X

Paano Mag-Invest para sa mga Baguhan: Limang Investments na Dapat Mong Alamin

English Version (Click Here)

Kung pinangarap mong umasenso, malamang natutunan mo ang halaga ng pagbabawas ng paggastos, pagiipon ng pera, at pag-invest ng naipon sa mga assets o mga bagay na kumikita ng pera. Maraming investments sa mundo tulad ng mga tocks, bonds, mutual funds, ETFs, money markets, real estate, gold, silver, FOREX, options, antiques, trading cards, at iba pa, kaya alin ba sa mga ito ang dapat mong piliin?

Kapag nagsisimula ka pa lamang, ito ang mga investments na dapat mong alamin.

Paano Mag-Invest para sa mga Baguhan: Limang Investments na Dapat Mong Alamin

  1. Stocks

May paniniwala na parang pagsusugal lamang ang investing. “Tumataya” ka sa tamang stock sa tamang oras at kapag nanalo ka, mananalo ka ng maraming pera. Kung mali ang pagtaya mo, mawawalan ka ng pera. Lapag naglaro ka ng stock market, matatalo ka lang.

Tama naman sila. Kapag nilaro mo ang stock market na parang casino, malamang matatalo ka. Kung pinag-aralan mo naman ang mga kumpanya at pinagiisipan mo ang mga desisyon mo, malamang magiging maayos ka rito.

Risk comes from not knowing what you’re doing.

— Warren Buffett

Ang panganib ay nagmumula sa hindi pag-alam sa iyong ginagawa.

Ano nga ba ang mga stocks? Sa simpleng explanasyon, ito’y bahaging pagmamay-ari ng mga kumpanya.

Ito ang simpleng paraan para ipaliwanag ito. Isipin mo may tindahan store sa tabi at nagbenta sila ng 100 shares ng stock. Kung binili mo ang lahat ng 100 shares, ikaw ang “nagmamay-ari” ng 100% ng tindahan. Kung 50 shares ang nabili mo, ikaw ang may-ari ng kalahati nito. Parang ganoon iyon. Bilang isang stockholder, ikaw ay bahaging “owner” ng negosyo. Hindi mo kailangang patakbuhin ng direkta ito dahil ito’y iniiwan sa board of directors (CEO, CFO, managers, outside directors, atbp.).

Ganoon pa man, ang karamihan ng mga kumpanya sa stock market ay may libo libong shares (tinatawag na “outstanding shares”) at iilan lang naman ang kailangan mo.

Kung maayos ang gawain ng kumpanyang binilhan mo ng shares, tataas unti unti ang presyo ng stocks nito at malamang tataas din ang dibidendong binabayad nito. Mag-ingat ka lang at umiwas sa pag-invest sa mga kumpanyang nalulugi o mag-invest sa masamang panahon (bubbles, overpriced ang stock, atbp.) dahil baka bumaba ang halaga ng investment mo.

May tatlong paraan kung paano ka pwedeng kumita mula sa stocks:

  • Dividends o dibidendo: Kapag ang kumpanya ay nagbigay ng bahagi ng kinikita nito sa mga shareholders (“may-ari”).
  • Long trade: Ito ang karaniwang paraan para kumita mula sa stocks. Bibili ka ng stocks ng mabubuting kumpanya ngayon at habang mabuti ang pagnenegosyo nila, ibebenta mo sa mas-mataas na halaga ang shares nito. “Buy low, sell high.”
  • Short trade: Ito ay halos kabaliktaran ng long trade. Kung sa palagay mo bababa ang presyo ng stock, manghihiram ka ng shares mula sa broker at ibebenta mo sila sa mataas na halaga, pagkatapos ng sandaling panahon saka mo icloclose ang trade sa pagbili ng ganoon karaming shares sa mas mababang presyo. “Sell high now, buy low later.”

Kung gusto mong matuto pa, basahin mo ang iba naming articles tungkol sa stocks dito:

  1. Bonds

Sa Pilipinas, ang tawag sa mga moneylenders ay “five-six”. Kung kailangan mong manghiram ng pera, pwede kang manghiram sa kanila pero kailangan mong magbayad ng interes (hiram ng P5, bayad ng P6). Katulad lang noon ang pag-invest sa bonds. Ang mga kumpanya o organisasyon sa gubyerno ay madalas nangangailangang manghiram ng pera at minsan ginagawa nila ito sa pag-issue ng bonds na pwede mong pagpuhunan. Kapag nagmature ang bond, ibabalik nila sa iyo ang pera at kikita ka mula sa naidagdag na interest. Di tulad ng “five-six”, medyo mababa ang kita mula dito.

Madalas mababa ang risk at volatility (mabilisang paggalaw ng presyo) ng mga bonds, pero hindi rin mataas ang pwedeng kitain mula dito. Inirerekomenda pa rin ito ng mga financial professionals kapag tumatanda ka na at kailangan mo ng kaunting stability sa iyong portfolio (mga investments mo).

Basahin: “Ano ang Bonds? (Investing Basics)

  1. Mutual Funds at ETFs

Kapag pinagtipon ng maraming tao ang kanilang pera para mag-invest sa mga assets, yun ang mutual fund. Ang exchange-traded fund (ETF) ay katulad din nito, pero ito’y naitratrade katulad ng isang stock. Karamihan ng mga fund ay nagiinvest sa mga stocks, bonds, money markets, o kombinasyon ng mga iyon.

