*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Kapag nakapagbasa ka ng ilang online business at “kumita ng pera sa bahay lang” articles, malamang isang payo nila ang paggawa ng sarili mong website o blog. Habang marami ang gumagawa ng blog bilang isang hobby, ang iba naman nagsisimula ng mga websites nila para pagkakitaan ng pera. Gusto mo bang gumawa ng sarili mong blog? Narito ang isang guide na makatutulong sa iyong gawin ito, at gawin ito ng mabuti!
Siya nga pala, hindi mo kailangang maging “tech-savvy” o dalubhasa sa technology upang gumawa ng blog. Basahin mo lang ang guide naming ito! (Oo nga pala, sa article na ito magkatumbas lamang ang mga salitang “blog” at “website”.)
Paano gumawa ng blog:
Step 1: Pumili ng blogging platform
Unang una, kailangan mong pumili ng blogging platform, ang website na tatayuan mo ng blog. May higit 400 million blogs sa mundo, at ang karamihan sa kanila ay nakahost sa mga libreng blogging platforms. Kapag gusto mong magsimulang magblog, narito ang ilang pinakamabuting websites para sa mga beginners.
- WordPress – Ito ang isa sa pinakamabuting pwedeng simulan, lalo na kapag gusto mong gawing self-hosted para sa business ang blog mo sa pagdaan ng panahon.
- Blogger – Isa sa pinakamatagal na at pinaka beginner-friendly na blogging platform. Pwede kang gumamit ng ads para kumita dito.
- Tumblr – Halos katulad nito ang Twitter at mabuti ito kapag mahilig kang magpost ng mga pictures at images.
- LiveJournal – Isa sa pinakamatagal nang blog websites kaya matatag na ito.
- Weebly – Kung gusto mo ng customizable na website, pwede kang mag-drag and drop ng text, images, o iba pang elements para ayusin ang blog mo sa pormang gusto mo.
Marami pang iba pang websites pero ang mga iyon ang inirerekomenda ko sa ngayon. Pwede mong iclick ang mga links sa itaas para tignan at pumili ng blogging platform na gusto mong gamitin. Tandaan mo lang na karamihan sa kanila hindi naglalagay ng ads kaya mahihirapan kang magmonetize o kumita ng pera. Kung hindi ka pa sigurado, magsearch ka lang ng “best blog platforms” sa internet at basahin mo ang mga inirerekomenda ng iba. Para sa akin, inirerekomenda ko ang wordpress lalo na kung gusto mong gumawa ng propesyonal at self-hosted blog. Sa kabilang dako naman, kapag gusto mo namang manatiling gumagamit ng free website pero kumikita pa rin ng pera, gamitin mo ang blogger.
Step 2: Magregister/Magrehistro
Halos lahat ng blogging platforms ay mangangailangan ng email address at ang iba, tulad ng blogger, ay makakakonekta sa iyong Google ID kaya makakatulong ng husto ang isang Gmail account. Pwede mo rin nga palang gamitin ang account na iyon para sa AdWords keyword planner tool, AdSense, webmaster tools, at marami pang iba kaya inirerekomenda ko ito. Basahin mo ang article na ito mamaya para malaman mo kung ano ang mga sinabi kong iyon. (Note: Kapag gumagamit ka ng isang Android smartphone, malamang may Google account ka na mula sa Google Play Store.)
Kapag nakapili ka na ng blogging platform, ang kailangan mo lang gawin ay i-click ang sign up buttons sa kanilang homepage! Malamang nasa itaas at kanang bahagi ito ng website malapit sa sign-in button (o sa gitna kapag nasa homepage ka). Alalahanin mo lang na ang signup button ay magkakaiba sa mga websites. Ang iba sasabihin “Get started”, “Create your blog”, “Start a blog”, o iba pa.
Iclick mo iyon at magrehistro ka sa website: gumawa ka ng username, password (imemorya mo ang password mo at huwag mo itong isusulat sa kung saan saan lang!), anong website name ang gagamitin mo, at iba pa.
