English Version (Click Here)
May kasabihan tayong mga pinoy na “libre lang ang mangarap.” Kahit maganda ang mga salita, ang kasalukuyang kahulugan nito ay nagsasabi na kahit pwede kang mangarap ng lubos, napakahirap nitong gawin kaya huwag mo na lang subukan. Kahit pangarap nating maging mayaman at matagumpay, hindi ito mangyayari kaya dapat tanggapin na lang natin ang “ordinaryong” pamumuhay. Kung pinanganak tayong mahirap, kailangan tanggapin na lang natin ito at tayo’y MANATILING mahirap.
Pero paano nga naman kung pangarap mo talagang maging matagumpay? Kung ganoon, kakailanganin mo ng kahanga-hangang pangarap para makamit iyon! Libre nga ang mangarap… at libre din mag-isip, magplano, at maghanap ng paraan para makamit ito.
“If you limit your choice only to what seems possible or reasonable, you disconnect yourself from what you truly want, and all that’s left is a compromise.”-Robert Fritz
(Kung itinakda mo ang pagpipilian mo sa kung ano lang ang mukhang posible o reasonable, itinataboy mo ang sarili mo sa tunay na gusto mo, at ang matitira lamang ay ang pagkompromiso.)
Limang Dakilang Rason para Mangarap ng Malaki
-
Kailangan mo ng Kahanga-hangang Layunin upang Magtagumpay
Hindi mo ito pwedeng balewalain. Hindi mo maaakyat ang Mount Everest at hindi ka makakapagtayo ng multi-BILLION-dollar business empire kung hindi mo ito itinakda. Karamihan (kung hindi LAHAT) ng dakilang tagumpay ay nagsimula bilang layunin. Pag-isipan mo na ang layunin mo ngayon.
Libre ang mangarap, at gaya ng sabi ni General Wesley Clark, “It doesn’t take any more energy to create a big dream than it does to create a little one.” Magkatumbas lamang ang kailangan mo para gumawa ng malaking pangarap at pangarap na maliit lang. Ano nga ba ang pangarap mo ngayon? Ano ang gusto mong makamit bago ka mamatay? Gusto mo ba talagang magtagumpay sa buhay? Kung gusto mo nga, kailangan mo ng malaking pangarap!
“One of the few differences between the superachievers and the rest of the world is that superachievers simply dream bigger.” – Jack Canfield
(Ang isang pagkakaiba ng mga superachievers o matagumpay na tao sa iba sa mundo ay sila ay nangangarap ng mas-malaki.)
-
Ang Kahanga-hangang Pangarap ay nakakapagpagalaw ng diwa ng mga tao… kasama ka doon.
“Dare to Dream big dreams; only big dreams have the power to move men’s souls.” – Emperor Marcus Aurelius
(Maglakas-loob kang mangarap ng malaki, dahil ang malaking pangarap lang ang may kapangyarihang magpagalaw ng kaluluwa ng mga tao.)
Isipin mong may dalawang landas ang isang bundok.
Ang unang landas ay napakadali, pero puno ito ng basura, napakaraming tao, at hindi maganda ang tanawin. Sa dulo nito, may delata ka ng tuna.
Ang ikalawang landas naman na patungo sa tuktok ay napakahirap lakbayin. Kailangan mong umakyat sa mga malalaking bato at bangin at, habang posibleng makarating sa taas, kung hindi ka naghanda (pinag-aralan ang pinakamabuting daan) o kapag hindi ka nag-ingat, pwede kang mapinsala o mamatay. Sa taas naman, makakakuha ka ng $100 million, scholarships para sa mga anak mo, lifetime healthcare at insurance, fully paid travel packages para sa pamilya mo, at higit pa. Napakaganda din ang tanawin sa itaas, at makikilala mo ang pinakamabubuting tao doon.
Pwede kang lumipat ng landas kahit kailan mo gusto, pero kapag nagsayang ka ng oras, mas kakaunti ang panahon mo para makarating sa itaas. Bukod pa dito, handa ka man o hindi, kakailanganin mong iwanan ang bundok habang panahon.
Alin ang pipiliin mo?
Ganoon ang buhay. You get what you pay for (bumili ka ng mumurahin, hindi maganda ang kalidad nito), at makukuha mo rin ang pinagsikapan mo (gawin mo ang madali, mababa ang bayad na makukuha mo).
Ano ang gusto mo sa buhay? Tagumpay… o pangkaraniwang buhay? Kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan. Pwede mong piliing maging entry-level worker habang buhay… o pwede mong piliing maging dakila. Ikaw naman ang pipili.
