English Version (Click Here)
Ilang buwan na ang nakalipas mula noong panahong naghahanap ako ng bagong cellphone at naisip kong bumili ng top-class phones at bayaran ito ng hulugan. Dahil may stable akong income mula sa streaming, naisip ko kakayanin ko naman itong bayaran.
Sa panahong iyon, nagdalawang isip ako at bumili na lang ako ng phone na kayang gawin ang kailangan ko at binayaran ko ito ng buo gamit cash.
Habang nagbabalik-tanaw ako, mabuting desisyon nga iyon. Ang streamer contract namin ng ilang mga kakilala ko ay biglaang naterminate at kasabay nitong nawala ang income ko mula doon. Kung nangutang ako para bilhin ang gadget na sobrang mahal kumpara sa pangangailangan ko, baka naging malaking problema iyon. Salamat naman at ang mga natutunan ko tungkol sa pag-iwas sa bad debts o utang ay nakatulong sa desisyon ko noon.
Ang ilang aral ay nangangailangan ng isang buong libro habang ang iba naman ay nangangailangan lang ng ilang salita. Ang halaga ng isang idea ay hindi natatagpuan sa dami ng salitang ginamit dito kundi sa kung gaano ito kahusay sa pagtuturo sa atin ng kailangan nating matutunan. Dahil doon, madalas akong magshare ng quotes o kasabihan sa aking mga articles. Kapag nagamit ang mga iyon ng mabuti (at sana nagamit ko rin sila ng mabuti), pwede nilang idiin sa iyong isipan ang mga aral na naituro. Hayaan mo akong magshare ng sampung quotes o kasabihan tungkol sa bad debt o utang at sana mainspire ka nitong mag isip ng mabuti kapag ikaw ay mangungutang para bilhin ang mga bagay na hindi naman pasok sa iyong budget.
Pera Quotes Tungkol sa Utang
If you can’t pay cash, you can’t afford it.
— Dave Ramsey
Kung hindi mo mabayaran ng cash, hindi mo ito kayang bilhin.
If you don’t take good care of your credit, then your credit won’t take good care of you.
― Tyler Gregory
Kung hindi mo inalagaan ang iyong credit, hindi ka rin ito aalagaan.
When you get in debt you become a slave.
— Andrew Jackson
Kapag nabaon ka sa utang, ikaw ay magiging alipin.
You must gain control over your money or the lack of it will forever control you.
― Dave Ramsey
Kailangan makontrol mo ang iyong pera dahil kung hindi, ang kawalan nito ang magkokontrol sa iyo.
Debts and lies are generally mixed together.
— Francois Rabelais
Ang pangungutang at kasinungalingan ay madalas magkasama.
Debt is like any other trap, easy enough to get into, but hard enough to get out of.
— Henry Wheeler Shaw
Ang utang ay katulad ng ibang patibong, madaling pasukin, pero napakahirap makalaya.
Some debts are fun when you are acquiring them, but none are fun when you set about retiring them.
— Ogden Nash
Ang ilang utang ay nakakatuwa kapag kakautang mo pa lang, pero walang utang ang nakakatuwa kapag susubukan mo na silang bayaran.
Today, there are three kinds of people: the have’s, the have-not’s, and the have-not-paid-for-what-they-have’s.
— Earl Wilson
Sa panahon ngayon may tatlong uri ng tao: ang mga may kaya, ang mga hindi kaya, at ang mga hindi pa nababayaran ang kung ano mang mayroon sila.
Never spend your money before you have earned it.
— Thomas Jefferson
Huwag mong gagastusin ang pera mo bago mo ito napapagsikapan.
Creditors have better memories than debtors.
— Benjamin Franklin
Ang mga nagpautang ay may mas-magagaling na memorya kumpara sa mga nangutang.
Debts are nowadays like children begot with pleasure, but brought forth in pain.
— Moliere
Ang mga utang ngayon ay parang mga anak na nilikha sa sarap, pero inilabas sa pagdurusa.
In the long run we shall have to pay our debts at a time that may be very inconvenient for our survival.
— Norbert Wiener
Sa matagal na panahon kakailanganin nating bayaran ang ating mga utang sa mga panahong hindi maganda para sa ating pangkabuhayan.
Debt basically enables people to live a lie.
― Rachel Cruze
Ang pangungutang ay nagbibigay sa mga tao ng pagkakataong mabuhay sa isang kasinungalingan.
One of the greatest disservices you can do a man is to lend him money that he can’t pay back.
— Jesse H. Jones
Ang isa sa pinakamasamang pwede mong gawin sa isang tao ay pahiramin mo siya ng pera na hindi niya kayang ibalik.
Interest on debts grow without rain.
— Yiddish Proverb
Ang interes sa utang ay tumutubo ng hindi kailangan ng ulan.
Do not accustom yourself to consider debt only as an inconvenience; you will find it a calamity.
— Samuel Johnson
Huwag kang masanay isipin na ang utang ay abala lang; makikita mo ito ay isang matinding sakuna.
Debt is a prolific mother of folly and of crime.
— Benjamin Disraeli
Ang utang ay masipag na ina ng kahangalan at krimen.
Every time you borrow money, you’re robbing your future self.
― Nathan W. Morris
Sa bawat oras na nanghiram ka ng pera, ninanakawan mo ang iyong kinabukasan.
Who goeth a borrowing. Goeth a sorrowing.
— Thomas Tusser
Ang sinong nanghihiram, nagdurusa.
No one can be happy, no matter how optimistic, who is forever in the clutches of poverty, of harassing debt.
— Orison Swett Marden
Walang pwedeng magsaya, kahit gaano pa man siya ka optimistic o masayahin, ang habang buhay naghihirap sa kahirapan, sa nakakaiyamot na utang.
Ayun ang ilang kasabihan tungkol sa pagiwas sa masamang pangungutang. Alalahanin mo sila palagi at hayaan mo silang tumulong sa iyong umiwas sa mga posibleng pagkakamali na magagawa mo tungkol sa paghahawak ng pera.
May alam ka bang iba pang mabuting kasabihan? Ishare mo lang sa comments sa ibaba!
View Comments (0)