MAG INGAT: Madalas, HINDI MO PWEDENG BAGUHIN ang pangalan ng iyong website o blog pagkatapos mong magrehistro kaya pag-isipan mo itong mabuti dahil gagamitin mo ito sa matagal na panahon.
Step 3: Kumpirmahin mo ang iyong account at magsimula ka nang magblog!
Pagkatapos magregister, madalas kailangan mong ikumpirma ang account sa iyong email address. Madalas magsesend sila ng email na may confirmation link at kailangan mong iclick ito upang mapagana ang iyong account. Minsan kakailanganin mong maghintay ng ilang minuto at tignan ang “spam” o “junk” folder ng iyong email para sigurado. Pagkatapos ikumpirma ang account, pwede ka nang maglogin at isetup ang iyong blog. Pumili ka ng magandang theme, magupload ng pictures, gumawa ng mga categories at menus, at iba pa. Hindi mo kailangang baguhin agad ang lahat dahil pwede mo namang pag-aralan at pagandahin ang iyong blog sa susunod na panahon.
BABALA: Huwag kang gagamit ng mga pictures na nadownload mo lang sa internet para sa iyong blog, lalong lalo na ang mga pictures na “nahanap mo lang sa Google”. Ito ay dahil madalas ibang tao ang nagmamayari ng copyright nito at kapag ginamit mo ang mga ito ng walang permiso, pwede kang mademanda sa korte at pagbayarin ng ilang libong dolyar. Gamitin mo ang mga pictures na ikaw mismo ang kumuha, o gumamit ka ng mga CC0 o “creative commons license” na pictures tulad ng mga nasa Pixabay.com.
Buod ng mga kailangang gawin:
- Pag-isipang mabuti ang pangalan ng iyong blog o website.
- Pumili ng blogging platform at magregister.
- Kumpirmahin ang account sa iyong email kapag kailangan.
- Maglogin sa iyong blog at magsimulang mag-ayos o icustomize ito.
- Magsimula ka nang magblog!
Gusto mo bang magblog bilang isang propesyonal?
Ang ibig kong sabihin dito sa “magblog bilang propesyonal” ay kapag gusto mong gumawa ng sarili mong brand o business sa iyong blog o gusto mong kumita mula dito. Kahit pwede kang maglagay nga ads sa libreng blogging platforms tulad ng Blogger, kapag gusto mong magseryoso sa blogging, ang payo ko ay magbayad ka para sa sarili mong self-hosted WordPress website.
Bakit WordPress? Dahil ito ang isa sa pinakamalaki at pinakamagandang open-source content management system (CMS) sa lahat at pwede mo itong ayusin gamit ang iba ibang libre at paid plugins online. Oo nga pala, kapag hindi mo pa alam kung ano ang ibig sabihin ng plugins, isipin mo ito ay parang smartphone “apps” para sa iyong website at magkakaidea ka kung ano ang mga ito. Ang ilang halimbawa ng plugins ay mga antivirus plugins, picture sliders, newsletter collectors, popup managers, social media share buttons, search engine optimization (SEO) plugins, at iba pa.
Bakit dapat kang gumamit ng self-hosted website? Una, pwede kang pumili ng sarili mong domain name at ang “<yourwebsitename>.com” ay mukhang mas-propesyonal kumpara sa “<yourwebsitename>.blogspot.com” or “<yourwebsitename>.wordpress.com”. Ikalawa, malaya kang icusomize at imonetize o pagkakitaan ito sa paraang gusto mo. Inuulit ko na, sa ibang libreng blog platforms, pwede silang magmoderate, magedit o magdelete ng mga ginawa mo at marami sa kanila ay hindi pwedeng gamitan ng monetization (mga paraan para kumita ng pera).
Requirements para sa isang self-hosted website:
- Online payment method tulad ng VISA credit/*debit card or a Paypal account.
