English Version (Click Here)
May kaibigan o kakilala ka ba na natutuwa kang makasama dahil mabuti ang pagtrato nila sa iyo? May kakilala ka naman ba na kinaaayawan mo dahil nilalait nila palagi ang mga ginagawa mo? Nagugustuhan mo bang suportahan ang una at iniiwasan mo naman ba yung isa? Para sa marami sa atin, ang kalidad ng ating buhay at kung gusto nating magtagumpay at hindi mabigo sa ating careers ay nakabase sa kung gaano tayo kagaling magbuo at mag-alaga ng ating mga pagkakaugnay sa iba. Para matutunan ang mga kakayahang iyon, ang unang tatlong aral mula sa How to Win Friends and Influence People ni Dale Carnegie ay napakahalaga.
Sabi nga, ang repetisyon ay ang susi ng karunungan at galing. Dahil ito’y isang classic na self-help book, malamang nabasa mo na ito dati pero hindi mo pa narereview. Marami na tayong narating mula sa panahon nina Dale Carnegie at ang ilang leader kagaya nina John Maxwell, Stephen Covey, Brian Tracy, at marami pang iba ay nagturo na ng mga aral na dumagdag at nagpabuti pa sa mga naituro nito (at isinama ko rin sila dito dahil mahalaga ang mga ito sa lesson), ngunit ang classic na librong isinulat niya ay isa pa rin sa pinakamabuti. Kung gusto mong maalala ang ilan sa mga basics, ituloy mo lang ang pagbabasa!
Note: Mabuti nang bilihin at basahin mo ang buong libro gamit ang affiliate link sa ibaba para matutunan mo ang buong lesson. Sabi nga nila, walang tatalo sa orihinal! [Read more…]