12 Mahalagang Quotes Tungkol sa Goals o Layunin
English Version (Click Here)
Ang goal setting o paggawa ng layunin ay isa sa pinakamahalagang kakayahang maaari mong matutunan. Tandaan, matatamaan mo lang ang target mo kapag mayroon ka nang target na gusto mong tamaan. Iilan lang sa atin ang makakakamit ng ating mga pinakamahahalagang layunin at pangarap kung sumasabay lang tayo sa daloy ng buhay, nagtratrabaho araw araw para lang makapagbayad ng mga bayarin.
Ngayong linggong ito, ishashare namin sa iyo ang ilang munting kaalaman na ipinahayag ng mararangal na tao tungkol sa pagkamit ng ating mga pangarap at layunin.
[Read more…]12 Valuable Quotes About Setting Goals
Tagalog Version (Click Here)
Goal setting is one of the most valuable skills you can learn. Remember, you can only hit your target if you actually HAVE a target you want to hit. Very few of us can reach our most valuable goals and dreams in life if we just aimlessly flounder around, working nine-to-five just to pay the bills.
This week, we’ll share with you some bits and pieces of wisdom that great people said about achieving our goals and dreams.
[Read more…]Isang Pangarap: Pasaganahin ang Mundo, Puksain ang Kahirapan
ENGLISH Version (Click Here)
“Ang edukasyon ang pinakamalakas na sandatang pwede mong gamitin para baguhin ang mundo.”
– Nelson Mandela
6pm o 7pm na kapag papauwi ako mula sa trabaho. Sa paglakad pauwi, napapadaan ako sa isang overpass na dinadaanan ng maraming tao.
Doon sa lapag, nakikita ko siya ilang beses kada linggo. Nakaupo sa daan, ang kaniyang mga binti ay nakatupi at nakatago sa maruming damit. Ang kaniyang balat ay marungis, buhok niya’y kulot at mahaba na sa kawalang-alaga, at ang kaniyang mukha ay hindi umiimik. Sa kamay niya ay may maruming plastic na baso, gamit na at itinapon ng iba, at palagi niya itong inaabot sa mga dumadaan. Tahimik lang siyang nanlilimos.
Naghuhulog ako ng limang-piso habang naglalakad pauwi.
Kada-linggo ilang beses ko siyang nakikita sa parehong lugar, parehong damit, at ganoon pa rin ang ginagawa. At naghuhulog uli ako ng limang-piso.
Linggo-linggo nakakakuha siya ng barya mula sa mga naglalakad. Linggo-linggo andoon lang siya. Magkano pa kaya ang kailangan nating ibigay para makabili siya ng maayos na damit? Magkano para makabili siya ng maayos na bahay? Magkano para makabili ng mabuting kabuhayan?
[Read more…]