X

Investing 101: Ano ang Compounding (Compound Interest)?

English Version (Click Here)

Habang nagbabasa ako sa reddit, may nagmessage sa akin at magtanong tungkol sa pag invest sa mutual funds. Sinubukan kong tumulong at magbigay ng impormasyon (tulad ng nasa dati kong isinulat na articles). Habang nakikipagusap ako sa isang redditor, nagtanong siya tungkol sa kung paano gumagana ang compound interest sa funds at stocks. Sinagot ko na hindi directa ang pagapekto nito dahil ang mga investment ay naaapektohan ng kalidad ng kumpanya at ng paggalaw ng market. Gayunpaman, ang compounding ay mabuting paraan para ipaliwanag kung bakit kailangan mong mag invest ng maaga at mag invest madalas sa mga mabubuting assets kapag pangarap mong kumita ng marami sa pagdaan ng panahon.

Investing 101: Ano ang Compounding (Compound Interest)?

Malaking Investment, Malaking Kita

Unahin muna natin ang basic math. Sabihin nating may mabuting investment* na kumikita ng 10% compound interest kada taon.

Kung may P100 ka doon, kikita ka ng P10 kada taon.

Kung mayroon ka namang P1,000, kikita ka ng P100.

Ngayon, di ba mas mabuting kumita ng P100 kaysa sa P10 kada taon?

Oo, mas mabuti nga. Ipagpatuloy natin…

*Halimbawa lang ito. Ang investment na kumikita ng ganoon kalaking compound interest kada taon ay napakabihira (at kung may magsabi man na ganoon kagaling ang investment nila, baka scam ito). May mga exceptions nga naman tulad ng AFPSLAI, pero special cases ang mga iyon.

 

Paano gumagana ang compounding…

Sabihin nating may P100 kang nakainvest. Kikita iyon ng P10 pagkatapos ng unang taon.

Kung simple interest lamang, edi ayon sa unang principal (P100) kikita lamang ito ng P10 uli sa pangalawang taon at pati na rin sa mga susunod na taon. Buti na lang dahil compound interest ito, kikita ito mula sa initial principal at pati na rin sa P10 interest na kinita nito dati. Ang investment na P110 (P100 + P10 last year) ay kikita na ng P11. Mayroon ka na ngayong P121.

Sa ikatlong taon, ang P121 mo ay kikita uli ng 10% na P12.1. Ito’y magiging P133.1 na.

Ang P121 investment na kumikita lamang ng P12.1 kada taon ay malayo sa mas malaking investment na P1,000 na kumikita ng P100 diba? Heto ang magandang balita.

Kung nagpatuloy ang compounding, ang maliit na P121 investment ay magiging P1,000 o higit pa! Pagkatapos ng napakatagal na panahon, pwede itong maging P10,000 o mas malaki pa!

 

Palakasing ang compounding sa pagpatuloy mag invest!

Nakita mo na ang mangyayari kapag iniwan mo ang P100, ngayon tignan naman natin ang mangyayari kapag patuloy kang nagdagdag ng P100 sa investment mo kada taon.

Sa unang taon may P100 ka. Sa ikalawang taon kikita ito ng P10 at dadagdagan mo pa ito ng P100 para magkaroon ka ng P210. Sa ikatlong taon, ang P210 ay kikita ng P21. Dahil nagdagdag ka uli ng P100, mayroon ka nang P331. Kapag intinuloy tuloy mo lang ito…

Ito ang magiging itsura noon:

 

Magiging mas mabuti ang epekto nito kapag mas malaki ang investment. Gamitin natin ang P200, P500, at P1,000 sa halimbawang ito.

Nakita mo na kung gaano ito bumibilis habang lumalaki ang kapital?

Alalahanin mo lang ito. Mas mabuting magsimula ng maliit at mas maaga kaysa maginvest ng makali pagkatapos ng ilang panahon. Mas malakas ang epekto ng compounding kapag mas matagal mo itong pinapatubo.

Ito ang itsura ng pag invest ng P1,000 kada taon ng 40 years kumpara sa pag invest ng P5,000 sa huling 20 taon lamang.

