English Version (Click Here)
Ok, hindi naman ito siguro ang “pinakamahalaga”, pero kung may isang kasabihan ng mga Pinoy na nagustuhan ko, ito iyon: “Kapag gusto, maraming paraan; kapag ayaw, maraming dahilan.” Ang aral doon ang unang hakbang sa tinatawag na “possibility thinking” at ang paggamit nito sa buhay ay susi sa pagkamit natin ng marami sa ating mga pangarap. Ituloy mo lang ang pagbabasa nito upang malaman mo kung bakit.
Ang Pinakamahalagang Kasabihan ng mga Pinoy
-
Nakatutulong itong gumawa ng goals o layunin.
Sabi ni Ben Stein,“the indispensable first step to getting the things you want out of life is this: decide what you want.” Ang pinakauna mong kailangang gawin para makamit mo ang mga gusto mo sa buhay ay ito; itakda mo kung ano ang gusto mo. Alam naman ito ng marami dahil common sense lang ito, pero kakaunti lamang ang nakakaunawa dito.
Isipin mo lang. Ano ang pangarap mong makamit pagdaan ng 10, 20, o 30 years mula ngayon? Gusto mo bang mapromote sa mas-mataas na posisyon? Makakuha ng malaking sahod? Magkaroon ng malaking bahay? Magsimula ng pamilya? Makapagpatapos ng mga anak sa mga kilalang unibersidad? Magsimula ng sarili mong negosyo?
Naisip mo ba ang mga detalye ng mga pangarap mo? Kailan mo kila gustong makamit, at PAANO? Magkano ang gusto mong kitain? Anong posisyon ang pangarao mo? Branch manager? Executive? Ilang kuwarto ang gusto mo sa bahay mo? Anong klaseng buhay ang gusto mong ibigay sa pamilya mo? Saang paaralan mo gustong ipasok ang mga anak mo at planado mo na ba ang kanilang commute at tuition fees? Anong klaseng negosyo ang gusto mong simulan? Kailan mo gustong magawa lahat ng ito?
Mabuti ang magkaroon ng maraming inaasahan at pangarap, pero kung hindi mo sila gagawing goals o layunin, ito’y magiging “pipe dreams” o balewalang kagustuhan lang. Kung hindi mo tutukuyin ang mga detalye at gumawa ng deadline, malamang wala kang magagawa dahil masyado kang magiging abala sa pang araw-araw na trabaho.
-
Itinuturo nito ang possibility thinking (pagiisip ng posibilidad).
Kapag nagdesisyon ka na tungkol sa gusto mo (at kung kailan mo ito gustong makamit), doon gagana ang unang bahagi ng kasabihan. Kapag may gusto ka, maraming paraan para makamit mo ito. Ang ibang pangarap nga naman ay mukhang imposible… hanggang magawa mo ito.
Ano ang dapat mong gawin kapag mayroon kang goal/layunin o problemang mukhang imposibleng makamit o masolusyonan?
Ang sabi ni Robert H. Schuller, isang pastor at author ng librong Tough Times Never Last, But Tough People Do!, dapat subukan mong laruin ang possibility thinking game. Kumuha ka ng isang papel, isipin mo ang layunin o problema mo, at mag-isip ka ng higit sa sampung paraan para solusyonan ito.
Halimbawa, itanong mo “paano ako makakakuha ng isang milyong dolyar?” Ilista natin ang ilang paraan:
- Magtrabaho at mag-ipon at i-invest ito hanggang makamit mo ang isang milyon.
- Magtayo at magpatakbo ng negosyo tuwing weekends at magsikap ka dito hanggang magkaroon ka ng isang milyon.
- Matutong bumili at magbenta ng real estate hanggang kumita ka ng isang milyon.
- Kumuha ka ng sales job part time at magbenta ka hanggang kumita ka ng isang milyon mula sa mga komisyon mo.
- Kumuha ka ng pangalawang trabaho upang kumita ng pera hanggang kumita ka ng isang milyon.
- Matutong magtrade ng stocks, forex, at iba pang investments hanggang kumita ka ng isang milyon.
- Bumili at magbenta ng mga collectible items at antiques kumita ka ng isang milyon.
- Magtrabaho ka sa mga freelance projects hanggang kumita ka ng isang milyon.
- Kumita ka ng pera sa pagtuturo ng iyong mga skills (hal. magturo ng art classes, magturo ng classes tungkol sa iyong trabaho o iyong hobby, atbp.)
- Manghingi ng donasyon na isang milyong dolyar.
Kapag nakaisip ka na ng mga idea, subukan mo sila isa-isa.
Hindi lang naman iyon ang mga paraan para kumita ng isang milyon, at kung pinag-isipan mo pa, makakahanap ka ng mga paraan na mainam para sa iyong sitwasyon. Magagamit mo itong possibility thinking game sa kahit anong goal o problema, kaya bakit hindi mo lang subukan? Tandaan mo na kapag may pangarap kang makamit, makakahanap ka ng paraan para pagsikapan ito.
-
Tinatanggal nito ang mga excuses o dahilan.
Narito ang pinakamalaking isyu at dito maraming pumapalya. Naalala mo ang iyong mga layunin sa number 1? Maaalala mo pa ba sila bukas? Maaalala mo ba talaga sila sa susunod na linggo, o itatabi mo lang sila at makakalimutan mo ang mga ito pagkatapos ng tatlong araw?
Magtatagumpay ka ba sa isang bagay kapag nakalimutan mo ito? Malamang hindi.
Kung talagang nagpasya ka sa isang bagay, kung mayroon ka ng tinatawag ni Napoleon Hill na “burning desire” para sa pangarap mo, ito’y magiging focus ng isipan mo at maghahanap at maghahanap ka ng mga paraan para makamit ito at malamang magsisikap ka hanggang magtagumpay ka.
Kung hindi mo naman talag gusto ang isang bagay, kung hindi ka 100% committed dito, kung ito’y isang “mabuti kung meron” lang para sa iyo, malamang hindi mo gagawin ang lahat ng makakaya mo. Ang makukuha mo lang ay mga dahilan o excuses. Halos lahat ng napakabuting bagay sa mundo ay kailangan ng napakaraming pagsisikap, at wala kang makakamit na marangal na bagay kung hindi ka magbibigay ng sapat na oras at pagsisikap para dito.
Isulat mo ang iyong mga layunin at pangarap, at basahin mo ito ng tatlong beses araw-araw. Tuwing paggising sa umaga, sa hapon, at bago matulog.
Kung pangarap mong magtagumpay sa isang bagay, huwag mong kakalimutan ang kasabihan dito. Kapag gusto, maraming paraan; kapag ayaw, maraming dahilan. Hayaan mong lumakas ang loob mo dahil sa kasabihang ito at maghanap ka ng mga solusyon hanggang balang araw magtagumpay ka sa mga pinapangarap mong gawin.
Kapag gusto, maraming paraan; kapag ayaw, maraming dahilan.
If you want something, you’ll find many ways to achieve it. If you don’t really want it, you’ll find many excuses.
—Filipino Proverb
Dito na muna tayo magtatapos. Sana nag-enjoy ka sa article na ito! Kung gusto mong matuto pa ng iba, tignan mo lang ang iba naming articles sa link na ito!