X

Limang Mabuting Payo kapag ikaw ay Pinipintasan

English Version (Click Here)

Criticism is something you can avoid easily—by saying nothing, doing nothing, and being nothing.

(Ang kritisismo o pagpuna ay madali mong maiiwasan—wag kang magsalita, wag kang gumawa, at maging wala kang kwenta.)

— Aristotle

Noong nakaraang linggo nagsulat ako tungkol sa kung paano pinintasan ang sagot ko sa “What one sentence can change the world if every human being would live by it?” (Anong isang sentence/pangungusap ang makakapagpabago sa mundo kung isinabuhay ito ng bawat tao?) dahil hindi gusto ng isang tao na pwedeng kumita ng pera mula sa pagblog at pagsusulat ng mga guides ang kagaya ko. Kahit pwede kong awayin siya sa internet, wala namang akong mapapala kapag ginawa ko iyon. Buti na lang at nakapulot ako ng kaunting inspirasyon mula sa kanya. Pwede mo ring gawin iyon kapag ikaw ay pinipintasan. Kaysa magalit, bakit hindi mo subukang kumuha ng mabuting aral mula dito?

Limang Mabuting Payo kapag ikaw ay Pinipintasan

 

  1. Kontrolin mo ang iyong emosyon

Ang isa sa unang reaksyon sa kritisismo ay magalit at makipag-away para patunayan na tama ka. Malamang mapupunta lang yun sa walang katuturang away kung saan hindi iiwanan ng bawat panig ang punto nila at hindi na papansinin ang ibang mga facts. Kapag nagpatuloy, mapupunta lang kayo sa gulo. Iwasan mo iyon at maghanap ka ng makatwiran at mas-mainam na response o sagot kaysa makipag-away lang.

 

  1. Alalahanin mo na may iba-ibang pag-iisip ang mga tao

Isa sa seven habits ng highly effective people ni Stephen Covey ay kailangan mong subukang umintindi bago ka maintindihan. Alalahanin mo na iba-iba ang perspektibo nating lahat sa bawat bagay at lahat tayo’y may sarisariling karapatan. (May mga taliwas nga lang dito gaya ng kung ang mga gawain o opinion ay nakakasakit. Kailangan mo nga uling alalahanin na kontrolin ang iyong emosyon at umiwas sa walang katuturang gulo.)

 

  1. Gamitin mo ang mabuting feedback (payo)

Sabi nga ang ilan sa pinakamabubuting guro ay ang mga dissatisfied na customers. Ang feedback ay mahalaga dahil nakapagbibigay sila sa atin ng mga idea para mas-gumaling at mga idea sa mga bagay na dapat nating iwasan. Gamitin mo ang mga ito tuwing kaya mo. Halimbawa, nagpapasalamat ako sa mga taong nagsasabi na “walang pag-asa sa kahirapan” dahil nakapagsulat tuloy ako ng article tungkol sa kung bakit hindi mo dapat patayin ang mga pangarap ng iba dahil mananatiling mahirap ang mga mahihirap. Kailangan mo nga lang siyasating mabuti ang mga payo dahil hindi lahat nito ay nakabubuti. Sa mga ganoong bagay, mainam na hindi mo pansinin ang walang katuturang pambabatikos o kritisismo.

 

  1. Tandaan mo na ang ilan ay pumipintas dahil sa inggit

Mas-madalas mo itong makakaharap sa iyong pagsisikap at pag-asenso. Kapag umasenso ka, mas-maraming mamimintas sa iyo dahil dito. Kahit pinagsikapan mo ang lahat ng mayroon ka, sasabihin ng iba na “maswerte” ka lang o “nandaya” ka at may ginawa kang masama. Ginagawa nila yon bilang palusot sa sarili nilang kapalpakan. Huwag mo silang pansinin at ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsisikap. Ang isa sa pinakamasama mong pwedeng gawin ay isakripisyo ang iyong tagumpay para makibagay sa mga pekeng kaibigan at sa kanilang lebel ng kapalpakan sa buhay.

 

  1. I-congratulate mo ang sarili mo sa paggawa ng mabuti

Sabi ni John Maxwell, if you get kicked in the rear, it means you’re out in front. Kapag ikaw ay pinupuna ng hindi maayos, ibig sabihin may ginagawa kang mabuti. Ang mga tao ay may iba-ibang pananaw sa buhay at halos palagi nilang pupunahin ang mga hindi nakikibagay sa gusto NILA. Mabuti ang makatanggap ng corrective feedback o mabuting payo, pero ibang bagay naman ang mapuna sa pagsisikap. Kapag may ginawa kang napakabuti, palagi kang pupunahin ng iba (may ibang pupuriin ka, pero mas-masakit ang panlalait). Iwasan mo ang masamang panlalait at ipagpatuloy mo ang mga gawain mong tama. Uulitin ko, huwag mong isasakripisyo ang iyong tagumpay para lang makibagay.

 

It is not the critic who counts; not the man who points out how the strong man stumbles, or where the doer of deeds could have done them better.
The credit belongs to the man who is actually in the arena, whose face is marred by dust and sweat and blood;
who strives valiantly;
who errs, who comes short again and again, because there is no effort without error and shortcoming;
but who does actually strive to do the deeds;
who knows great enthusiasms, the great devotions;
who spends himself in a worthy cause; who at the best knows in the end the triumph of high achievement,
and who at the worst, if he fails, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who neither know victory nor defeat.

Theodore Roosevelt

 

Tagalog Translation: Hindi mahalaga ang manlalait; hindi ang nanunuro kung saan nadadapa ang malakas, o kung saan ang gumagawa ay makakagawa ng mas-mabuti.
Ang karangalan ay para sa mga naroroon sa labanan, ang mukha na marumi sa alikabok, pawis, at dugo;
nagpapakitang-gilas at tapang;
nagkakamali, paulit-ulit na kinukulang, dahil walang pagsisikap kung walang pagkakamali at pagkukulang;
pero nagsisikap para gawin ang kinakailangan;
ang nakakakilala sa sigla, sa panata;
ang nabubuhay sa marangal na hangarin;
na sa pinakamagaling alam ang tuwa ng tagumpay,
at sa pinakakawawa, kung matalo, ay natalo habang sumusubok ng higit, para ang kaniyang lugar sa mundo ay hindi sa mga duwag na hindi nakakakilala sa tagumpay o pagkatalo.

 

At iyon ang aming limang payo sa iyo kapag ikaw ay pinipintasan. Huwag magalit, alamin mo na iba ang pananaw ng ibang tao, gamitin ang mabuting payo, alalahanin mo na may mga naiinggit lang, at icongratulate mo ang sarili mo sa paggawa ng mabuti.

May iba ka bang payo sa mga pagkakataon kung saan ikaw ay pinupuna? Sabihin mo sa comments section sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.