English Version (Click Here)
Ang paggamit ng ad network tulad ng Google AdSense ay ang isa sa pinakakilalang paraan para kumita ng pera mula sa iyong blog, at nakagawa na rin kami ng guide tungkol sa kung paano maaaprobahan ang iyong Google AdSense account. Ngayon naman, paguusapan natin ang susunod na proseso, at iyon ang kung paano mo makukuha ang bayad sa iyo! Basahin mo lang ito para maiwasan ang ilang problemang pwedeng makahadlang o makabawas sa iyong kita!
Una, I-verify mo ang iyong address
Dapat icheck mo palagi ang iyong AdSense account dashboard para sa mga pahayad o announcements. Kung may mga error, nawawalang impormasyon, oportunidad para pagbutihin ang iyong ginagawa, o iba pang mga kailangang gawin, madalas makakakita ka ng notice sa itaas ng page. Basahin mo silang mabuti at iresolba mo sila agad kung kaya.
Matapos maaprobahan ang iyong Google AdSense account at kapag kumita ka na ng kaunting pera dito, kakailanganin ni Google na iverify ang iyong address bago mo makuha ang iyong unang payment. Magpapadala sila ng pisikal na liham o letter na may address PIN (personal identification number) at kailangan mong i-enter ito sa address verification page ng iyong account.
Iba iba ang tagal ng delivery nila at nakadepende ito sa iyong lokasyon, kaya kapag nakatira ka sa Southeast Asia tulad ko, pwedeng abutin ng isang buwan bago mo makuha ang iyong liham. Napakahalaga na isulat mo ang tamang address mo sa simula pa lang para hindi ka magkaproblema. Pwede mong basahin ang address verification guide ni Google sa link na ito.
*Ito nga pala ang liham na natanggap ko sa Google dati:
Pag-setup ng payment method o paraan para mabayaran ka:
Ang isang mahalagang bagay na kailangan mong isetup sa iyong account ay ang gagamitin mong pangunahing payment method o paraan para makuha mo ang iyong kinita. Pwede mong makuha ang kinita mo sa AdSense gamit ang iba-ibang paraan, tulad ng tseke na ipapadala nila sa iyong address, electronic transfer sa iyong bank account, wire transfer, o iba pa, pero ang isa sa pinakamadaling paraan para sa mga international bloggers tulad ko na makuha ang ating kita ay ang paggamit ng Quick Cash service ng Western Union. Ang pagkuha ng kita mo gamit ang paraang iyon ang pangunahing aral sa guide na ito.
Pagkatapos mong isetup ang iyong primary payment method at kapag AdSense ay nakarating na sa payment threshold (ang default nito ay $100 USD) ang kinita mo sa katapusan ng buwan, pwede mong makuha ang kita mo sa ika-21 ng susunod na buwan.
Paano Kuhanin ang Iyong Google AdSense Payment sa Quick Cash ng Western Union:
Ito ang mga kailangan mong gawin kapag narating mo na ang payment threshold ($100) sa katapusan ng nakaraan buwan at inilabas na ang payment sa iyo sa ika-21 ng buwan ngayon.
*Pwede mong basahin ang opisyal na guide ng Google sa link na ito.
- Hanapin mo ang iyong Western Union MTCN (Money Transfer Control Number) at sender information.
- Humanap ka ng malapit na Western Union agent na may “Quick Cash”. (Babala: Sa lokasyon ko, hindi alam ng mga empleyado kung ano ang “quick cash” ng Western Union. Paguusapan natin ito mamaya.)
- Magdala ka ng valid ID (driver’s license, passport, SSS card, atbp.) at isulat mo rin ang impormasyon sa iyong payment receipt. Tandaan mo rin na kapag napakalaking halaga ang kukunin mo (P50,000+ na nasa $1,000+ na), baka kailanganin mong magdala ng dalawang valid ID.
- Puntahan mo ang Western Union agent na may “quick cash” service, ipakita mo ang iyong MTCN at itanong mo kung pwede mong kuhanin ito dito. Kung pwede, makukuuha mo ang payment mo doon. Kung hindi, maghanap ka ng Western Union branch na iba.
- Magsulat ka sa mga kinakailangang forms at ipakita mo ang iyong valid ID para makuha mo ang iyong kinita mula sa AdSense!
MAHAHALAGANG PAYO:
Ito ang ilang bagay na kailangan mong alalahanin kapag kukunin mo na ang iyong payment.
- (Sa Pilipinas) Huwag mong itanong sa Western Union agent kung may “Quick Cash” sila. Ipakita mo na lang ang MTCN at itanong mo kung pwede mo itong kuhanin sa kanila.
Sa Pilipinas, marami na akong kinausap at tinawagang Western Union agent sa siyudad namin at wala sa kanila ang may alam kung ano ang quick cash. Sabi rin sa akin ng agent sa SM Aura, icheck ko daw ang ibang branch dahil wala daw sila noon. Noon itinanong ko kung pwede kong kunin ang bayad sa akin sa MTCN ko, pwede naman pala. Inuulit ko, huwag mong itanong kung mayroon silang quick cash service. Ipakita mo ang MTCN mo at itanong mo kung pwede mong kunin ang pera mo doon.
- Baka kailanganin mong kumuha ng “My WU” number o account.
Kung mayroon ka na, gamitin mo ito. Kung unang beses mong gumamit ng serbisyo ng Western Union, ipapa-fill up ka nila ng isang mahabang form para makakuha ka ng account number. Kapag binigyan ka na, isulat mo ito kung saan at gamitin mo ito para makuha ang mga susunod mong kita para hindi mo na kailangan pang magsulat palagi sa isang napakahabang registration form.
- Tignan mo ring mabuti ang foreign exchange rates at kung may mga transaction fees.
Depende sa kung saan mo kukunin ang iyong payment, pwedeng maging mas-mabuti o mas-masama ang rate na makukuha mo at pwede kang mawalan ng maraming pera depende sa exchange rates ng store na pinuntahan mo. Tumingin ka sa ibang branch at gamitin mo ang may pinakamabuting rates.
Tignan mo rin ang mga fees nila. Sa branch na pinuntahan ko sa lower ground level ng SM Aura, ang pagkuha nang direkta sa payment ay may store fees na magpapababa nang husto sa kinita ko at makukuha ko ang masamang exchange rate ng Western Union na P52.60 kada isang USD (noong June 2018). Noong ginamit ko ang “sell dollars” option na sinabi nila (katumbas nito ang pag-exchange ng dollar bills sa bulsa mo para sa iyong local na currency), nakuha ko ang mas-mataas na exchange rate ng mall na P52.90 kada dolyar.
May kailangan kang sulatan na maliit na form sa bawat exchange pero hindi naman ito mabigat na abala.
Note: Sa transaksyon ko noong Dec. 2018, may maliit na $0.31 “documentary stamp tax” para sa $100 na nakuha ko. Halos P16.26 lang ito kaya hindi ito dapat masyadong alalahanin. Sa Sep. 2019, and DST ay $0.35 na.
Kapag nagsulat ka na sa forms at naipakita mo na ang iyong mga valid ID(s), ibibigay ng branch sa iyo ang iyong kinita. Congratulations! Kumita ka na mula sa Google AdSense!
[…] Tagalog Version (Click Here) […]