X

Ano ang Iba’t-ibang Uri ng Stocks?

English Version (Click Here)

Kapag sinabi mong stocks, alam ng mga tao na ito ay shares of ownership o bahaging pagmamay-ari sa mga kumpanya. Sa mga hindi masyadong nakakaalam ng finance, akala naman nila gambling o mga pagsugal ang mga ito (mali iyon). Alam mo ba na ang mga stocks ng kumpanya ay may iba-ibang pwedeng maging klasipikasyon at ang pag-alam sa mga ito ay pwedeng makatulong sa iyong investing strategy?

Kung gusto mong matutunan pa ang tungkol sa stocks at stock investing, basahin mo lang sandali ang maikling article na ito!

A stock is not just a ticker symbol or an electronic blip; it is an ownership interest in an actual business, with an underlying value that does not depend on its share price.

― Benjamin Graham, The Intelligent Investor

(Ang stock ay hindi lang isang ticker symbol o electronic blip; ito ay pagmamay-ari sa isang totoong negosyo na may halagang hindi nakadepende sa share price ng stock nito.)

Ano ang Iba’t-ibang Klase ng Stocks?

Common vs. Preferred

Common stock – Kapag bumibili o nagbebenta ka ng stocks, madalas ang binibili o binebenta mo ay common stocks. Madalas ang mga ito ay may voting rights at depende sa kumpanya pwedeng magkaroon ito ng dibidendo para sa mga shareholders at pwede ring wala.

Preferred stock/shares – Bukod sa common shares, pwede ka ring makakita ng “preferred” shares ng stock. Madalas sinasabi ng iba na para itong bonds dahil sa dibidendong ibinibigay nito, pati na rin sa prioridad nito sa kumpanya. Minsan wala itong voting rights sa kumpanya di tulad ng common stock shares.

Kung gusto mong matutunan pa ang pagkakaiba ng common at preferred stocks, basahin mo lang ang Investopedia article dito.

 

Iba pang paraan ng pag-classify ng mga stocks:

Bukod sa common at preferred, marami pang ibang paraan para uriin ang mga stocks.

Blue Chip – Ito ang mga pinakamalalaking publicly traded (may shares ng stocks na pwedeng bilhin at ibenta ng publiko) na kumpanya sa market, at madalas sila ay matatag at may maaayos na track record sa negosyo. Madalas ito ang ilang sa pinakamabuting investment para sa mga baguhan (pero kailangan mo pa ring magresearch). Para sa listahan ng “blue chip” stocks sa Pilipinas, tignan mo ang listahan nina Pesobility at Pinoy Money Talk.

Small, Medium, and Large Cap Stocks – Ang mga kumpanya ay pwedeng uriin din ayon sa kanilang capitalization (“cap”) o kung gaano sila kalaki. Ang mga large cap stocks ang pinakamalalaking kumpanya at madalas mababa ang kanilang volatility (hindi mabilis magbago bago ang presyo) at maayos ang kanilang negosyo. Ang mga small cap stocks ay mga maliliit na kumpanya at mas volatile at delikado o risky din ang mga ito. Bukod pa sa mga iyon, mayroon ding mga pinakamaliliit na micro cap companies na lalong mas delikado pang paginvestan at mas volatile din kumpara sa mga small cap na kumpanya.

Dividend o Income Stocks – Ito ang mga kumpanyang madalas magbigay ng dibidendo (pera) sa kanilang mga shareholders. Madalas, ito ay mga malalaking kumpanya at, sa panahon ni Benjamin Graham (“The Intelligent Investor”), ito ang pangunahing rason para maginvest sa mga stocks. Bumibili ka ng pagmamay-ari ng negosyo para makakuha ng bahagi ng kita nito. Kung gusto mo pang matutunan ang ilang mga bagay tungkol sa pag-invest sa dividend stocks, basahin mo ang article namin tungkol dito sa link na ito.

Growth Stocks – Kaysa ibigay ang kanilang profits ko kinitang pera sa mga shareholders bilang dibidendo, ang maraming kumpanya ay nagrereinvest na lang ng kanilang kinita pabalik sa kumpanya para palakihin ito at, dahil doon, tataas din ang stock price. Madalas, ang mga technology companies at mga kumpanyang malakas sa research and development ay mga growth stocks.

