English Version (Click Here)
Isang napakabuting kakayahan ang makapag-adapt at makagamit ng mga mabubuting oportunidad na dumadating, at may pagsubok akong hinarap tungkol dito noon lang. Dahil hindi ako mahilig magpakita o magpakitang-gilas sa publiko, hindi ko naisip na ako ay magiistream online. Malamang alam mo ang kasabihang “life begins at the end of your comfort zone” (ang buhay ay nagsisimula sa dulo ng kung saan ka komportable) at talaga ngang may kakaibang paraan ang buhay upang ibigay sa iyo ang mga oportunidad na kakailanganin mong harapin ang mga kinatatakutan mo upang lumusong. Iyon ang pag-aaralan natin sa article na ito.