- Email address para makaregister.
- Website hosting service – isang server na magpapanatiling online ang iyong website o blog.
- Domain name – www.(pangalan ng iyong website).com. [Pro tip: Gumamit ka ng .COM extension. Ang ibang extension tulad ng .net, .org, atbp. ay hindi ganoon kadaling tandaan.]
- WordPress.org – ang software na pwedeng lagyan ng themes at plugins.
*(Note: Pwede mong gamitin ang GCash Debit Card. Basahin mo ang aming GCash guide dito.)
Una sa lahat, kakailanganin mo ng website hosting service at ang ilan sa pinakamabubuting gamitin ay BlueHost, Hostgator, DreamHost, Siteground, and InMotion Hosting (ayon sa WPBeginner). Ang isa pang hosting service na ginagamit ng isang kaibigan ko ay NameCheap at affordable naman ito. Ang ilang hosting service ay may kasama nang domain names kaya kahit kailangan mong bayaran pareho, pwede mo itong gawin sa iisang website lamang.
Ito nga pala ang affiliate link namin sa Namecheap na pwede mong iclick para makita ang mga offers nila:
*Note: Narinig ko mayroon na ngayong mga LIBRENG web hosting services. Hindi ako sigurado kung gaano kaganda ang servers at serbisyo nila, pero mabuti na ring tignan mo sila. Ang isang service na narinig ko ay “InfinityFree.net”. Gayunpaman, magsearch ka lang ng free web hosting sa Google at baka makahanap ka ng mga maaayos na services.
Pagkatapos magbayad sa website hosting service, panahon na upang isetup ang WordPress.
Habang sa ibang hosts kailangan ikaw mismo ang magiinstall ng WordPress, ang ilang hosting service ay may automatic installers na pwedeng gumawa nito sa iilang clicks lamang. Basahin mong mabuti ang mga emails ng website hosting service dahil madalas naglalaman sila ng mga guides para sa mga bagong users. Madalas naglalaman din sila ng login information para sa mga administrators (ikaw iyon dahil ikaw ang may ari ng website). Ang isang halimbawa nito ay ang host kong may automated WordPress installer kaya ang kailangan ko lang gawin ay iclick ang install button sa administrator dashboard at automatic ginawa nito ang aking WordPress website. Pagkatapos noon, ang kailangan ko lamang gawin ay maglogin at ayusin ang aking website. Binago ko ang themes, naglagay ako ng menus, naginstall ako ng plugins, at iba pa.
Ang isa pang dahilan kung bakit inirekomenda ko ang WordPress ay dahil libo libo ang mga gumagamit nito at gumagawa ng guides tungkol dito sa internet. Kapag kailangan mo ng tulong tulad ng kung paano gumawa ng menus, pagcustomize ng themes, o kahit ano pa, pwede ka lang magsearch at maghanap ng solusyon sa Google.
Kapag walang automatic installer ang host mo, madali namang maginstall ng WordPress kapag sinundan mo ang mga online guides katulad nito. Mayroon din ditong video version ng “Five-minute WordPress Installation” tutorial.
Kahit medyo mahal ang pagbayad sa website hosting service, domain name, at iba pang add-ons tulad ng SSL, spam protection, premium WordPress themes at plugins, sulit sila kapag pangarap mong magseryoso sa pagblog.
Oo nga pala, basahin mo ang aking 20 Best Blogging Tools and Plugins for WordPress guide dito! Makatutulong ito sa iyo kapag nagsimula ka na. Para maginstall ng plugins, maglogin ka sa administrator page ng iyong blog, hanapin mo ang “plugins” at iclick mo ang “Add New”. Pwede kang maghanap ng mabubuting plugins sa page na iyon. Hindi mo din nga pala kailangang gamitin ang plugins nainirekomenda ko dahil pwede ka ring maghanap online ng mga plugins na gusto mong gamitin.
Buod ng mga kailangang gawin:
- Pag-isipang mabuti ang pangalan ng iyong blog o website.
