*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Dati bumili ako ng isang libro, Zen Flesh Zen Bones: A Collection of Zen and Pre-Zen Writings. Ang isang kuwento doon (“The Tunnel”) ay may payong tungkol sa tagumpay na pag-aaralan natin dito:
Noong unang panahon, ang isang anak ng samurai na nagngangalang Zenkai ay naging empleyado ng isang opisyal. Sa kasamaang palad, nagkagusto siya sa asawa ng opisyal at, noong nadiskubre sila, pinatay ni Zenkai ang opisyal para ipagtanggol ang kanyang sarili. Nagtanan sila ng asawa at naging magnanakaw sila. Matapos ang ilang panahon, nandiri si Zenkai sa kasakiman ng babae kaya iniwan niya ito at naging pulubi siya sa probinsya ng Buzen.
Para makapagbayad-sala, hinangad ni Zenkai na gumawa ng kabutihan bago siya mamatay. Noong nalaman niya ang tungkol sa isang mapanganib na daanan sa isang lambak o valley kung saan maraming manlalakbay ang namatay, napag-isipan niyang maghukay ng tunnel sa bundok na gawa sa bato. Habang nanlilimos siya ng pagkain araw araw, nagtrabaho siya gabi gabi.