English Version (Click Here)
May popular na 1960’s study kung saan ang isang Harvard professor na nagngangalang Robert Rosenthal ay nagresearch sa epekto ng expektasyon ng mga guro sa mga estudyante. Nagbigay siya ng standard IQ test sa mga batang nasa elementary, random siyang pumili ng mga ordinaryong bata, at sinabi niya sa mga guro nito na ang mga estudyanteng iyon ay magiging napakatalino. Tama sa hinala, matapos ang dalawang taon tumaas ang IQ ng mga napiling estudyante.
Noong nagpatuloy ang pananaliksik ni Rosenthal, natuklasan niya na ang expektasyon ng mga guro ay nakaapekto sa pakikipag-ugnayan nila sa mga random na napiling estudyante. Ang mga inaasahan ng mga guro na magtagumpay ay binigyan ng mas-maraming oras para sumagot sa tanong, mas ispesipikong feedback, at mas maraming papuri: mas-madalas silang humawak, tumango, at ngumiti sa mga batang iyon. Sa madaling salita, ang expectations nila ay nakaaapekto sa kanilang galaw, at ang galaw nila ay nakaaapekto sa kanilang resulta. Inasahan nilang magiging mabuti ang mga bata, kaya sila’y gumalaw sa paraang nakapagpatalino sa mga batang iyon.
Ano ang kinalalaman ng kuwentong ito sa iyo? Simple lang. Ang expektasyon mo sa sarili mo ay makaaapekto sa iyong galawin. Alam mo man o hindi, gagalaw ka sa paraan na magpapakatotoo ng expektasyon mo. Ang buong buhay mo ay sumasalamin sa iyong pag-iisip.
Bakit ito mahalaga? Kung pangarap mong umiwas sa buhay ng pagkatalo at gusto mong umasenso, kailangan mong pag-aralan kung paano kontrolin ang iyong pag-iisip at pagbutihin ang iyong expektasyon.