- Pumili ng hosting service at gumawa ng account (tignan mo ang kanilang presyo!)
- Kumpirmahin ang account sa iyong email kapag kailangan.
- Maglogin sa hosting service para bayaran ang hosting at domain name (at ibang add-ons tulad ng SSL, spam protection, atbp.)
- Maginstall ng WordPress.
- Maglogin sa iyong blog at magsimulang mag-ayos o icustomize ito.
- Magsimula ka nang magblog!
Monetization: Paano kumita ng pera mula sa iyong blog
1. Ad Networks
Ito ang isa sa pinakakilalang paraan para kumita ng pera mula sa iyong blog at, kahit popular ito, mababa din ang pwede mong kitain mula dito. May dalawang paraan para kumita mula sa ad networks na ginagamit mo sa iyong blog:
- Cost-per-click (CPC): Kikita ka ng kaunting pera kapag may nagclick ng ad sa iyong website.
- Cost-per-mille (CPM): Kikita ka ng kaunting pera kapag sa bawat isang libong taong nakakita ng ad sa website mo.
Kung hindi ilang libo ang dami ng viewers mo, malabo na kikita ka ng malaki dito at mapapalitan nito ang kita mo mula sa iyong trabaho. Medyo mahirap ding maaprobahan ang iyong ad network account lalo na kapag bago pa lang ang blog mo.
Maraming ad networks ang pwede mong salihan at ang pinakapopular ngayon ay Google AdSense. Ginagamit namin ang ad network na iyon dito sa YourWealthyMind at mababasa mo ang guide namin tungkol sa kung paano maaprobahan ang iyong Google AdSense account dito.
Ilang bagay na dapat mong malaman:
- Basahin mong mabuti ang mga rules ng ad network. Kapag nagsusulat ka tungkol sa mga posibleng ilegal na bagay (baril, drugs, krimen, atbp.), pwede nilang isuspend ang iyong account at kanselahin ang iyong payments.
- Huwag mong icliclick ang mga ads sa sarili mong website. Pwede kang suspendehin ng ad networks dahil doon.
2. Affiliate Marketing
Sinubukan mo na bang sumali sa sales? Kapag sumali ka sa sales ng isang kumpanya, malamang kikita ka ng kaunting komisyon kapag nakapagbenta ka ng produkto nila. Kapag mas marami kang naibenta, mas malaki ang kikitain mo. Pwede mo rin iyong gawin sa blog mo. Isa nga pala akong Amazon affiliate at heto ang ilang halimbawa ng affiliate links sa mga blogging books na inirerekomenda ko (ang isa nga pala sa kanila ay libreng eBook).
Ito ay mabuting paraan para kumita depende sa klase ng blog na gusto mong gawin. Halimbawa, kapag nagsimula ka ng cooking blog, pwede kang magsulat ng articles at product reviews na may affiliate links sa mga kitchen appliances, cookbooks, kitchen knives, at iba pang kagamitan sa pagluluto. Kapag mayroon ka namang sports blog, pwede kang magbenta ng sports gear o kasuotan para sa isports doon. Magdedepende ito sa kung papaano mo gustong gamitin ang affiliate links, kaya subukan mo lang kapag kaya mo. Medyo mas madali ding maging affiliate kumpara sa magkaroon ng aprobadong ad network account kaya mainam nang subukan mo ito.
3. Sponsored Content
Ito rin ay isa pang popular na paraan para kumita ang mga blogs. Kapag may sapat nang edad at kalidad ang iyong blog, tataas ang ranking nito sa mga search engines tulad ng Google. Kapag nangyari iyon, ang mga links mula sa blog mo (tinatawag itong backlinks) ay magkakahalaga at ang kahit anong website na inilink mo ay tataas din ang ranking sa search engines tulad ng Google. Sa puntong iyon, kukunin ka ng mga businesses para ipromote mo ang mga produkto o serbisyo nila gamit ang sponsored post na nakalink papunta sa kanilang website. Katulad nito ang kung paano binabayaran ng mga kumpanya ang mga doktor at artista para ipromote ang kanilang mga produkto.
