English Version (Click Here)
Sa dati kong opisina, Disyembre ang buwan kung saan ang mga matatagal nang empleyado ay nagiisip umalis sa kumpanya upang ipagpatuloy ang kanilang career sa ibang lugar. Matapos makuha ang 13th month pay at Christmas bonus, naghihintay sila hanggang Enero bago isumite ang kanilang resignation letters. Yun nga din ang ginawa namin ng ilang kong kasama sa trabaho at sinabihan naman ng ilan sa amin ang HR bago namin gawin iyon.
Pinagiisipan mo rin bang umalis at pumasok sa bagong kumpanya? Isa ka bang bagong graduate na naghahanap pa lang ng trabaho? Heto ang limang payo na makakatulong sa iyo.
5 Tips Para Kumuha ng Trabaho
Mga pangunahing payo:
- Siguraduhin mong pasok ka sa qualifications.
- Hindi mo kailangan ng mahabang resume. Gamitin mo lang ang pinakamabuti at pinakabago mong achievements. Minsan, ang mahahabang resume na may ilang pahinang puno ng mabababang achievements ay hindi nakabubuti.
- Kung naimbita ka para sa interview, mabuti nang agahan mo ang pagpunta. Ang mga traffic jams at iba pang emergencies ay nakasisira ng mga maaayos na plano.
- Magbasa ka ng kaunti tungkol sa kumpanyang papasukin mo.
- Magsuot ka ng malinis at maayos na damit. Hindi mabuting magsuot ng shorts para sa isang executive level interview at, dito sa Pilipinas, hindi din mabuting magsuot ng suit and tie para sa isang entry-level na trabaho (kung long sleeves at slacks lang kailangan, baka magmukha ka lang mayabang).
- Magbasa ka rin ng iba ibang job hunting books at tips online.
Malaman alam mo na ang ilang mga basic tips dahil common knowledge na sila. Heto ang lima pang payo na pwedeng makatulong sa iyo.
-
Magagawa mo ba ang trabaho? Papayag ka bang matuto?
Dapat obvious ito. Hindi mabuting magapply para sa isang programmer position kung hindi ka marunong ng basic programming, at hindi rin mabuting magapply sa graphic design position kung hindi ka marunong magdrawing o maglayout ng illustrations. Sa ganoong paraan, kung ang isang kumpanya ay nangangailangan ng isang experienced na manager na mamumuno ng isang daang empleyado, malamang hindi mo dapat isubmit ang iyong resume kung isa ka lamang fresh graduate. Ang kakulangan mo ng experience ay pwedeng magdulot ng pagkakamaling magpapahamak sa buong kumpanya.
Siya nga pala, ang pagpayag magaral o matuto ng bagong kakayahan ay isang dahilan kung bakit marami ring graduates ang nakakapasok sa mga career na hindi tugma sa kanilang college majors. Kung wala namang ispesipiko o espesyal na qualifications na kailangan at alam mong kakayanin mo naman ang trabaho, pwede mong subukan ito (tulad ng ginawa ko sa una kong trabaho). Totoo ito kapag kakayanin mong pagaralan ang mga kakayahang kailangan para sa trabaho. Graduate ako ng psychology pero nakapasok ako at nagawa ko namang mabuti ang trabaho sa isang computer at customer service field dahil ginusto ko itong pagaralan.
-
Ipakita mo ang iyong confidence
Sinabi ko dati (“Mula libro patungong kayamanan”) na pagkatapos kong magtapos ng kolehiyo, sampung buwan akong nagbakasyon at nagaral din ako ng personal finance at investing. Pagkatapos noon, nagapply ako sa isang trabaho at nakakuha ako ng posisyon sa trabahong gusto ko. Pagkatapos noon, nakita ko uli ang isa kong kaibigan na nahihirapang makakuha ng trabaho.
Kilala ko siya at alam kong masipag at mabuti siyang tao. Sa kasamaang palad, mayroon siyang nerbyosa at hindi confident na pagkilos. Mayroon siyang “aura” na nagmumukhang “talunan” o “desperado”. Ang impression na iyon ay kailangan mong iwasan dahil ang ilang employer ay hindi gusto ang unconfident na applicants. Gusto nila ang mga taong kayang gawin ang trabaho at gawin itong mabuti, at gusto nilang makita iyon sa mga potential employees. (Basahin: 5 Paraan para maging Magaling Makisama)
Papaano mo nga ba maipapakita ang iyong confidence? Ang isang paraan ay kapag isinapuso mo na magiging maayos ang lahat basta gawin mo ang lahat ng iyong makakaya, at kung hindi mo man makuha itong trabahong gusto mo marami namang ibang trabaho o kumpanyang pwede mong pasukan.
-
Maging humble/mapagpakumbaba
Dati nakabasa ako ng anonymous Facebook post tungkol sa isang Atenistang nahihirapang makakuha ng trabaho. Para sa mga international readers kong hindi kilala ang paaralang iyon, yun ang isa sa top 3 na unibersidad sa Pilipinas. Ito ang ilang punto mula sa Facebook post na iyon at iquoquote ko sila dito (ako ang naglagay ng emphasis sa iba):
- “Can we talk about the real issues for a millisecond instead of all these love problems?? Like how Ateneans aren’t getting hired for the good jobs?”