Value Stocks – Ito ang mga kumpanyang mas mababa ang presyo ng kanilang stock kumpara sa totoo nitong halaga. Isipin mo na lang ang isang kumpanyang P1,000 ang isang share pero ngayon pwede mong mabili ito ng P500 lamang sa kung anong rason. Makikita din naman uli ng mga tao ang tunay na halaga ng kumpanya at babalik sa karapat-dapat na P1,000 ang preso ng shares nito. Makakakuha ka ng P500 profit kapag ibinenta mo ang shares nito (minus ang mga transaction costs at iba pa). Ang pagbili ng mabubuting kumpanya sa mababang halaga ang “value” investment strategy nina Warren Buffett (isa sa pinakamagagaling na investor sa mundo) at Benjamin Graham (ang nagturo sa kanya).

Cyclical Stocks – Ang stocks ng mga kumpanyang ito ay lumalakas o humihina ayon sa kalagayan ng ekonomiya. Isipin mo na lang ang mga kotse at luxury items. Kapag maayos ang ekonomiya at may maraming pera panggastos ang mga tao, ang mga kumpanyang nagbebenta ng mga luho ay kumikita nang husto. Kapag bumagsak ang ekonomiya, tumitigil ang mga tao sa pagbili ng mga luho at dahil doon humihina ang mga kumpanyang ito. Ang pag-alam sa galaw ng ekonomiya at ang epekto nito sa mga kumpanya ang susi sa mabuting pag-trade at pag-invest sa mga kumpanyang ito.

Defensive Stocks – Ang mga kumpanyang ito ay gumagawa ng mga produktong kinakailangan ng mga tao kahit ano pa man ang kalagayan ng ekonomiya. Isipin mo ang mga utilities tulad ng tubig, telecommunications, pharmaceutical companies (gamot), at iba pa. Ang mga tao pwedeng magbawas sa pagbili ng mga luho, pero hindi nila kayang bawasan ng husto ang paggastos sa mga kinakailangan.

Speculative Stocks – Madalas ito ang mga startups o baguhang kumpanya. Dahil wala pa silang maayos na track record, maraming pwedeng mangyari. Mayroon nga din namang pagkakataong kumita ng malaki, pero mag-ingat ka ng husto kapag magiinvest ka sa mga kumpanyang ito.

Penny Stocks – Ito ang pinakamumurahing stocks, at may mainam na dahilan kung bakit sila mura. Marami sa mga kumpanyang ito ay hindi ganoon katatag at pwedeng maubos ang pera mo kapag nanghula ka sa pag-invest dito. Kailangan mong magresearch ng husto at mag-ingat ng todo bago ka mag-invest sa mga kumpanyang ito.

Pwede mo ring uriin ang mga stocks ayon sa sector o industry nito, kaya kapag alam mo na ang isang sector ay lumalakas, pwede mong pag-isipang mag-invest sa mga kumpanya dito. Pwede mo ring gamitin ang impormasyong ito para i-diversify ang iyong stock portfolio kaya kapag bumagsak ang isang sector ng ekonomiya, hindi babagsak ng husto ang iyong portfolio.

Ito ang iba’t-ibang sectors ng stock market (basahin mo rin ang article na ito):

  • Financials
  • Utilities
  • Consumer Discretionary
  • Consumer Staples
  • Energy
  • Healthcare
  • Industrials
  • Technology
  • Telecom
  • Materials
  • Real Estate

Para sa breakdown ng mga ito, pwede mong basahin ang Wikipedia entry tungkol sa Global Industry Classification Standard (GICS) dito.

Dito muna tayo magtatapos. Ang pag-invest sa mga stocks ay mabuting paraan para gamitin ang pera upang magparami ng pera, pero ito ay totoo lang kapag natutunan mo ang isang mabuting investing strategy na tama para sa iyo. Kailangan mong mag-ingat ng husto kapag ikaw ay nagiinvest dahil ikaw lang ang responsable para sa iyong financial performance! Hindi kami, hindi ang iyong broker, ikaw lang. Kailangan mong pag-aralan ng husto ang iyong mga investment!

Kung gusto mong pag-aralan pa ang investing, basahin mo rin ang ilang articles namin sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.