English Version (Click Here)
Pasko nanaman at maraming empleyado ang excited para sa kanilang 13th month salary at Christmas bonus!
Ngayong December, marami ang makakakita ng payroll accounts na puno ng pera… na mauubos lang sa loob ng isang linggo.
Siguro naranasan mo na rin yon. Masayang masaya habang nakikita ang malaking halaga… at malungkot sa susunod na linggo kapag nalaman mong naubos mo na.
“Hindi sa kinikita, kundi sa naiipon.”
Isa iyong rason kung bakit marami sa atin ang hindi umuunlad. Kapag kumita tayo ng mas-malaki, mas-malaki din ang ginagastos at sinasayang, at bumabalik uli tayo sa dati nating nakasanayan. Dalawang hakbang paabante, dalawang hakbang paatras.