English Version (Click Here)
Ano nga ba ang multitasking? Ito ang pagsasabay-sabay ng iba’t ibang
Productivity… ang paggawa ng trabaho sa mas kakaunting effort o pagpupunyagi. Marami ang nagaakala na ito’y nasusukat sa dami ng ginagawa at hindi sa dami ng trabahong natatapos. Iilan nga ba sa atin ang sumusubok mag-multitask at pagsabay-sabayin ang napakaraming gawain? Iilan ang ang tumatawag sa telepono habang sumasagot sa emails habang nagpriprint ng papeles habang nagtatype ng reports at marami pang iba? Sa kasamaang palad, ang paggawa ng mas maraming gawain nang sabay sabay ay nakakaBAWAS sa ating productivity.
Gusto mo bang makatapos ng mas-maraming trabaho sa mas-kakaunting oras? Ito ang dahilan kung baki kailangan mong itigil ang multitasking, mag-prioritize ng mga gawain, at saka mag-concentrate sa paisa-isang gawain.
Bakit Kailangan Mong Itigil ang Multitasking
Ito ang isang aral na naalala ko mula sa librong The Personal MBA: Master the Art of Business ni Josh Kaufman. Ang multitasking ay hindi naman talaga pagsasabay-sabay ng maraming gawain. Ito ay mabilisang paglilipat-lipat lang ng atensyon sa iba-ibang gawain… at ito’y NAKAPAPAHAMAK sa iyong pagiging epektibo.
Isipin mo kung nagbukas ka ng computer para magtrabaho sa isang proyekto nang isang minuto, tapos papatayin mo ito at magbubukas ka ng isa pang computer para gawin ang isa pang proyekto nang isang minuto, tapos papatayin mo uli ito para buksan uli ang unang computer para ipagpatuloy ang unang proyekto. Kapag ganito ang proseso mo, kakailanganin mo ng mas-maraming oras at pagpupunyagi para matapos ang dalawang proyekto.
Ang halimbawang iyon ay medyo exaggerated o pinagrabe, pero malamang naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. May “cognitive switching penalty” na hahadlang sa pagiging epektibo mo sa bawat paglipat mo ng gawain, at alalahanin mo uli na ang multitasking ay paglilipat-lipat lamang ng atensyon sa iba-ibang trabaho nang mabilisan. Hindi ito “pagsasabay-sabay ng mga gawain”.
Ano ang kailangan mong gawin para maging mas-productive?
Simple lang. Kailangan mong matutunang isa-isahin ang trabaho mo. Kaysa gumamit ng kakaringit na oras palipat-lipat sa mga gawain para magmukhang ginagawa mo sila nang “sabay”, maglaan ka ng mas-maraming oras sa mga pinakamahahalagang bagay na dapat mong gawin at isa-isahin mo sila. Kapag mas-matagal ang inilaan mo sa bawat gawain, mas madali mong makakamit ang mental state na tinatawag na “flow” kung saan napakataas ng iyong concentration at husay sa iyong trabaho.
Isipin mo na lang ito. Ang basketball player na 100% nakaconcentrate sa laro ay magiging mas mahusay kumpara sa isang player na isinasabay gawain ang kanyang math homework sa kaliwang kamay habang nagdridribble ng bola sa kanan sa championship match.
Alalahanin mo ang imahe na iyon kapag naisipan mong magmultitask at magsabay-sabay ng mga gawain. Kung gusto nating maging mas-productive sa trabaho o sa buhay, kailangan nating matutunang magconcentrate sa mga dapat gawin at isa-isahin natin silang tapusin.
Dito muna natin tatapusin ang aral na ito. Kung gusto mong matuto pa ng iba pang bagay para maging mas-productive sa iyong career o negosyo, basahin mo lang ang iba namin articles tungkol sa producitivity dito:
Leave a Reply