English Version (Click Here)
Bago natin pag usapan ang mga benepisyo sa ilalim ng R.A. 9049 na tungkol sa Medal of Valor, ikukuwento ko muna ang isang kaganapang nangyari noong Abril ng 1996…
Noong gabing iyon sa may Barangay Sinepetan, mayroong higit 400 na armadong rebelde ng Moro Islamin Liberation Front na nagmamarcha patungo sa bayan ng Carmen sa North Cotabato. Dahil sa dami ng kalaban, ang ilang officers ng AFP ay inutusang huwag umatake.
Mayroong isang Scout Ranger officer na hindi sinunod ang utos na iyon para protektahan ang bayan ng Carmen. Noong gabing iyon, naganap ang itinuturing isa sa pinakamapanganib na mission na ginawa ng isang elite unit sa AFP. Si Capt. Robert Edward Lucero at ang kanyang elite team ng 14 Scout Rangers ay gumalaw upang salakayin ang napakaraming rebelde.
Matapos ang siyam na oras ng labanan, ang kanyang maliit na koponan ay nanatili para protektahan ang bayan ng Carmen nang wala silang natatanggap na backup o suporta. Noong naubusan na sila ng bala at granada, napansin ni Capt. Lucero ang 50 Cal. na machine gun at mortars na nagdudulot ng pinakamaraming pinsala sa kanila. Sa isang napakatapang na aksyon, mag isa siyang gumapang sa gitna ng digmaan habang ginagamit ang dilim para hindi makita ng kalaban. Dahil sa kanyang lakas ng loob, napatay niya ang machine gunner at nagamit niya ang kanilang machine gun mula sa posisyon ng mga kalaban. Sa pagpatay ng higit 29 na rebelde at ang kanilang commander na nagngangalang Mangyan, tumakbo ang karamihan sa mga rebelde.
Habang binabaril ang mga rebelde, inaalagaan ang kanyang mga napinsalang tauhan at minamaneobra sila sa mga mas ligtas na posisyon, si Capt. Lucero, sa kasamaang palad, nabaril sa ulo ng isang sniper ng mga rebelde at iyon ang kaniyang ikinamatay.
Ibinigay niya ang kanyang buhay sa serbisyo para sa bansa.
Iyon… ang kwento ng aking ama, si Capt. Robert Edward M. Lucero, ang tinatawag na “Hero of Carmen, Cotabato”. Siya ang isa sa bihirang sundalo na ipinagkalooban ng Medal of Valor, ang pinakamataas na combat award sa Philippine military.
Ano ang Medal of Valor?
Ang Medal of Valor ang pinakamataas na combat award sa Philippine military at ito ay karangalang ipinapagkaloob lamang sa mga sundalong gumawa ng “deeds of personal bravery or self-sacrifice above and beyond the call of duty so conspicuously as to distinguish him above his comrades.” Sa madaling salita, ito’y ibinibigay sa pinakamatatapang na sundalong pwedeng ituring mga bayani.
Ito’y napakapambihira at napakahiirap makamit na sa buong kasaysayan ng Pilipinas, sa dami ng mga giyera at pakikipaglaban sa mga terorista at rebelde, nasa 41 lamang ang awardees nito (sa araw ng pagsusulat ko sa article na ito).
Bilang pasasalamat sa tapang at marangal na serbisyong ginawa ng mga bayaing ito para sa bansa, ang mga Medal of Valor awardees at ang kanilang mga dedpendents/beneficiaries (asawa’t anak, pati mga magulang) ay makatatanggap ng napakaraming benepisyo mula sa gubyerno ng Pilipinas.
R.A. 9049 Medal of Valor Listahan ng Benepisyo (Pinaikli)
NOTICE: Para sa mga restaurants, malls, transportation companies, hospitals, atbp., ang mga benepisyong ito ay pwedeng iclaim bilang TAX CREDITS (tignan ang section 3 ng R.A. 9049 at section 16 ng IRR). Ang mga benepisyong ito ay nagagamit sa mga private at public companies at katulad din nito ang PWD, student, at senior citizen discounts.