Pag isipan mo iyon.
Ang nag invest ng P1,000 kada taon sa loob ng 40 years ay gumamit ng P40,000 at ang nakamit niya ay P442,592.
Ang nagsimula ng mas late pero nag invest ng mas malaki (P5,000 kada taon) ay gumamit ng P100,000 pero ang nakamit lang niya ay P286,375.

Yun ang dahilan kung bakit mahalagang magsimula ka agad. Huwag ka nang maghintay na mapromote o magkaroon ng increase sa sahod. Pagaralan mo nang mag ipon at maghawak ng pera, pag aralan mong pumili ng mabubuting investments, at simulan mo nang mag invest ngayon!

Ang Investing ay hindi EKSAKTONG katulad ng Compounding

Eto ang kailangan mong alalahanin kaya palagi ko itong sinasabi. Ang consistent na 10% compound interest kanina ay halimbawa lamang at karamihan sa mga mabubuting investment vehicles ay hindi ganoon.

Ang pag invest sa assets tulad ng stocks ng mga mabubuting kumpanya, bonds, mutual funds, real estate, o iba pa ay madalas hindi magbibigay ng paniguradong compounding returns. Medyo magkapareho lamang silang gumalaw. Kahit may mga mas safe na investments na nagbibigay ng consistent compound interest rates tulad ng mga time deposits/bank savings at debt instruments tulad ng bonds, madalas mababa lang ang kita nila at may maliit pa ring pagkakataong pumalya sila.

Uulitin ko, ang halaga ng investments ay madalas magiging base sa kung gaano kagaling ang kumpanya (sa stocks, mutual funds, atbp.), o kung gaano kabuti ang market (index funds, real estate, gold, silver, atbp.), at kung paano pinepresyohan ang investment sa market.

 

Ngayon tignan natin ang  PSEi (Philippine Stock Exchange Index) bilang halimbawa. Ayon sa Bloomberg, ito’y “capitalization-weighted index composed of stocks representative of the Industrial, Properties, Services, Holding Firms, Financial and Mining & Oil Sectors of the PSE.” Sa madaling salita, ito’y koleksyon ng stocks na katumbas ang kabuoan ng Philippine stock exchange.

Ito ang itsura ng PSEi mula sa Jan. 1995 hanggang November 2017. Kung naginvest ka sa index fund na gumagaya sa market, ganito ang galaw ng halaga ng investment mo. Pwede mong tignan ang Jan. 1995 hanggang present data ng PSEi gamit ang Marketwatch website dito (sa gilid ng Advanced Charting, kaysa 1d o 1 day, gamitin mo ang “ALL” data).

Tandaan mo na may mga panahon kung saan bumabagsak ang market. Pwede rin iyong mangyari sa pinakamabubuting investments at kumpanya. Tignan mo ang mga pulang arrows dito.

Tandaan mo nga lang na kapag ito’y mabuting investment (hal. magaling pa rin ang benta o pagnenegosyo ng kumpanya kahit bumaba ang presyo ng stock nito), malamang aakyat muli ang presyo nito sa pagdaan ng panahon. Kung hindi ito mabuting investment, malamang malulugi ka lamang.

Uulitin ko, walang garantisado. Walang nakakaalam kung kailan magkakaroon uli ng susunod na red arrow incident (market crash, atbp.). Gayunpaman, mabuti nang nagsimula kang maginvest kaysa hindi at makita mong wala ka nang pera pagretiro mo.

Ngayon pa lang, magtanim ka na para sa masaganang kinabukasan. Sa pagaaral kung paano maghawak ng pera at mag invest, matututunan mong iwasan ang mga malalang problema sa pera na pwede mong harapin. Pagdating ng panahon, magpapasalamat ka rin sa sarili mo dahil nagsimula ka.

 


Gusto mo bang matutunan ang basics ng pag invest? Basahin mo ang iba namin articles dito:

Ano ang Magandang Investment Para sa mga Beginners?

Paano Mag-Invest: Limang Investments na Dapat Mong Alamin

Ano ang Mutual Funds?

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (1)