Narito ang ilang payo kapag gusto mong kumita gamit ang paraang ito:
- Iwasan mo ang mga “Guest Posters” na gustong maglagay ng articles na may dofollow backlinks sa blog mo ng libre.
- Huwag kang mangiispam ng sponsored posts sa iyong blog. Magkakapenalty ka mula sa Google at maghihirap ang blog mo.
- Huwag kang maglilink sa scam o illegal na websites. Isipin mo na lang kapag may doktor na nagrekomenda ng supplement na nakakalason o kapag may financial adviser na nagrekomenda ng pyramid scam sa iyo. Ang paglink sa scam o ilegal na websites ay makakasakit sa iyong reputasyon.
4. Donations
Nakakita ka na ba ng mga “buy me some coffee” button sa ibang blogs at websites? Ito ay isang paraan para makahingi ng donasyon mula sa viewers. Madali kang makakagawa ng donation button o donation link kapag mayroon kang Paypal account o account sa iba pang online payment service. Ito’y isang simpleng paraan para makatanggap ng donasyon mula sa readers at ang ilan naman ay magbibigay kapag nagustohan ka nila at nagustuhan nila ang content mo.
Narito ang halimbawa ng donation button. Huwag mag alangan sa iyong pagsuporta!
5. Gumawa at magbenta ng sarili mong produkto
Sinasabi ng marami na ito ang isa sa pinakamabuting paraan para kumita ng pera mula sa iyong blog. Kaysa kumita ng pakaunti kaunti mula sa ad views, pagbenta ng produkto ng iba, o pagbenta ng backlinks, pwede kang magbenta ng SARILI MONG PRODUKTO online. Ang isang payo ni Brendon Burchard, ang may akda ng “The Millionaire Messenger”, ay kailangan mong gumawa ng tiers o iba ibang lebel ng produkto. Halimbawa, una magbebenta ka ng mumurahing produkto tulad ng isang eBook o training video, susunod magbebenta ka ng murang subscription program kung saan gumagawa ka ng premium content tulad ng podcasts at video guides para sa mga subscribers, at susunod doon magbebenta ka ng mas mahal na produkto tulad ng training DVD sets, live seminars, at iba pa.
Oo nga pala, pwede mo ring subukan ang Patreon para sa mga nagbabayad na subscribers. Kahit ginagamit ito madalas ng mga artists (tulad ko, may patreon page ako para sa aking digital art), pwede mo rin itong gamitin sa blog mo.
Pwede ka ring magbenta ng mga pisikal na produkto tulad ng mga t-shirt, mugs, keychains, at iba pa dahil marami namang print-on-demand services na makakatulong sa iyong gumawa ng mga iyon. Ibig sabihin ng mga print-on-demand services, hindi mo na kailangang mag bulk order ng daan daang produkto, itago ito sa iyong bahay, at subukang ibenta ito paisa isa sa iyong website. Kapag may bumili ng produkto mo, ifoforward mo ang order sa print-on-demand manufacturer at sila na ang gagawa at magsesend ng produkto para sa iyo (kikita ka naman sa bawat benta siyempre). Dahil dito, hindi mo na kakailanganing mag-alala pa tungkol sa inventory o kung paano mo ididispose ang mga produktong hindi mabenta. Ito ay mabuting gamitin lalo na kapag magaling ka sa art o graphic design.
Elysse says
I wish na maging vlogger ako katulad ni lyod
Ray says
Cool! Kapag Vlogger, iba ang pwede mong gamitin. Sa tingin ko hindi mo masyadong kailangan ang sarili mong website. Pwedeng iupload mo vlogs mo sa Youtube, tapos gamitin mo AdSense para kumita doon. Mahigpit nga lang ang requirements ng Youtube, pero worth it kapag nagawa mo.
