English Version (Click Here)
Ngayong may kumakalat na Covid-19 pandemic at nasa enhanced community quarantine ang ilang lugar sa Pilipinas, mas mapanganib ngayong lumabas para magbayad ng bills.
May paraan para maging mas madali at mas ligtas ang pagbayad, at yun ay pagbayad nito online! Kahit nasa bahay ka lang, pwede mo nang bayaran ang tubig, kuryente, at iba pang utility at government bills sa iyong smartphone gamit ang GCash. Kung mayroon ka nang account (basahin mo ang guide namin tungkol doon sa link na ito), eto naman ang isa pang guide tungkol sa kung paano ka makakabayad ng bills doon.
Una, dapat magdeposit (“cash-in”) ka ng sapat na pera sa iyong GCash account. Gamitin mo lang ang pinakamalapit na TouchPay machine, accredited GCash partner, o i-link ang iyong BPI o Unionbank account para makapaglagay ng pera. Kapag nagdeposit ka na, ito ang paraan kung paano ka pwedeng magbayad ng bills sa app.
Paano Magbayad ng Bills Gamit ang GCash
1. Kumonekta sa internet at maglogin sa iyong GCash account gamit ang iyong MPIN.
2. Pindutin ang “Pay Bills”.
3. Piliin ang category ng iyong biller (electricity/kuryente, water/tubig, telecoms, atbp.).
4. Piliin ang biller na iyong babayaran (Meralco, Manila Water, Globe, atbp.).
5. Piliin ang paraan ng pagbayad, itype ang account numbers at iba pang detalye. Suriin mong mabuti at siguraduhin mong tama ang mga numbers na inilagay mo. Pindutin ang Next.
6. Magbayad gamit ang iyong GCash balance (o GCredit) at ikumpirma ang iyong payment.
7. Pagkatapos mong gawin iyon, bayad ka na!
Makakatanggap ka ng SMS o text message na naglalaman ng mga detalye ng iyong transaksyon bilang kumpirmasyon. Kung nailagay mo ang iyong email address, makakatanggap ka rin ng kopya ng mga detalye doon. Pwede mo itong gamitin bilang resibo kaya huwag mo silang buburahin kung hindi pa kailangan!
Di makahanap ng cash-in locations? I-link ang iyong bank account!
Kung nahihirapan kang maghanap ng cash-in location para sa iyong GCash account, pwede mong i-link ang iyong bank account para mas madali mo itong malagyan ng pera. Sa ngayon pwede mong i-link ang BPI at Unionbank. Ang kailangan mo lang gawin ay puntahan ang “My Linked Accounts” sa GCash, piliin ang BPI o Unionbank, at maglogin gamit ang iyong online banking username at password. Sa ngayon irerekomenda ko ang BPI dahil mayroon silang automatic deposit machines. Kung gagamitin mo ang mga iyon, hindi mo na kailangang pumila tuwing banking hours para lang makapagdeposit.
Kung wala ka namang BPI o Unionbank account, pwede mong gamitin ang account sa iba pang banko. Basahin mo itong guide sa website ng GCash:
“How to Cash In via other banks”
Dito na muna tayo magtatapos. Kung gusto mong matuto pa, sundan mo lang kami sa Facebook!
[…] Tagalog Version (Click Here) […]