“My Wage” by Jessie Rittenhouse (“Ang aking Sahod”)
I bargained with Life for a penny, (Nakipagkasundo ako kay buhay para sa isang sentimo)
And Life would pay no more, (at si Buhay ay hindi na magdadagdag)
However I begged at evening (Ano man ang nilimos ko tuwing gabi)
When I counted my scanty store; (Noong nagbilang ako sa aking munting tindahan)
For Life is a just employer, (Si Buhay ay isang employer lamang)
He gives you what you ask, (ibibigay niya sa iyo ang hiling mo)
But once you have set the wages, (pero kapag itinakda mo na ang sahod)
Why, you must bear the task. (naku, kailangan mo itong panindigan)
I worked for a menial’s hire, (Nagtrabaho ako sa maliit na kita)
Only to learn, dismayed, (upang matutunan ng dismayado)
That any wage I had asked of Life, (na ano mang sahod ang hilingin ko mula kay Buhay)
Life would have gladly paid! (ay masaya niyang ibibigay!)
-
May kakayahan kang maging dakila. Gamitin mo ito!
Tayo’y may kamay para magtrabaho, paa para maglakad at tumakbo, at utak para mag-isip. Yun ang kaparehas na gamit ng mga athleta gaya nina Michael Jordan at Manny Pacquiao, mga henyo gaya nina Thomas Edison, Albert Einstein, at Alexander Graham Bell, at mayayaman kagaya nina Bill Gates at Warren Buffett.
Noong sanggol pa lamang tayong lahat, tayo ay magkakatumbas. Walang kakayahan at kaalaman. Ang mga magagaling sa buhay, natutunan lang nilang gamiting mabuti ang kanilang katawan at isipan.
Isipin mo, pwede ka sanang maging valedictorian o varsity… pero hindi mo inisip na magagawa mo kaya hindi ka nag-aral mabuti at hindi ka rin nagpractice o sumama sa training. Hindi mo na rin hinanap ang special talent na pwede mong hasain.
Katumbas noon, hindi ka nagtayo at nagpalaki ng sarili mong negosyo. Pwede ka rin sanang maging top executive o CEO… pero hindi mo sinubukang pag-aralan ang mga skills na kailangan para doon. Naging kontento ka na lang sa pagiging entry-level na trabahador o mababang supervisor habang buhay.
PWEDE kang maging dakila… pero mangyayari lamang ito kapag ikaw ay nagsikap para dito.
“Begging would have been the best option if God had given talents to only a selected few. Fortunately, He gave us all our compactible gifts respectively, so it is an offence to be a chronic beggar.” ― Israelmore Ayivor
(Ang panlilimos ay ang pinakamainam na gawain kung ang Diyos ay nagbigay ng talento sa napiling iilan. Buti na lang, binigyan niya tayong lahat ng pinagsisiksik na biyaya, dahil dito kasalanan ang pagiging talamak na pulubi.)
-
Pwede mong baguhin ang Mundo
Sabi ni Robin Sharma, “Everything is created twice, first in the mind and then in reality.” Ang lahat ay nililikha ng dalawang beses, una sa isipan at susunod sa realidad.
Pagmasdan mo ang kapaligiran mo: Malamang gumagamit ka ng computer para basahin ito. Sino ang nakaisip maglikha noong computer na iyon? Kung binabasa mo ito sa papel, sino ang nagtayo ng pabrika na pinagmulan ng papel at sino ang nag-isip at naglikha ng makinang ginamit para i-print ito? Sino ang nakaisip gumamit ng kuryente para paganahin ang mga makinang iyon?*
Inisip ng mga tao dati na imposibleng lumipad ang mga tao… pero sino ang nag-isip maglikha ng eroplano? Imposibleng kausapin ang mga tao sa malalayong lugar… pero sinong nakaisip at naglikha ng mga sulat, telepono, email, SMS/text messaging, at video chat?*
Pagmasdan mo ang lahat ng ari arian mo, mula sa mga hollowblocks sa iyong bahay, mga damit na suot mo, at pagkaing kinakain mo. Sino ang nakaisip gumamit at magbenta ng mga iyon sa iyo upang kumita ng pera at yumaman?*
Lakihan mo ang iyong pangarap. Ang isipan mo ay pwedeng maglikha ng mga bagay na makakapagpabago ng mundo, ito ma’y sa pagsagawa ng iyong trabaho ng kakaiba at mas-epektibo, paggamit mabuti ng iyong perang kinita (sa pag-iipon at pag-invest), o sa paglikha ng bagong bagay gamit ang kaalamang mayroon ka. May mga bagay na ikaw lang ang makagagawa at ang mundo ay magiging mas-mabuti salamat sa iyo.
Ano man iyon, pag-isipan mo kung paano mo ito lilikhain.
