X

5 Tips para Maintindihan ang Stock Market

English Version (Click Here)

Alam ng karamihan na ang stock market ay isang lugar kung saan pwede kang bumili at magbenta ng bahaging pagmamay-ari ng mga negosyo o kumpanya. Ang tawag sa mga ito ay “stocks.”  Sayang lang at iniisip ng iba na walang katuturan ang pagbabago ng presyo ng stocks at ang pag-invest dito ay katulad lang ng paglaro ng lotto. Habang alam natin na may kumikita sa paginvest dito, baka naman isipin mo na kapag IKAW ang sumubok siguradong talo ka lang.

Kapag naintindihan mo kung paano gumalaw ang stock market, magkakaroon ka ng realistic na expectations mula dito at pabababain mo ang peligrong haharapin mo kapag ikaw ay mag-iinvest.

5 Tips para Maintindihan ang Stock Market

1. Hindi Ito Pagsusugal

Nakakadismaya na maraming tao ang nag-iisip na ang stock market ay parang casino. Iniisip nila na ito’y pagtaya lang sa mga leters at numbers, at halos palagi kang matatalo. Totoo naman yun. Malamang matatalo ka… KAPAG hindi mo alam ang ginagawa mo. Kung iniisip mo na ang stock market ay parang roulette kung saan pwede kang tumaya o maglagay ng bets ng hindi nagiisip, malamang matatalo ka nga.

Huwag mong kakalimutan na ang paginvest sa stocks ay ang paggamit ng pera para bumili ng bahaging pagmamay-ari sa mga kumpanya. Siguraduhin mo lang na bumili ka ng MABUBUTING negosyo o kumpanya at huwag kang tataya sa mga hindi kilala dahil sinabi lang sayo ng pinsan ng kapatid ng inaanak ng tito ng kaibigan mo. Ngayon, paano mo malalaman kung alin ang mga mabubuting kumpanya? Simple lang. Pag-aralan mo kung ano ang mga katangian ng mga mabubuting kumpanya, kailan ang tamang oras bilhin ang shares nito (maayos ang presyo), at saka magresearch ka bago ka mag-invest.

 

2. Ang Stock Market ay Gumagalaw na Parang Lasing

Napaka-volatile ang stock market. Ang pagbabago ng prices dito ay katumbas ng isang lasing na naglalakad sa langsangan. Kapag nagsimula kang mag-invest sa isang stock ng kumpanya (o isang equity fund) o maraming stocks, mapapansin mo na mabilis magbago ang presyo ng mga ito kada araw at linggo. Kapag nag-invest ka, minsan tataas ang presyo at “panalo” ka, minsan talo naman, minsan din malaki ang pagkapanalo, at minsan MALAKI ang talo mo pagkatapos. Ang pagbabago-bago ng presyo ay siguradong susubok sa katatagan mo.

Magiging sakim o greedy ka ba kapag nakita mong tumaas ang presyo ng stock, nag-aabang na umakyat pa ang presyo nito? Mag-ingat ka kapag nagka-“correction” ang presyo (bumaba uli sa “tamang halaga”) dahil magagalit ka sa sarili mo, o kapag nagbenta ka agad at magagalit ka dahil umakyat pa nga ang presyo. May mga panahon din kung saan bababa ang presyo dahil sa bad news at maiisip mong magbenta ng palugi kahit, sa katotohanan, maayos pa rin ang business. Madalas, tataas pa uli ang presyo nito. Mag-ingat ka rin kapag may malubhang bad news at papalugi na nga talaga ang negosyo pero hindi mo ibinenta ang stock dahil umaasa ka na tataas pa rin ang presyo nito kahit hindi na ito mangyayari.

Inuulit ko, gawin mo ang iyong homework. Pag-aralan mong mabuti ang negosyo/company na pinag-iinvestan mo at magdesisyon ka ng tama. Makakagawa ka ng mabubuting desisyon, at magkakamali ka rin minsan. Wag kang mag-alala doon. Bahagi ito ng buhay. Tandaan mo lang na kapag HINDI ka nag-invest, siguradong talo ka lang.

 

3. Palaging Kumakatok ang Stock Market

Sabi, isa sa pinakamahalagang contibutions ni Warren Buffett ay ang imaginary character na nagngangalang “Mr. Market.”

Si Mr. Market ay iyong business partner na nagbebenta ng shares ng business (stocks), o bibili sa iyo ng shares na gusto mong ibenta sa presyong siya ang nagseset. Yun nga lang, napaka-moody ni Mr. Market. Minsan nagbibigay sya ng presyo na napakataas, at minsan pinepresyohan nya ng sobrang baba ang mga stocks.

