English Version (Click Here)
Kung gusto mong magtravel abroad, marami kang advantages na makukuha kapag bakunado ka na. Kailangan mo lang alalahanin na kahit tinatanggap sa buong Pilipinas ang iyong vaccination card o certificate na nakuha mo sa iyong siyudad o LGU, hindi ito tatanggapin sa ibang bansa. Kung gusto mo ng dokumento na gagana sa buong mundo bilang prueba ng iyong pagkabakuna, edi kakailanganin mo ng dokumentong tinatawag na International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV). Iyon ang tinatawag ng iba na “vaccine passport”.
Kahit hindi ito mahalagang requirement sa ibang bansa, magiging mas madali ang proseso ng iyong paglakbay abroad kung mayroon ka nito. Halimbawa, sa ibang bansa hindi mo na kakailanganing mag-quarantine, at sa iba naman hindi mo na kailangan ng negatibong resulta sa mga test. Minsan bibigyan ka pa ng discounts. Kahit ano pa man, kung bakunado ka naman na at pangarap mong maglakbay abroad, mabuti nang kumuha ka na rin nito. Mura lang naman at madali rin ang proseso. Eto ang paraan kung paano makakuha ng International Certificate of Vaccination sa Pilipinas.
Pangunahing Pangangailangan o Requirements:
- Vaccination card/proof of vaccination mula sa iyong LGU.
- Isang valid ID (Driver’s License, Postal ID, atbp.)
- Passport (na may higit sa 6 months na validity.)
- Email address para sa iyong ICV.BOQ.PH account.
Mga Kailangang Gawin (Pinaikling Listahan):
- Magrehistro sa icv.boq.ph.
- Idagdag ang iyong impormasyon sa profile section.
- I-upload ang mga scan o photo ng iyong valid ID, mga vaccination card, at passport.
- Mag-schedule ng appointment.
- Magbayad online para ikumpirma ang iyong appointment.
- Dalhin ang iyong orihinal na vaccination cards, ID, at passport sa iyong BOQ appointment at ipakita ang mga ito sa empleyado ng BOQ.
- Tanggapin ang iyong International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV).
Paano Kumuha ng International Certificate of Vaccination
Paalala: Alamin ang Vaccine Batch o Lot Numbers
Para sa maraming vaccination cards sa Pilipinas, madalas ang nurse na nagbakuna sa iyo ang nagsulat ng batch o lot number ng bakunang natanggap mo. Kung hindi klaro ang impormasyon dahil mukhang minadali nila ang pagsusulat, pwede mong subukang ikumpirma ang batch o lot number ng mga dose na natanggap mo online.
Halimbawa, kung ang bakuna mo ay Moderna, pwede mong hanapin ang lot number mo dito (https://modernacovid19global.com/vial-lookup). Yun ang ginawa ko para siguraduhin ang akin. Para naman sa aking booster dose na iba ang brand, mas natagalan ang paghahanap ko nito online. Buti na lang nahanap ko ang impormasyon sa isang FDA circular ng Pilipinas na parang ganito (https://www.fda.gov.ph/wp-content/uploads/2022/03/EUA-Astrazeneca-Fifth-Amendment-Batch-Specific-Shelf-Life-Extension-web.pdf).
Kung hindi mo talaga maintindihan ang nakasulat sa iyong card o hindi mo mahanap ang mga record mo online, pwede mong subukang itanong ito sa clinic o LGU kung saan ka binakunahan. Malamang may record sila ng batch o lot number na ginamit sa araw kung kailan ka binakunahan.
Kumplentong hakbang para kumuha ng International Certificate of Vaccination (ICV):
- Registration: icv.boq.ph
- Magrehistro ng account sa icv.boq.ph gamit ang “Sign Up” button. Ilagay ang iyong email.
- Gamitin ang 6-digit PIN na ipinadala sa iyong email para gumawa ng account. Ilagay ang gagamitin mong password at iba pang account information.
