Karapatan mong Yumaman at Umasenso

Karapatan mong Yumaman at Umasenso - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Stress sa trabaho, mga babayarang gastusin, at napakarami pang problemang lumilitaw araw araw. Ang lahat ng ito ay parang nakakapagpawala ng pag-asa sa buhay. Malamang maiisip mo rin na kung ano man ang mayroon ka ngayon, buhay na isang kahig isang tuka, ang tangi mong makakamit. Maiisip mo din na ang mediocrity, pagkabigo, at pati kahirapan ay normal.

Hindi totoo iyon.

Ang DAPAT mong makamit at ang NAKALAAN para sa iyo sa buhay ay kayamanan at tagumpay. Karapatan mong yumaman, at gaano mo man isipin na hindi ito totoo, ito’y nararapat sa iyo kapag pinagsisikapan mo ito. Alalahanin mo ang mga quotes dito kapag ikaw ay nagdududa pa.

Karapatan mong Yumaman at Umasenso - Your Wealthy MindKarapatan mong Yumaman at Umasenso - Your Wealthy Mind
Karapatan mong Yumaman
“Whatever may be said in praise of poverty, the fact remains that it is not possible to live a really complete or successful life unless one is rich.
No man can rise to his greatest possible height in talent or soul development unless he has plenty of money; for to unfold the soul and to develop talent he must have many things to use, and he cannot have these things unless he has money to buy them with.”

– Wallace D. Wattles, The Science of Getting Rich

Ano man ang papuri ang sinasabi tungkol sa kahirapan, ang katotohanan ay imposibleng mabuhay ng kumpleto o matagumpay kung hindi ka mayaman. Walang tao ang makakakamit sa pinakamataas niyang talento o pagpapabuti ng kaluluwa kung wala siyang madaming pera; dahil para magbukas ang kaniyang kalooban at para mahasa ang talento kailangan niya ng maraming bagay na magagamit, at hindi niya makakamit ang mga ito kung wala siyang perang pambili.

 

“It is shockingly right instead of shockingly wrong for you to be prosperous.
Obviously, you cannot be very happy if you are poor, and you need not be poor. It is a sin.
Poverty is a form of hell caused by man’s blindness to God’s unlimited good for him.”

– Catherine Ponder, The Dynamic Laws of Prosperity

Tamang tama at hindi maling mali na ikaw ay mabuhay ng masagana. Malamang, hindi ka liligaya ng lubusan kung ikaw ay naghihirap, at hindi mo kailangan maging mahirap. Ito’y kasalanan. Ang kahirapan ay isang uri ng impiyerno na nagmumula sa pagkabulag ng tao sa walang-hanggang kabutihang ibinibigay ng Diyos para sa kanya.

 

“The Creator never made a man to be poor.
There is nothing in his constitution which fits drudgery and poverty. Man was made for prosperity, happiness, and success.
He was not made to suffer any more than he was made to be insane or be a criminal.”

– Orison Swett Marden, Prosperity: How to Attract It

Ang Diyos ay hindi gumawa ng tao para siya ay maging mahirap. Wala sa kaniyang pagkatao ang nararapat sa nakakayamot na trabaho at kahirapan. Ang tao ay ginawa para sa kasaganaan, kaligayahan, at tagumpay. Hindi siya ginawa para magdusa gaya ng hindi siya ginawa para maging baliw o kriminal.

 

Gaya ng kung paano normal na ang mga bata ay maglaro, maging malusog o healthy, at makahanap ng kaligayahan sa lahat ng ordinaryong bagay, ang kahirapan, sakit, at desperasyon ay abnormal. Ang kasaganaan at kayamanan ay tama para sa ating lahat at hindi pagdurusa sa kahirapan at kawalan.

Kung wala ka pang kasaganaan sa buhay mo ngayon, isipin mo ang mga blessings na mayroon ka: iyong mga kaibigan at kapamilya, iyong gumaganang isipan at katawan, at lahat ng iba. Pag-isipan mo ang iyong kakayahan at kaalaman, at kung paano mo sila magagamit para makamit ang kayamanan at kasaganaan. Ito’y mabuting paraan para makahanap ng mga oportunidad na hindi mo pa napapansin.

Kung sa palagay mo hindi ka pa nagtatagumpay sa buhay, itakda mo ang iyong pangarap at kung ano para sa iyo ang ibig-sabihin ng tagumpay at pagsikapan mo ang mga ito. Huwag mong kalilimutan: Nararapat lang na ikaw ay magtagumpay. Ito’y itinakda para sa iyo, at dapat maisapuso mo ang katotohanang iyon.

 

Nagsimula ka na bang magsikap para sa kayamanan at kasaganaan?
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.
whatsapp
line