• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 25

Paano Pagbutihin ang Iyong Kakayahang Mag Desisyon

January 16, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Pagbutihin ang Iyong Kakayahang Mag Desisyon - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Kapag marami kang gustong makamit sa buhay, kailangan mabilis kang magdesisyon.

Alam mo ba na madalas akong lumabas at uminom ng kape para magisip ng mga bagong Your Wealthy Mind articles? Ang High Street area ng Bonifacio Global City (BGC) ay parang mahabang liwasan na may maraming tindahan tulad ng nasa loob ng malls, masasarap na kainan, at mga coffee shops. Bukod sa Starbucks, Coffee Bean and Tea Leaf, at Seattle’s Best, naroon din ang mga gusto kong Filipino coffee shop tulad ng Bo’s, Figaro, at Local Edition. Mayroon ding Cafe de Lipa sa Market Market at % Arabica sa may 30th street.

Madalas inaabot ako ng 20 minutos sa paglalakad bago ako magdesisyonn kung saan ako tatambay, iinom ng kape, at saka magiisip ng mga bagong aral at articles na gusto kong isulat para sa inyo dito. Sa kasamaang palad, hindi iyon mabuti at, sa oras na ito, hindi ito tungkol sa mamahaling kape.

[Read more…]

Mayroon ka bang Leadership Habit?

January 9, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Mayroon ka bang Leadership Habit - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ano ang leadership? Hindi ka nagiging leader dahil lang sa iyong titolo o posisyon. Ikaw ay nagiging leader dahil sa kakayahan mong umaksyon. Kung pangarap mong makagawa ng napakabubuting bagay at maging mas matagumpay sa iyong negosyo, career, relationships, finances, at kahit ano pang iba, may isang kalidad, isang habit na kailangan mong makasanayang gawin. Alam mo ba kung ano iyon?

[Read more…]

Bagong Taon, Bagong Layunin: Ano ang Susunod Mong Tagumpay?

January 1, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Bagong Taon Bagong Layunin Ano ang Susunod Mong Tagumpay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Kakatapos lang ng isang taon at kakasimula lang ng panibago. Kung gusto mong simulan ng maayos ang panahong ito at makakamit ng mas maraming bagay, kailangan mong paghandaan ang mga gusto mong makamit sa mga susunod na buwan. Panahon na para itigil ang pagsasayang ng oras para mabuhay lang at pagplanuhan na natin kung paano tayo mabubuhay ng masagana. Sabi nga, kapag hindi mo alam ang pangarap mo, malabong makakamit mo iyon.

Itatanong ko ngayon sa iyo ito: Ano ang mga susunod mong tagumpay?

[Read more…]

Listahan ng Mutual Funds sa Pilipinas

December 19, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Listahan ng Mutual Funds sa Pilipinas - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Minsan bumibisita ako sa mga Pinoy personal finance forums at madalas magtanong ang mga baguhan tungkol sa kung saan nila dapat ilagay ang kanilang pera. Marami ang nagpapayo na maginvest sila sa mutual funds, at kung ang baguhang investor ay may kagustuhang mag-aral, mga stocks/equities ng mga kumpanya. Pag may nagpayo na maginvest sa mga funds, ang madalas na susunod na tanong ay anong fund ang dapat nilang piliin. Doon ko naisipang ilista dito ang mga financial companies na may mutual funds (kasama ETF and UITF).

Heto ang maikli at hindi pa kumpletong listahan ng mutual funds sa Pilipinas. Kung may nakaligtaan ako, pakisabi na lang. Sa kung alin man sa mga funds na ito ang nararapat para sa iyo, ito ay magdedepende sa iyong investment objectives o gustong makamit, kung gaano mo kayang sikmurain ang risk o volatility, edad at kinikita, at marami pang iba.

  • High Risk, High Potential Returns: Equity funds o funds na nagiinvest sa stocks. Mainam ito para sa mga mas batang investors na gusto ng pagkakataong kumita ng malaki.
  • Medium Risk and Potential Returns: Balanced funds na nagiinvest sa stocks pati na rin sa mga fixed income securities (bonds), cash, money market, atbp.
  • Low Risk and Low Potential Returns: Bond o Fixed Income Funds. Ito at ang mga money market funds sa ibaba ay madalas nararapat sa mga mas matatanda na nangangailangan ng stabilidad sa kanilang investment portfolio.
  • Lowest Risk, Lowest Potential Returns: Money Market Funds.

Babala: Dapat basahin mo ang objectives o istratehiya ng fund at ang prospectus nito. Ang ilang funds ay mayroong kakaibang investing strategies at ibang detalye na mainam na malaman mo.

[Read more…]

30 Quotes/Kasabihan Tungkol sa Pagsabi ng Totoo (Habang Nagsisinungaling ang Iba)

December 12, 2017 by Ray L. 2 Comments

30 Quotes Kasabihan Tungkol sa Pagsabi ng Totoo Habang Nagsisinungaling ang Iba - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Noong nakaraang panahon may pyramid scheme na nagngangalang Emgoldex na naging popular sa mga Pinoy bago ito naexpose bilang isang scam. Kung ang kaibigan mo ay malapit nang maloko at maglagay ng pera sa scam na ito, ang isa sa pinakamabuting pwede mong gawin para sa kanya ay ang pagsabi ng totoo. Kung tatanggapin nila ang payo mo o hindi, sila na ang bahalang magdesisyon doon.

Kaya isinulat ko ito ay dahil tila mas maraming fake news, kasinungalingan, at manipulasyon na nagaganap ngayon kumpara dati. Sabi ni Terry Pratchett, “a lie can run round the world before the truth has got its boots on.” Ang isang kasinungalingan ay nakalibot sa mundo bago man makapagsapatos ang katotohanan. Ang isang fake news ay pwedeng makarating sa ilang milyong katao bago may magverify ng katotohanan at tumutol sa kasinungalingan.

Ano ang dapat mong gawin kapag may nagpost o nagtanggol ng kasinungalingan? Ano ang dapat mong gawin kapag ang isang kaibigan mo ay malapit nang maloko ng isang scam, hoax, o pekeng balita? Depende na ito sa iyong diskarte. Basahin mo ang mga aral dito at gamitin mo ang mga payo ng iba. [Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • …
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in