English Version (Click Here)
Paminsan minsan, may kumokontact sa akin tungkol sa negosyo. Habang ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng mabubuting offer at tumatanggap ng mga rates na isinasaad ko (sinisigurado kong patas para sa lahat), may ilang okasyong sobrang baba ng offer na ibinibigay nila sa akin. Kapag nangyayari iyon, tumatanggi lang ako. Kung kaya ko rin, inirerefer ko sila sa iba na baka pumayag para makatulong lang. Hindi ko tinatanggap ang mga offer na hindi tama o patas para sa akin.
Bakit ko ito ikinuwento sa iyo? Dahil ito ang “sikreto” para manalo sa mga deals. Hindi nga manalo, kundi “hindi matalo.” Ang aral na ito ang pwedeng maging batayan ng pag-asenso mo gamit ang pagkamit ng mas-mabubuting deals, o ang iyong patuloy na pagkabigo dahil palagi kang tumatanggap ng mas-masasamang offers.