English Version (Click Here)
Ako, pangarap kong magkaroon ng masaganang bahay, malaking kita, kotse at motorsiklo, maging kilala dahil sa aking mga gawa (mga isinulat kong articles dito at mga librong isusulat ko), magkaroon ng mabuti at mapagmahal na pamilyang kayang makipag-sparring sa akin, maging dalubhasa at malakas para makapagsparring kasama ang aking pamilya, makapagpaasenso ng napakaraming tao, mag-iwan ng mabuting legacy, at marami pang iba. Sa ngayon, wala pa ako ng kahit alin doon (ngayong Dec. 26, 2016).
Gaya ng karamihan, pangarap kong maging “successful.” Malamang, may ganoon ka ring pangarap (bukod sa “martial arts at makipag-sparring sa pamilya”), pero kagaya ko, malamang hindi mo pa nakakamit ang lahat ng gusto mo. Ano ang kailangan nating gawin para makamit ang mga gusto natin? Napakaraming paraan para makamit ang tagumpay sa buhay, pero may isang NAPAKAHALAGANG simula para sa lahat ng ito. Kailangan alalahanin natin ito at alamin kung paano natin ito magagamit.