Vic Anthony Sangeles Farren says
paanu po makapasok ng affiliate marketing or maglagay ng donations? pede b yan kahit baguhan po? salamat sir
Ray says
Hello! For affiliate marketing, depende yan sa papasukan mo. For example, sa akin yung Amazon associates (affiliate program ng Amazon.com) libre lang. Kailangan mo lang magregister doon, tapos pwede mo nang magamit yung links or banners. Ganoon din sa Lazada affiliate program, libre din registration. Kapag may bumili, ayun may percentage commission ka. Marami pang ibang affiliate programs, pero yung dalawang iyon yung ginagamit ko for now. Meron din ako dating UBER affiliate, pero since wala nang UBER sa Philippines, naidisable ko muna siya.
Para sa donations naman, pwede kang gumawa ng donation button through Paypal. May guide sila, isearch mo lang yung “create a donate button – paypal developer”.
So yeah, since libre lang naman sila, pwede nga ang mga ito for beginners.
Vic Anthony Sangeles Farren says
sir thank you po..sir hinahanap ko isang tanung ko pero di ko makita kung saang article..ask ko pala panu gumawa ng mga privacy sir..pacheck naman po yung blog ko sir spursandsports.blogspot.com..
anu pa po dapat kung iimproved 1 week pa lang naman sya pero natutuwa lang ako..salamat
Ray says
Hello Vic! Yung Privacy policy sa site ko gumamit ako ng privacy policy generator tapos nireview ko bawat part para icheck kung accurate siya. Nakalimutan ko nga lang kung ano yung ginamit ko. Ano pa nga ba pwede iimprove… for now sa tingin ko masyadong malaki yung mga pictures na nilagay mo sa taas (yung picture mo with an NBA player at yung pic ng pusa). Usually nilalagay mga ganoon sa sidebar na parang “about me” section kapag professional blog ang gumawa, pero it’s up to you din kung gusto mo nakafeature yun. For now yun pa lang nakikita ko. Later on kapag marami ka nang napost at nakikita na kung paano maglayout ng archives yung blogger theme mo saka natin makikita ano pa pwedeng gawin.
ruby gatcha says
Hi Sir, very informative po ang blog nyo! salamat. may website po ako pero libre lamang iyon at bibili na po ako ng domain name & webhosting, ask ko lng po ung design po ba sa current website ko same din po ba iyon? hindi po sya mawawala? problema ko po kasi ung ecommerce portion sa store po ng website ko hindi po sya user friendly. any recommendation po? thank you.
Ray says
Hello Ruby,
Thank you and I’m glad you liked my article. Kung imimigrate mo yung website mo, magdedepende yun sa kung anong platform ang ginamit mo. Noong tinignan ko yung website mo, nakita ko na wordpress-based ang website mo (“Zerif Lite developed by ThemeIsle” nakalagay). While hindi ko pa nagagawang maglipat ng host, posibleng maging kapareho pa rin ang design kapag wordpress din ang gagamitin mong platform sa hosting service na lilipatan mo.
Sa ecommerce section naman, sa ngayon wala pa akong mairerecommend dahil hindi pa ako nakakagamit ng mga ito. Suggestion ko is magsearch ka online for wordpress plugins na pwede mong gamitin, for example may mga plugins tulad ng WooCommerce at Shopify. Yun lang muna ang masasabi ko ngayon. Kung may mga tanong ka pa itanong mo lang sa akin dito and I’ll try my best na sagutin ka.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Kurt says
Maraming salamat po sa pag share Mr. Ray. Pa visit narin po ang blog ko https://www.phbreaker.com
Ray says
You’re welcome, and nice blog! Mukhang ok din yung mga tinatarget mong keywords. Mabenta usually yung mga “how to guides” na ganyan.
Pantanilla says
Hi sir pa visit naman ng website ko, pa rate po ty http://www.bagongsimula.home.blog