Kung iniisip niya na magiging maayos ang lahat, magoofer siya ng mataas na presyo kapag gusto mong bumili o magbenta, tulad ng pagpresyo ng P5,000 sa isang mansanas dahil iniisip nyang ganoon ang presyo nila (pangit kapag bibili ka, mabuti kapag nagbebenta ka). Sa kabilang dako naman, kung iniisip nyang guguho na ang mundo (o kahit ang market), napakababa naman ng presyong iooffer nya. Mabuti kapag bibili ka, masama kapag nagbebenta ka. Ngayon, ang relationship mo sa kanya ay hindi magbabago. Pwedeng hindi mo sya kausapin o huwag bumili at magbenta ng stocks sa kanya ng ilang taon, pero palagi siyang nariyan kumakatok sa iyong pinto at palaging magooffer ng paibaibang presyo.

Ikaw ang bahala kung gusto mong makipagtrade sa kanya o hindi. Kung alam mo kung paano siya basahin at kung paano presyohan ng tama ang shares na inoofer nya, malamang makakahanap ka ng mabubuting investment opportunities. Kung kaya mo, sundan mo ang “secret” sa investing ni Warren Buffett: “Be Fearful When Others Are Greedy and Greedy When Others Are Fearful.” (Matakot ka kapag sakim/greedy ang iba, at maging sakim/greedy ka kapag takot ang iba.) Bibili ka ba ng stocks kapag sobrang mahal sila dahil iniisip ng lahat na ok ang pagtakbo ng ekonomiya (at malugi kapag nagka-correction at bumaba ang presyo)? Magbebenta ka ba ng shares na meron ka ng papalugi kapag may recession? …o magbebenta ka kapag sobrang taas na ng presyo ng stocks at bibili ka kapag ang mga stocks ng mabubuting negosyo ay nakadiscount?

*Kung gusto mo pang malaman ang tungkol kay Mr. Market, basahin mo lang ang The Essays of Warren Buffett.

4. Pag-aralan ang Fundamentals

Sabi ni Benjamin Graham (ang teacher ni Buffett), sa short term, ang market ay voting machine, pero sa pangmatagalan, ang market ay timbangan. Kahit parang komplikado, simple lang naman ito. Ang ibig niyang sabihin ay sa short-term na paggalaw ng mga araw, linggo, o buwan, ang presyo’y nagbabago ayon sa moods o emosyon ng mga tao. Sa matagal na panahon naman, ang presyo ay nakadepende sa tunay na kalidad ng negosyo.

Kapag iniisip ng mga tao na magiging mabuti ang prospects ng isang negosyo o kumpanya, bumoboto sila gamit ang kanilang wallet at tumataas ang presyo. Kapag HINDI maganda ang tingin nila (hal. may bad news), bumoboto uli sila gamit ang kanilang wallet at nagbebenta sila ng shares o umiiwas sila dito kaya bumababa ang presyo.

Kung gusto mong mag invest (kumpara sa trading at speculating na katumbas lang ng pagsusugal), kailangan mong alalahanin na ang mga mabubuting negosyo ang nagiging magagandang investments na nagbibigay ng mataas na returns o kita. Ang isang paraan para magawa ito ay ang pag-invest sa mga nakaestablish nang negosyo, at ang isa naman ay ang paghahanap ng mga mas-bagong negosyo na may mabubuting fundamentals (mga “Amazon” at “Facebook” noong kakasimula pa lang nila).

Huwag mong kalilimutan ang tuntuning ito: Mag-invest ka sa mga mabubuting negosyo, HINDI sa kung ano ang popular.

 

5. Ang Dating Performance ay HINDI Naninigurado ng Future Performance

Ngayong naiintindihan mo na ang unpredictability ng market at ang halaga ng pagpili at pag-invest sa mga mabubuting negosyo, hindi ka na magugulat sa tuntuning ito: Ang past performance ay hindi nakakasigurado sa future performance. Ang “most amazing stock” ng nakaraang 3 years ay pwedeng maging PINAKANALUGI next month (at vice versa). Wala sa atin ang nakakahula ng kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ang kaya lang nating gawin ay pataasin ang ating chances.

Kung hindi ka pa magaling at siguradong sigurado, huwag mong subukang itaya ang life savings mo sa stock na gusto mo. Sabi nga nina Allan Saunders at John Lennon, “life is what happens while you are busy making other plans (ang buhay o tadhana ang nangyayari kapag busy ka sa pagpaplano).” Iniisip mo gagawin kang billionaire nitong stock na ito, pero sigurado ka bang sasang-ayon sayo ang tadhana? Wala sa atin ang nakakaalam.

Wala sa atin ang makakahula ng future. Ang kaya nga lang nating gawin ay gumawa ng educated guesses para pataasin ang pagkakataon nating magtagumpay.

 

May isa pa nga pala akong aral para sa iyo. Kung hindi mo susubukan o hindi ka magprapractice, kung hindi ka mag-iinvest para sa iyong kinabukasan, hindi ka magtatagumpay. Huwag mo ring kakalimutan iyon!

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.