X

7 Masamang Kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa Pera na Kailangan mong IWASAN

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Kapag pera ang usapan, MARAMING pwedeng gawing pagkakamali. Madalas hindi natin napapansin na TAYO ang sanhi ng ating mga problema. Ang mga ginagawa natin ay maaaring namiminsala sa ating kinabukasan. Kung gusto mong alisin ang mga masasamang kaugalian tungkol sa pera na maaaring natutunan mo, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa nito. Ang unang hakbang sa pagaayos ng pagkakamali ay ang pang-alam sa mga ito.

7 Masamang Kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa Pera na Kailangan mong IWASAN

  1. Sinusubukang Magmukhang Mayaman

Marami sa atin ang nawiwiling bumili ng mamahalin at branded na gamit para magmukhang mas-mayaman kaysa sa iba. Gaya ng pagbabalot ng basurahan sa ginto at diamonds, ang isa sa pinakamasamang pwede nating gawin ay magsayang ng pera sa mga luho upang magyabang. Tandaan: Mas-mabuting MAGING MATAGUMPAY kaysa MAGMUKHANG mayaman lang.

 

We buy things we don’t need with money we don’t have to impress people we don’t like.  — Dave Ramsey

(Bumibili tayo ng mga hindi natin kailangan gamit ang perang hindi pa natin kinikita para magyabang sa mga taong hindi natin gusto.)

 

  1. Hindi Pagbayad sa mga Utang

Gumawa ako ng post tungkol sa kung bakit hindi ka dapat nagpapahiram ng pera, at ito’y dahil sa mga taong hindi nagbabayad ng utang. Kung mayroon kang “memory problems” tungkol sa mga utang mo, kailangan harapin mo ang problemang iyon para umasenso ka sa buhay.

Bakit ka nga ba nababaon sa utang? Pag-isipan mong mabuti ang paggastos mo. Mahirap na ngang umasenso, pero mas-masahol pa dito ang kapalarang makukuha mo mula sa pagkabaon sa utang. Ito ang pagkakaiba ng paglangoy patungong pampang, at pagsubok lumutang habang nakatali sa isang anchor/angkla (hint: tanggalin mo muna ang angkla—bayaran mga utang!). Pag-aralan mong bayaran lahat ng iyong mga utang at pagsikapan ang iyong kalayaan. Matutuwa ka ng lubos kapag nagawa mo ito.

 

  1. Umaasa sa mga Anak mo para sa Retirement

Karaniwan ang kaugalian ito sa mga Pinoy. Kapag tumanda ang mga magulang, ang mga matatanda nang mga anak ang mag-aalaga sa kanila. Anong mali sa pagbabalik ng utang na loob ng mga anak para sa kanilang mga magulang? Wala naman, pero sayang lang na ang mga magulang ay magiging pabigat sa kanilang mga anak. Hindi lang nila kailangan alagaan ang mga bata nilang anak, kailangan pa nilang alagaan ang kanilang mga matatandang magulang.

Ang mga apo ay nakapasok sana sa mas-mabuting university, law school para maging abogado, medical school para maging doktor… pero hindi nila magawa dahil kailangan nilang paggastusan ang groceries at panggamot sa kanilang mga matatandang magulang.

Yun ba ang plano mo sa iyong kinabukasan? Tandaan mo na hindi mo kailangang umasa sa iyong mga anak kapag ikaw ay nagretiro. Kaya mo at dapat mong matutunan na alagaan ang iyong mga finances at mag-ipon para sa komportableng retirement ngayon pa lang. Kaysa maging pabigat ka para sa iyong mga anak, mas-mabuting ikaw ay maging biyaya.

 

  1. Pag-iisip na ang mga Mas-Mayaman ay Dapat Bigyan ka ng Pera

Ito’y isa pang masamang kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa pera at ito’y tinatawag naming “crab mentality”/”utak talangka” (sa ibang bansa tinatawag itong “crabs in a bucket”). Kapag may napromote, lumago ang negosyo, o may kumita ng maraming pera, palaging may “kaibigan” o kamag-anak na sumisipsip sa kanila para makakuha ng kaunting yaman. Kung minsan ginagawa mo iyon, tandaan mo na nakakasakit ka lang ng iba sa pagkuha ng kanilang napagsikapan (kahit iniisip mo na pangkatuwaan lang ito). Magsikap at kitain mo ang sarili mong kayamanan, at huwag mong hayaang abusuhin at ibaba ka ng iba.