*Note: Sa lahat ng nandito, pwede kang maghanap ng impormasyon mula sa internet. Sa panahon ngayon pwede mong malamang ang halos kahit ano sa internet, mula sa agham o science hanggang sa stocks at pag-invest. Nandirito lang iyon at kailangan mo lang maghanap ng mabuti.
-
Mag-iwan ng pamana at magbigay ng inspirasyon sa iba para gayahin ka.
Nagkwento ako dati na lumaki sa kahirapan ang pamilya ng aking ina. Sapat lang ang pera nila para makabili ng pagkain, at paminsan kumakain lang sila ng bagoong at kanin (minsan, asin at kanin lang). Sinasabi niya parati na hindi nila kayang bumili ng sapatos kaya tsinelas lang gamit nila (sinabi rin niya na muntikan na siyang hindi makapag-aral dahil halos hindi nila kayang magbayad ng tuition o pangmatrikula).
Maliban doon, ang aking ina at ang kanyang mga kapatid ay nagsikap sa paaralan, nakapagtapos, at nagsikap umasenso sa kanilang careers. Ang isang tiyuhin ko naging operations manager, ang isa nagtagumpay sa construction supply business, ang isa sumali sa air force at ngayon naging airline captain, at ang aking ina ay naging supervisor bago nag-asawa at nagtigil ng pagtrabaho para alagaan kami.
Ano ang naituro nila sa akin? Kahit ipinanganak kang mahirap, hindi mo kailangang MANATILING MAHIRAP.
“Some people don’t get to succeed in life because they spend most of their energy and time being envious of those who have succeeded, instead of learning from them.” – Edmond Mbiaka
(Ang ibang tao hindi nagtatagumpay dahil ginagamit nila ang lakas at panahon nila para mainggit sa mga nagtagumpay, kaysa matutunan ang mga ginawa nito.)
Hindi lamang sila ang kakilala kong nagtagumpay:
Ang isa kong kaibigan sa kolehiyo nagtayo ng travel blog at ngayon siya’y binabayara para maglakbay sa mga napakagandang lugar.
Ang isa ko pang kaibigan ay nagtayo din ng sarili niyang travel at fashion blog at napaka-successful siya dito.
Isa sa dati kong katrabaho ay ngayon nagdradrawing sa DrawCrowd (pwede kang magkomisyon ng artwork dito) at streaming artwork sa Twitch (nasa link na ito ang channel niya).
Isa pa bang halimbawa? Ang aking ama ay nakamit ang Medal for Valor (ang pinakamataas na award sa Philippine Military). Kahit namatay na siya, nabigyan pa rin niya kami ng kapatid ko ng scholarships sa kahit anong paaralan sa Pilipinas at pension para sa aming ina.
Ano ang natutunan ko mula sa kanilang lahat?
“Kung kaya nila, kaya ko rin!”
Kung kaya nila… KAYA MO RIN.
Isipin mo na ngayon: Anong pamana ang iiwan mo sa iyong mga anak at apo? Bibigyan mo lang ba sila ng mga gastusin para sa iyong panggamot, pagkain, at burol? O iiwan mo ba sila ng napakaganda, stable, at masaganang pamumuhay mula sa iyong pagsisikap?
“The poor do not need charity; they need inspiration. Charity only sends them a loaf of bread to keep them alive in their wretchedness, or gives them an entertainment to make them forget for an hour or two; but inspiration will cause them to rise out of their misery. If you want to help the poor, demonstrate to them that they can become rich; prove it by getting rich yourself.” – Wallace D. Wattles, The Science of Getting Rich
(Hindi kailangan ng mga mahihirap ang limos; kailangan nila ng inspirasyon. Ang limos ay nagbibigay lamang ng tinapay para mabuhay sila sa kahirapan, o kasiyahang nagbibigay limot ng isa o dalawang oras; pero ang inspirasyon ang magbibigay sanhi para makaahon sila mula sa kanilang paghihirap. Kung pangarap mong tulungan ang mga mahihirap, ipakita mo sa kanila na kaya nilang yumaman; patunayan mo sa sarili mong pagsisikap at pagpapayaman.)
Libre lang ang mangarap. Kapag ang pangarap mo ay napakaganda, kapag ito ay nagbibigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa kabila ng pagkatakot sa pagkabigo at kakulangan, doon mo mahahanap ang lakas para makamit ito.
Ang mga pangarap mo ba ay kayang baguhin ang mundo?
“The greatest danger for most of us is not that our aim is too high and we miss it, but that it is too low and we reach it.” – Michelangelo
(Ang pinakamalaking panganib para sa ating lahat ay hindi kapag masyadong mataas ang ating pangarap at hindi natin ito maabot, pero kapag ito’y masyadong mababa at iyon lamang ang ating makamit.)
View Comments (0)