English Version (Click Here)
“Diligence is the mother of good luck.” (Kasipagan ang ina ng Swerte.) – Benjamin Franklin
Makikita mo ang maswerteng tao sa paligid mo. Mayroon silang mayayamang magulang, magaling sila sa sports, at palagi silang nakakakuha ng matataas na grades sa iskwelahan. Karamihan naman sa atin ay ordinaryo lamang.Wala tayong napakayamang magulang, hindi tayo magaling sa sports, at pasang-awa lamang tayo sa exams. Para sa karamihan satin, mas-malala pa dahil nakapasan ang maraming kakulangan at ang buhay ay parang puro paghihirap lamang.
Siguro naramdaman mo naman iyon. Nag-aral ka para sa exams at halos hindi ka parin pumasa sa test. Nagsisikap ka sa trabaho at hindi ka pa rin napromote. Sinusubukan mong umasenso ang negosyo mo pero hindi pa rin dumadami ang iyong benta. Habang ginagawa mo iyon, ang ibang tao naman ay parang nadadalian lamang sa buhay. Sa iba lang talaga napupunta ang swerte diba?
Alam mo, sana bigyan din ako ng swerte ng isang billion-dollar business bukas. Gusto ko ring maging maswerte at maging world champion athlete. Diba ganoon naman gumagana ang swerte? Gigising ka na lang at may nabuo ka na palang multinational corporation mula sa wala, nanalo ka sa world title fight ng hindi ka man lang umaalis sa iyong upuan, o mula fast food worker magiging real estate billionaire ka sa isang araw dahil “sinuwerte” ka.
Sayang lang at hindi nangyayari iyon. Ano nga ba ang magagawa natin?
Ang buhay ay parang Basketball
Naaalala mo pa ba ang mga una mong beses sumubok magshoot ng bola? Malamang hindi pumasok. Nang madalas. Nagshoot ka at hindi pumasok. Nagshoot uli at hindi pumasok. Inulit ulit mo ng ilang dosenang beses. Siguro minsan may ibang tumama, pero madalas wala.
Noong inadjust mo ang iyong hagis, tinaasan mo pa, inangulo mo ng kakaiba, o mas-kinontrol mo ang iyong pagbato ng bola, baka mas-dumalas ang pagscore mo. Nagshooshoot ka pa rin at hindi pumapasok, pero mas-madalas na ang mga “maswerteng” shots na pumapasok.
Tapos madalas ka nang makascore. Habang nagpatuloy ka, baka naging mas-magaling ka pa sa iba mong kaibigan. Ganoon din ang pwede mong gawin sa iyong career at business, o sa lahat ng iba pang bagay sa buhay.
Sino ang mga “Swerte”?
Sila ang mga nag-overtime at natutunan kung paano makuha ang respeto ng kanilang mga katrabaho at mga boss. Sila ang mga natuto at nagadjust ng kanilang maerketing at sales at pinaganda ang kanilang mga produkto. Sila ang mga nag-aral kung ano ang gagana at sumubok sila hanggang sila’y gumaling.
(“Rich kids”? Huwag mong kalilimutan na nakuha nila ang ano mang mayroon sila dahil ang mga magulang o lolo’t lola’y NAGSIKAP para sa lahat ng ito. Ang mga mansyon at multinational corporation ay hindi lumilitaw ng parang bula.)
Ang swerte ay hindi palaging nangyayari… pero pwede mo itong PILITING mangyari.
“Many men believe that the affairs of the world are governed by luck and by God; that even wise men cannot control them, nor can anyone even improve things. They would have us believe that it is not necessary to toil and sweat much over things, but to let chance govern them. Fortune may be the arbiter of one half of our actions, but she still leaves us the other half, or perhaps a little less, to our free will.”
(Marami ang naniniwala na ang pangyayari sa mundo ay pinamumunuan ng swerte at ng Diyos; na kahit ang mga matatalino ay walang kontrol dito, at walang makapagpapaasenso sa kahit anong bagay. Pinapaisip nila sa atin na hindi natin kailangang magsikap at magpagod para sa mga bagay, at hayaan na lang na ang swerte ang magpasiya. Ang swerte ay tagahatol ng kalahati ng ating ginagawa, pero iniiwan pa rin nito sa atin ang kabilang kalahati, siguro mas-kaunti pa, sa ating paghangad.)
– Niccolò Machiavelli
Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba (mga Biguan) at ang mga Palusot na ibinibigay nila:
Marami ang nag-iisip na nakaiinsulto ang mga salitang “magsikap ka para umasenso” dahil halos katumbas daw nito ang pagsabing “naghihirap ang mga mahihirap dahil tamad sila.” Ano nga ba ang alternatibo? HUWAG silang MAGSIKAP? Kapag hindi ka ipinanganak na maswerte, wala kang magagawa?
Tapos nagbibigay pa sila ng mga palusot:
“Iilan lang ang maswerteng ipinanganak na healthy.” (Translation: Wala kang control sa sarili mong katawan kaya huwag mo nang subukan. Kainin mo lang ang sako-sako ng junk food araw-araw at huwag ka nang tumayo mula sa iyong upuan.)
“Iilan lang ang maswerteng ipinanganak na talentado.” (Translation: Kahit mag-ensayo ka man, wala ka pa ring kwenta.)
“Iilan lang ang maswerteng ipinanganak na mayaman.” (Translation: Kahit ano man ang gawin mo, hindi ka aasenso sa buhay.)
Kahit ano pa man ang sabihin nila, ishoot mo lang ang bola, mabigo, at mag-adjust. Ang isang mabuting bagay sa pagiging hindi maswerte ay natututunan natin na pwede nating PAGSIKAPAN ang sarili nating kakayahan. Ano man ang gusto natin, hindi natin kailangang maghintay na maging “maswerte” tayo para makuha natin ito. Alam natin na pwede lamang natin itong pagsikapan.
Kumain ka ng masustansyang pagkain, iwasan o bawasan ang unhealthy junk food, at mag-exercise ka ng madalas.
Pag-aralan mo ang rules at stratehiya sa laro, kumuha ka ng mabuting coach at role model, at mag-practice at makipag-compete palagi.
Magsikap ka sa trabaho, mag-aral ng bagong skills at paraan para makalikha ng mas-mabuti, mag-ipon, mag-invest, at unti-unting umasenso at magpayaman.
Malamang papalya at mabibigo ka ng madalas lalo na sa simula. Mag-adjust, pag-aralan, at ipagpatuloy. Gaya ng sinabi ni Zig Ziglar, “Anything worth doing is worth doing poorly–until you can learn to do it well.” (Ang ano mang mahalagang kailangang gawin ay kailangan pa ring gawin kahit hindi mabuti — hanggang matutunan mo itong gawin ng mahusay.)
Pagdaan ng panahon, gagaling ka rin. Ikaw ay magiging healthy, talentado, at mayaman.
…saka ka tatawaging “Maswerte.”
“Luck is great, but most of life is hard work.” (Mabuti ang swerte, pero karamihan sa buhay ay pagsisikap.)
– Iain Duncan Smith