- Buwanang tax-free lifetime gratuity (pennsion) para sa awardee.
- Kapag pumanaw na ang awardee, ito ay mapupunta sa asawa o mga anak na wala pang labing walong taong gulang.
- Libreng medical at dental services sa mga public at private na ospital.
- Exemption sa pagbayad ng mga tuition at matriculation fees sa mga pribahado at pambulikong paaralan at unibersidad.
- 20% discount sa mga admission fees, transportation services, lodging establishments, restaurants, recreation and sports centers, pagbili ng gamot, atbp.
- Prioridad sa pagkuha ng trabaho sa gubyerno.
- Prioridad sa pagkuha at pagpapaupa ng pampublikong lupa, at prioridad sa pagkuha ng housing applications sa mga housing programs ng gubyerno.
- Ang kakayahang makakuha ng financial loans mula sa gov’t. owned o controlled financial institutions nang walang collateral o walang pledge of mortgage para makuha ang mga ito.
*Note: Sinubukang kong ipahiwatig sa madaling salita ang mga beepisyo dito. Para mabasa ang mga maliliit na detalye, basahin mo ang R.A. 9049 at ang mga implementing rules and regulations nito.
Medal of Valor Implementing Rules and Regulations – R.A. 9049 I.R.R.
Narito ang scanned copy ng R.A. 9049 IRR na nakuha namin mula sa Department of National Defense (DND).
Note: Kung hindi mo mabasa dahil napakaliit, subikan mong i-right-click at “open image in new tab”.
Kung gusto monng malaman ang iba pang detalye tungkol sa R.A. 9049 at benepisyo ng Medal of Valor, basahin mo lang ang mga government articles sa ibaba!
- “Republic Act No. 9049” (Official Gazette of the Philippines)
- “REPUBLIC ACT NO. 9049” AN ACT GRANTING MONTHLY GRATUITY AND PRIVILEGES TO AN AWARDEE OF THE MEDAL OF VALOR, PROVIDING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES (Lawphil.net)
- “IRR on privileges for Medal of Valor awardees signed” (PNA article, August 2019)
Ilang huling paalala mula sa akin:
Lubos na nagpapasalamat ang pamilya namin dahil sa mga benepisyong ibinigay ng Armed Forces of the Philippines at ng gubyerno ng Pilipinas sa aking tatay na si Robert. Kahit wala na rin siya sa aming piling, marami pa rin siyang naibibigay sa amin at nabubuhay kami nang masagana.
Dahil sa free tuition, ako’y naging isang government scholar sa Ateneo de Manila University sa Quezon City, at ang aking nakababatang kapatid ay iskolar ng De La Salle Taft.
Ang 20% discount ay napakahirap ding makuha dahil halos walang nakakaalam nito. Alalahanin mo rin na halos 20 families lang sa buong bansa o sa buong mundo ang mayroon nito kaya ang discount na ito ay wala pa sa mga accounting system ng mga negosyo sa bansa.
Mayroon din namang mga establishments na naibibigay na ang benepisyong ito. Baka dadagdagan ko ang listahang ito sa pagdaan ng panahon.
- Starbucks (Philippine branches)
- St. Luke’s Medical Center (Taguig)
- Nhà Em (SM Aura)
- Niu (SM Aura)
- Botejyu (BGC)
Sa ngayon, sinusubukan kong ipakilala ito sa mga local malls, Mercury Drug, Watson’s Pharmacy, GrabPH, mga airline companies, at iba pa. Katulad lang naman nito ang senior citizen’s discounts at PWD discounts at makukuha ng mga kumpanya ito bilang tax credits. Hindi lang talaga ito alam ng karamihan.
Sa ngayon, sana marami kang natutunan mula sa article na ito. Kung gusto mong makaalam ng iba pang mga detalye, itanong mo lang sa comments section sa ibaba!
Leave a Reply