan para makabili ng pagkain, tubig, kuryente, at iba pang bilihin, mag-ipon ka ng P15,000 hanggang P30,000 o higit pa sa separate bank account.

Ang mga emergency kagaya ng biglaang sakit, layoff, bagyo, atbp. ay makakasira sa iyong finances at wawasakin ang pinaghirapan mo kapag hindi ka handa. Bahagi ito ng buhay nating lahat kaya paghandaan natin sila habang kaya natin.

Kapag tapos ka nang mag-ipon ng 3-6 months ng expenses, pwede kang magdagdag pa o pwede mong dagdagan ang iniipon mo para sa investment at wisdom accounts.

Tandaan: Ang account na ito ay para sa EMERGENCY lamang. Ang biglaang paggusto sa bagong cellphone o gadget at HINDI EMERGENCY.

  1. Freedom Account

Kung mayroon kang utang sa credit card, loan, o nanghiram ka sa kaibigan at kamag-anak, tumigil ka na sa pangungutang. Mag-ipon ka ng 10-20% o HIGIT PA para BAYARAN ang LAHAT ng iyong inutangan.

Tandaan mo ang kasabihan sa biblia (Proverbs 22:7): “ang nangutang ay alipin ng inutangan.” Bayaran mo ang lahat ng utang mo para maging MALAYA ka. Mas-madali ang buhay kapag hindi ka nagtatago sa mga inutangan mo.

Kapag tapos ka nang magbayad sa iyong utang, idagdag mo rin ang pera mo sa investment at wisdom accounts.

  1. Tithing (Charity) Account

Optional ito pero malaki ang ikabubuti nito: Itabi mo ang 10% ng kinikita mo at ibigay mo ito sa charity.

Bakit? Para makatulong sa mga nangangailangan. Kapag mas-marami ang iyong kawanggawa, mas-marami ang iyong biyaya.

Kapag charitable ka, maaalala mo na hindi ka biktima sa buhay at mayaman o biniyayaan ka kasi nakakatulong sa sa mas-mahirap.

  1. Wisdom Account

Para sa akin, ito ang PINAKAMAHALAGA sa lima. Bakit?

Hindi ka makakapag-invest kapag hindi ka marunong mag-invest, hindi ka kikita sa negosyo kapag hindi ka marunong magtayo at mag-manage ng negosyo, at hindi ka magiging milyonaryo kapag hindi mo alam kung paano kumita ng milyon-milyon. Halos siguradong mabibigo ka kapag hindi mo alam ang ginagawa mo, at magtatagumpay ka lang kapag natutunan mong pagsikapan ng mabuti ang pangarap mo.

Nasubukan mo na bang magmaneho sa bundok… noong hindi ka pa marunong magmaneho ng sasakyan? Malamang babangga ka at mahuhulog ka sa bangin. Totoo din iyon sa investing, business, at sa buhay: Bago ka magsimula, gamitin mo ang Wisdom Account para makabili ng libro at sumali sa seminars na magtuturo sa iyo kung paano gawin ito ng maayos.

 

Mag-ipon muna ng mga 10% ng iyong kinikita para makabili ng mga mabubuting libro at seminars. (Bawal ang mga entertainment at gossip magazines at maghanap ka ng mga libro tungkol sa: success, finance, business, investing, leadership, health, atbp.)

 

Budget para sa Edukasyon
“Huwag mong sabihin sa akin kung ano ang pinahahalagahan mo sa buhay, ipakita mo ang binibili mo at sasabihin ko sa iyo ang pinahahalagahan mo.”
– Joe Biden

Marami sa atin ang nagsasabi na mahalaga ang edukasyon at kahit mga mahihirap na magsasaka ay nagsisikap para makapag-aral ang kanilang mga anak, pero ilan sa atin ang magwawalgas ng P500 para bumili ng sigarilyo, alak, at sitsirya at babalewalain ang librong magtuturo sa atin kung paano maging mayaman at financially independent na milyonaryo o higit pa?

Isipin mo ito:

Kung nalaman mo na ang P3,000 na ginamit sa ilang libro ay magtuturo sa iyo kung paano magsikap ng mabuti at maging milyonaryo sa loob ng ilang dekada, tapos dahil mayaman ka hindi mo na kailangang magpagod pa sa trabaho… bibilhin mo ba?

Kapag nalaman mo na MAWAWALAN KA NG ILANG MILYON sa buhay dahil binalewala mo ang mga libro… sasayangin mo pa rin ba ang pera para makabili lang ng sitsirya, sigarilyo, alak, extrang damit, at iba pang hindi kailangan?