 

  1. Umaasa sa Iba para sa Pera

May kwento akong narinig na may isang FX driver na mayroong 16 na anak. Bakit? Umaasa siya na sana kahit isa man lang sa kanila ay maging katulad ni Manny Pacquiao (napakayaman).

Bukod sa gulat ko dahil sa kanyang sirang lohika, naisip ko “bakit hindi na lang siya ang magsanay sa boxing at kumita ng sarili niyang yaman?”

Hindi lang siya ang ganoon. Ilan nga ba sa atin ang nagrereklamo na “umasenso sana ako kung magbabago lang sana ang aking asawa/boss/gubyerno/interest rates”? Para namang ang asawa natin, boss, gubyerno, anak, atbp. ang responsable para sa ating pag-asenso. Yun ay parang pagpwersa sa iba na pumasok sa gym at pagiisip na tayo ang magkakaroon ng muscles.

Huwag nating kalilimutan na ang ating tagumpay, sa pera o sa iba pang bagay, ay nakabase sa ating pagsisikap. Wala nang ibang landas pa bukod pa dito.

 

  1. Lottery Mentality: Paghangad sa Kayamanan ng Hindi Nagsisikap

Ilang milyonaryo ang umasenso dahil sa pagkapanalo sa lotto? Halos wala. Ang karamihan sa mga totoong milyonaryo ay umasenso mula sa kanilang negosyo o career at sa tamang paghawak ng pera (basahin mo lang ang mga librong The Millionaire Next Door at The Millionaire Mind ni Thomas J. Stanley). Ang mga nakapagmana ng kanilang kayamanan? Tandaan mo na mayroong tao sa pamilya nila na nagsikap para dito bago nila namana ito.

Ang kayamanan ay hindi lumilitaw sa wala. Hindi ka makakakuha ng kayamanan ng hindi ka nagsisikap. Ito ang itinuro ni T. Harv Eker noong sinabi niya na maraming “gustong” yumaman, pero ang tunay nilang ibig sabihin ay gusto nilang may isang milyong dolyar na mahulog mula sa langit at mapunta sa kanilang harapan/bank accounts. Hindi iyon mangyayari. Ang kayamanan ay kailangan PAGSIKAPAN.

 

  1. Pagtanggap sa Mababang Kabuhayan

Kung may isang bagay akong natutunan mula sa mga self-improvement books, ito’y kaya mong pagbutihin pa ang iyong sarili at ang iyong kasalukuyang kalagayan. Sayang lang na ang ibang tao ay tumitigil sa mababang punto at hindi na sumusubok umasenso. Ang ina ko ay dating mahirap at pwedeng tinanggap na lang niyang maging labandera sa probinsya. Buti na lang hindi niya tinanggap iyon. Nagsikap siya at nakaahon siya mula sa kahirapan.

Tandaan mo ang ideang ito mula kay Oliver Cromwell: Kung tumigil ka sa pagpapabuti sa iyong sarili, titigil ka sa pagiging magaling. Pwede kang tumigil sa pagsisikap kapag ikaw ay naging branch manager, supervisor, o pulubi. Pwede kang tumigil sa isang dead-end minimum-wage na trabaho, pero kapag ginawa mo iyon, tatanda ka lang na hindi nakamit ang iyong mga pangarap. Ikaw naman bahala. Titigil ka ba kapag may narating ka nang layunin, o ipagpapatuloy mo bang magsikap at umasenso pa sa buhay?

 

The greatest danger for most of us is not that our aim is too high and we miss it, but that it is too low and we reach it. — Michelangelo

(Ang pinakamalaking panganib para sa karamihan sa atin ay hindi dahil masyadong mataas ang ating pangarap at hindi natin ito makamit, kundi dahil ito’y masyadong mababa at iyon lamang ang ating nakuha.)

 

At iyon ang pitong masamang kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa pera na kailangan mong baguhin ngayon.
May alam ka bang iba pang masamang kaugalian? Sabihin mo sa comments sa ibaba! Ang iyong payo ay lubos na makakatulong sa aming mga readers!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.