- “we’re more worried about the fact that Ateneo is a top university, so why aren’t its graduates getting snapped up like lechon at a fiesta.”
- “me and my friends did everything right. We’re DLs and cum laudes, we rose up in orgs and gave it our all”
- “If you don’t want to be some unemployed shit like me, who mistakenly believed that “i’m from ADMU, everyone will want to hire me, I’m going to be ok.”, then you need to start panicking.”
- “Good luck to us, struggling smart people who realized we aren’t that smart in the outside world.”
- “i just want a job at nice multinational or big company, I want health benefits for my parents, I want to make enough to put my siblings through school.”
- “Excuse me now as I edit my resume for the 54th time. Hopefully someone offers me a job with this round.”
Source: “Supposed ADMU Graduate Rants Online, Triggers The Internet” at “Ateneo Grad’s Facebook Rant Draws Mixed Reactions And Tough Tips”
Isa lang ang napansin ko sa post na iyon: YABANG. Hindi porke’t naggraduate ka mula sa isang mabuting iskwelahan ay superstar ka na. Fresh-grad ka lang katulad ng napakaraming ibang aplikante.
Ang pangalan o prestige ng iyong iskwelahan at ang mga kakayahan at kaalamang nakuha mo doon ay nagbibigay lamang ng mabuting advantage. Hindi ito basehan ng iyong pagkatao o pagiging empleyado. Hindi interesado ang mga employers sa mga nagawa mo. Mas interesado sila sa pwede mong gawin para sa kanila. Hindi lang para sa mga fresh-grads ang payong iyon kundi pati na rin sa mga experienced na.
*Take note: Isa rin akong Ateneo graduate (2009). Nagpapasalamat ako sa paaralan para sa lahat ng natutunan ko doon, pero hanggang doon lang. Alam ko namang hindi garantisado ng paaralan ang tagumpay (isang aral mula kay Kiyosaki), at alam ko ring ang lahat ng makakamit ko pagkatapos ay magmumula na sa aking pagsisikap.
-
Tama ka ba para sa kumpanya?
Doon sa AdMU rant isinulat ng writer “Excuse me now as I edit my resume for the 54th time. Hopefully someone offers me a job with this round” (excuse me dahil ieedit ko ang resume ko ng pang-54 na beses na. Sana may magbigay na sa akin ng trabaho pagkatapos nito). Ito ang dapat mong alalahanin: hindi ang resume mo ang pinakamahalagang bahagi ng hiring process. Kapag nasa interview ka na, ang potential employer mo ay pagiisipan ang mga tanong na ito depende sa iyong pagsagot at pagpresenta sa iyong sarili:
- Magagawa mo ba ang trabaho?
- Magugustuhan ba nilang mga magkakabarkada, ang iyong pwedeng maging kaopisina, na maging katrabaho ka?
- Gagawin mo ba ng maayos ang trabaho mo at mananatili ka ba ng matagal o magiging tamad na empleyado ka lang ba?
Kung maganda ang kutob nila sa mga sagot sa tanong na iyon, may maayos kang chance na makapasok maliban kung may mas mabuting aplikante. Huwag kang magugulat kung madalas iyong mangyari dahil maraming tao ang mas magaling or mas experienced kaysa sa atin, at marami ring mas maayos na aplikante para sa trabaho.
-
Huwag na huwag kang magsisinungaling o mandaraya.
May mga taong nagpapahaba ng kanilang resumes at naglilista ng pekeng achievements o binobola ang mga employers at umaasa na sila’y makakapasok. Huwag mo iyong susubukan. Maraming tao ang mas nakakaalam kaysa sa iyo at may mga taong may “sixth sense” sa mga sinungaling at mandaraya. Mahahalata nila ang ginagawa mo at tiyak hinding hindi ka nila kukunin.
Huwag mong susubukang magpaimpress at magyabang na mas marami ang alam o kaya mo at huwag mong susubukang magsinungaling o mandaya para umasenso sa career. Mas mabuting magsimula ng tama at pagbutihin na lang ang iyong sarili. Huwag magpanggap na mabuting aplikante. Magsikap ka para ikaw ang maging pinakamagaling na aplikante.
Ginawa mo na ang lahat at hindi ka pa rin tinanggap?
Sa basketball, hindi lahat ng throw makakascore. Sa baseball, hindi lahat ng swing tatama. Sa bowline, hindi lahat ng paghagis tatama sa mga pin. Huwag kang magalala kung ikaw ay mareject lalo na kung nakahanap sila ng mas mabuting aplikante. Naaalala mo ba yung kaibigan kong nahirapang makakuha ng trabaho? Nahirapan siya sa mga una niyang pinasukan at nagresign siya matapos ng ilang buwan, pero nakahanap din siya ng mabuting organisasyon na may mga mabubuting kaopisina, at sa pagkakaalam ko maayos ngayon ang kanyang career.
Kung nahihirapan kang kumuha ng trabaho o iniisip mong mahihirapan ka dahil sa panahon ngayon, alalahanin mo lang iyong kasabihang ito:
“Some will, some won’t, so what, someone’s waiting.”
(Ang iba papayag, iba hindi, ano naman, may naghihintay para sa iyo.)
May oportunidad na naghihintay para sa iyo. Kailangan mo lang ipagpatuloy ang paghahanap hanggang mahanap mo ito.
[…] Tagalog Version (Click Here) […]