Huwag mong kakalimutan ang account na ito dahil ang LAHAT ay magsisimula dito. Mahahanap mo ang mga oportunidad sa buhay kapag NATUTUNAN mong hanapin sila at NATUTUNAN mo kung paano sila gamitin.

 

Summary:

  1. Investment Account (10%)
  2. Safety Account (5-10%)
  3. Freedom Account (10-20%)
  4. Tithing Account (10%)
  5. Wisdom Account (10%)

 

Pwede kang magsimula sa maliit, mga 1% lang bawat isa, pero kailangan mo silang paramihin hanggang maging 10% o higit pa (maiipon at mababayaran rin naman ang Safety at Freedom accounts balang-araw). Mukhang mahirap siya pero kapag nagsimula ka na, makakasanayan mo na ito at magiging kasing-dali lang nito ang pagsipilyo at pagligo.

 

Balikan natin ang P1 MILLION…

Naalala mo na sa simula nitong article na ito may nagbigay sa iyo ng higit pa sa P1 Million? Alam mo ba kung sino ang nagbigay sa iyo noon?

 

Answer: IKAW!

Ikaw noong kabataan mo ang nagregalo sa sarili mo. Noon pa, nagsimula kang mag-aral kung paano mag-ipon at mag-invest at ngayon mo inaani ang gantimpala mo.

Tandaan mo na 20, 30, 40 years at lilipas rin mula ngayon. Magsisimula ka bang mag-ipon at mag-invest para maging milyonaryo?

Kung hindi mo ito gagawin, kaysa milyon-milyon ang makukuha mo, matatanggap mo lang ay mga bayarin… at wala ka nang pambayad kasi ginastos mo na lahat ng kinita mo noon pa.

Ikaw naman ang pipili: Didisiplinaham mo ba ang sarili mo para mag-ipon at magsikap magpayaman, o gagastusin mo lahat ng kinikita mo at balang araw maghihirap?

 

Paano kung mas-malaki ang Pangarap mo?

Isang achievement ang pag-iipon mula sa maliit na sahod, pero madalas hindi ito sapat para sa pinakamagagandang bagay at pangarap sa buhay. Pangarap mo ang mansion, makapaglakbay sa Europe o Hawaii at sa Caribbean, makakain sa mga five-star hotel at pinakamasarap na restaurant, pero sa ngayon ang kinikita mo lang ay kasing liit ng kinikita ng mga truck driver at janitor.

Sa maliit na kita, maliit lang ang maiipon mo at kaunti lang din ang mabibili mo, so ano ang kailangan nating gawin?

Sagot: Paramihin ang Kinikita!!

Sabi ni Steve Siebold, ang may-akda ng “How Rich People Think,” ang karaniwang tao ay nagfofocus sa pag-iipon, pero ang mga mayayaman ay nagfofocus sa pagpapalaki ng kinikita. Kapag pangarap mo ang mas-mabubuting bagay sa buhay at kailangan mo ng mas-malaking kita, makakahanap ka ng ilang-libong paraan para makamit ito.

 

Isipin mo: Paano kung natutunan mong magtayo ng negosyong kumikita ng P10,000 kada buwan, tapos natutunan mong palakihin ito para kumita ng P10 MILLION kada buwan sa loob ng sampung taon? Paano kung natutunan mong mag-invest ng P10 million sa ibang negosyo para kumita ng P100 million kada buwan o higit pa ng hindi mo kailangan magtrabaho (ang mga investments mo ang kumikita para sa iyo)?

Paano natin magagawa iyon? PAANO natin mapapalaki ang ating kinikita? Paano tayo magpapayaman ng ganoon? PARA DITO ang WISDOM Account at ito ang dahilan  kung bakit napakahalaga nito!

Makakamit mo lang ang pangarap mo kapag NATUTUNAN MO kung PAANO ito PAGSISIKAPAN!

(Note: Obvious kung bakit “Your WEALTHY MIND” ang pangalan ng blog ko diba?)

Your Wealthy Mind Savings and Budget Plan

 

Nagsimula ka na bang mag-ipon at magbudget? Naglalaan ka ba ng kaunting pera para sa sarili mong Edukasyon?
Paano mo mapapabuti pa ang savings plan na ito?
Kung tingin mo makakatulong ito sa mga kaibigan at kapamilya mo, pwede mo itong i-Share sa Facebook!
Categories: Tagalog
Ray: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (2)