- Ilagay ang iyong personal na impormasyon.
- Mag-login at pumunta sa “My Profile”.
- Sa “My Info” tab, i-click ang “Update Profile Info” at ilagay ang iyong personal na detalye.
- Mag-upload ng mga scans o photos ng iyong mga dokumento at ilagay mo rin ang impormasyon sa iyong ID, vaccination, at passport.
- Sa “My Profile” section, pumunta sa “My Files” tab.
- Sa “Government ID”, iupload ang scan o photo ng iyong valid ID at ilagay ang mga kinakailangang detalye: ID type, ID number, ID issue date.
- Sa “Vaccination Card/Certificate”, iupload ang scan o photo ng harap at likod ng iyong mga vaccination cards. Ilagay ang mga importanteng detalye tulad ng uri ng bakuna, petsa ng pagkabakuna, ang Lot/Batch number ng nakuha mong bakuha, lugar kung saan ka binakunahan, atbp.
- Sa “Passport”, iupload ang scan o photo ng iyong passport at ilagay ang mga kinakailangang impormasyon: passport number, issued date, expiration date, at issuing office.
- Babala: Hindi mo pwedeng balewalain ang mga ito dahil kailangan mong iupload ang mga scan at photo bago ka makakuha ng appointment.
- Magpaschedule ng appointment.
- Pumunta sa “Certification Services” at piliin ang vaccine certificate na kailangan mo.
- Piliin ang BOQ branch at schedule na gusto mo sa sa kalendaryo.
- Suriing mabuti ang impormasyong inilagay mo pati na rin ang mga dokumentong iniupload mo.
- Magpatuloy sa confirmation at payment.
- Payment.
- Babala: Kailangan mong magbayad para makumpirma ang iyong appointment.
- Piliin ang paraan ng pagbayad: Credit/Debit Card, Cash (sa partner location), eMoney (GCash, PayMaya, Cliqq).
- Sundan ang mga tagubilin o instructions para mabayaran ang iyong appointment. Kung hindi mo nabasa ang mga tagubilin, pwede mong makita ang mga ito sa “Notice” o “Transactions” tab.
- Pagkabayad, pwede mong suriin ang mga detalye sa “Transactions” tab. Makikita mo rin ang kumpirmasyon sa “Notice” tab sa tabi noon.
- Pumunta sa iyong nakaischedule na appointment. Dalhin mo ang iyong mga requirements.
- Dalhin mo ang mga orihinal ng iyong valid ID, passport, at vaccine card/certificate.
- Alalahanin ang dress code: Bawal ang mga open-toed shoes (bawal nakikita ang mga daliri ng iyong mga paa) o tsinelas, bawal ang mga tank top o sando, bawal ang mga shorts, atbp.
- Sa iyong nakaischedule na appointment, ipakita ang mga orihinal mong requirements sa BOQ officer.
- Suriing mabuti ang mga impormasyong ilalagay nila sa iyong ICV o “vaccine passport” at ikumpirma mo sa kanila pag maayos ang lahat.
- Tanggapin ang iyong International Certificate of Vaccination.
Sa kabuoan, kung ang mga detalye at scan ng iyong mga dokumento ay klaro at maayos, mabilis mo lang makukuha ang iyong ICV. Noong kumuha ang pamilya ko nito, halos isang oras din kaming naghintay sa pila dahil may mga mali sa mga dokumento ng mga nauna sa amin. Noong kami na ang iproproseso, napakabilis lang ng lahat at ibinigay ng opisyal ng BOQ ang mga ICV namin sa loob ng 15 minuto.
Iyon ang buong proseso ng pagkuha ng iyong international certificate of vaccination sa Pilipinas. Sana nakatulong ito sa iyo! Hanggang sa muli!
Oo nga pala, tignan mo rin ang aming travel blog dito sa link na ito: OneAdventurer.com
[…] Tagalog Version (Click Here) […]