English Version (Click Here)
Kung gusto mong magtravel abroad, marami kang advantages na makukuha kapag bakunado ka na. Kailangan mo lang alalahanin na kahit tinatanggap sa buong Pilipinas ang iyong vaccination card o certificate na nakuha mo sa iyong siyudad o LGU, hindi ito tatanggapin sa ibang bansa. Kung gusto mo ng dokumento na gagana sa buong mundo bilang prueba ng iyong pagkabakuna, edi kakailanganin mo ng dokumentong tinatawag na International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV). Iyon ang tinatawag ng iba na “vaccine passport”.
Kahit hindi ito mahalagang requirement sa ibang bansa, magiging mas madali ang proseso ng iyong paglakbay abroad kung mayroon ka nito. Halimbawa, sa ibang bansa hindi mo na kakailanganing mag-quarantine, at sa iba naman hindi mo na kailangan ng negatibong resulta sa mga test. Minsan bibigyan ka pa ng discounts. Kahit ano pa man, kung bakunado ka naman na at pangarap mong maglakbay abroad, mabuti nang kumuha ka na rin nito. Mura lang naman at madali rin ang proseso. Eto ang paraan kung paano makakuha ng International Certificate of Vaccination sa Pilipinas.
Pangunahing Pangangailangan o Requirements:
- Vaccination card/proof of vaccination mula sa iyong LGU.
- Isang valid ID (Driver’s License, Postal ID, atbp.)
- Passport (na may higit sa 6 months na validity.)
- Email address para sa iyong ICV.BOQ.PH account.
Mga Kailangang Gawin (Pinaikling Listahan):
- Magrehistro sa icv.boq.ph.
- Idagdag ang iyong impormasyon sa profile section.
- I-upload ang mga scan o photo ng iyong valid ID, mga vaccination card, at passport.
- Mag-schedule ng appointment.
- Magbayad online para ikumpirma ang iyong appointment.
- Dalhin ang iyong orihinal na vaccination cards, ID, at passport sa iyong BOQ appointment at ipakita ang mga ito sa empleyado ng BOQ.
- Tanggapin ang iyong International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV).