*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Kapag nakapagbasa ka na ng mga bagay tungkol sa personal finance o sa tamang paghahawak ng pera, malamang may narinig ka na tungkol sa librong Rich Dad, Poor Dad, ang best-selling book ni Robert Kiyosaki. Para sa akin, napakabuting libro nito at dapat basahin mo ito, lalo na kapag hindi pinaguusapan ang pera ng mga magulang at kaibigan mo habang lumalaki ka. May isang aral doon na hindi ko makalimutan at dapat mo ring matutunan ito:
Rule One. You must know the difference between an asset and a liability and buy assets. Poor and middle class acquire liabilities, but they think they are assets. An asset is something that puts money in my pocket. A liability is something that takes money out of my pocket.
— Robert Kiyosaki
Translation: Ang ikaunang payo. Kailangan alamin mo ang pinagkaiba ng asset at liability at bumili ka ng assets. Ang mga mahihirap at middle class ay kumukuha ng liabilities, pero akala nila assets ang mga ito. Ang asset ay isang bagay na naglalagay ng pera sa bulsa ko. Ang liability ay nagtatanggal ng pera mula sa bulsa ko.