Di tulad ng paginvest sa paisaisang stocks at bonds (o iba pang assets) kung saan ikaw ang responsable sa pagpili ng kung saan mo ilalagay ang iyong pera, ang mga mutual fund at ETF ay pinamumunuan ng mga propesyonal tulad ng mga money managers at fund managers. Sila ang nagreresearch at nagiinvest ng pera mo para sa iyo.

Kapag marunong kang pumili ng mabuting fund, ito ang isa sa pinakamabuting investment vehicles para sa mga baguhan. Dito, hinahayaan mong ang mga propesyonal at institusyon ang mag invest at magreinvest ng pera mo para sa iyo.

Basahin mo pa ang tungkol sa mga mutual funds dito:

  1. Time Deposits

Ito, tulad ng savings accounts, ay madalas inooffer ng mga bangko. Di tulad ng ordinaryong savings accounts kung saan konti pa sa one percent kada taon ang kita, ang time deposit ay pwedeng magbigay ng mas mabuting rates na nakadepende sa maturity date o kung gaano katagal mong iiwan ang pera sa bagko.

Sayang lang at kahit ang pinakamagagandang time deposit ay makakapagbigay lamang ng mga 1% kada taon. Mas-kaunti ito kaysa sa inflation rate at mas nawawalan ng halaga ang pera mo kumpara sa kinikita nito. Dahil doon, kahit napakasafe ng time deposits, hindi sila ganoon kagandang investment.

  1. Real Estate

Ang paginvest sa real estate ay pagbili ng lupa. Kung pagmamay ari mo ang isang real estate o lupa, ikaw ang makakagamit nito, mga building o istruktura dito, at mga natural resources nito.

Para masabi kung mabuting investment ang isang real estate, ito’y nakadepende sa lokasyon niyo. Halimbawa, ang lupang malapit sa shopping mall o business center ay tilang mas mahalaga kumpara sa lupang nasa gitnang gubat o nasa lansangang mataas ang krimen.

Maraming paraan para kumita mula sa real estate, tulad ng pagbebenta nito kapag tumaas ang halaga ng lupa, pagpapatayo ng rental property dito (residential o commercial), o iba pa. Ang pagbili ng lupa ay medyo mahal, at kahit madalas tumaas ang halaga ng real estate, may mga exceptions din tulad ng kapag bumili ka sa isang real estate bubble.

Habang sa ngayon tinalakay lang natin ang limang pinakacommon, ito ang ibang investment vehicles na pwede mo pang pag-aralan:

  • Gold, silver, at platinum (precious metals)
  • Money markets
  • Currencies (Forex, bitcoin, atbp.)
  • Collectibles (Antiques, trading cards, figurines, atbp.)
  • Options
  • Commodities (Oil, grains, natural gas, atbp.)

Mag-aral pa para KUMITA pa!

Kapag nagmamaneho, pinapababa mo ang pagkakataon na ikaw ay maaksidente kapag nag-aral kang magmaneho. Katulad noon, pinapababa mo rin ang pagkakataon mong mawalan ng pera mula sa iyong investments kapag nagaral kang maginvest ng tama.

Dapat, at palagi kong sasabihin DAPAT mong pag-aralan ang iyong gagawin. Sabi nga ni Warren Buffett ang panganib ay nagmumula sa hindi mo pag-alam sa iyong ginagawa. Kung hindi mo naiintindihan ang pinagiinvestan mo, may mataas na posibilidad na mawala ang pera mo sa masasamang investments tulad ng overhyped stocks at funds (basahin mo ang kwento ng aking kaibigan tungkol sa masamang mutual fund dito) at scams tulad ng EmGoldex scheme.

Ang pag-aaral kung paano maginvest ay mukhang mahirap lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang, pero magiging mas madali ito kapag unti unti mong pinagaaralan kung paano gumagana ang mga bangko, funds, at negosyo. Naaalala mo pa ba kung paano ka natutong magbasa at magsulat? Malamang hindi mo alam lahat ng mga salitang alam mo ngayon noong nagsisimula ka pa lang, pero dahil nagsanay ka naging mas madali ito para sa iyo. Parang ganoon lang din ang investing. Pag-aralan mo ito ng paisa-isang at gagaling ka rin dito.

Oo nga pala, baka gusto mo ring basahin ang listahang ito mula sa GritPH: 10 BEST INVESTMENTS FOR YOUNG PROFESSIONALS & ENTREPRENEURS IN THE PHILIPPINES

Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (2)

  • Mayron po akung uplifted share of stock sa broker ko makakatanggap po ba ito ng debidindo

    Salamat

    • Hello Nero!

      Sa pagbasa ko sa "uplift" process ng isang kilalang stock broker, ang ibig sabihin lang noon ay imbis na makikita mo online (sa broker) yung shares mo, makakakuha ka ng physical na stock certificate. Since shareholder ka pa rin ng company, dapat mayroon ka pa ring matatanggap na dividends (kung nagbibigay nga ng dividends yung company sa type ng shares na mayroon ka). Ang hindi ko lang masagot ay kung papaano mo makukuha ang mga dividends ng shares mo. Itry mo din itanong sa broker, or itanong mo sa company ng uplifted shares mo.

      Regards,
      Ray Lucero
      YourWealthyMind.com