*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Ok, so kakatapos ko lang magcut at magedit ng 10% sample ng aking eBook sa Amazon (30 Steps to Wealth) at gusto kong iannounce na ito’y available na para sa lahat. Ang unang chapter nga palang iyon ay naglalaman ng pinakaunang aral tungkol sa pag-asenso sa buhay, at ikaw ay magiging biguan kapag hindi mo ito naisasapuso. Alam naman nating ang tagumpay ay hindi nagmumula sa swerte at tsamba. Kahit makakuha ka ng panalong recipe o lottery ticket (halimbawa, may special talents at skills ka na pwedeng mapagkakitaan ng maraming pera), kung hindi ka nagsikap para kunin ang iyong premyo, edi wala rin itong kwenta.
Ang unang aral sa 30 Steps to Wealth ay tungkol sa self-improvement, at ang centrong tema nito ay tungkol sa tamang paghawak ng pera. Bakit ko naisipang ituro ito? May tatlong mahalagang dahilan kung bakit: