Disclaimer: Hindi ito promoted o paid post. May nagtanong sa akin dati kung papaano sila makakapagbayad online kahit wala silang debit o credit card. Dahil doon, nagresearch ako at nalaman ko ang tungkol sa GCash. Sinubukan kong gamitin ito para makapagsulat ako ng guide tungkol dito.
English Version (Click Here)
Hindi ko alam sa iyo, pero ayaw kong maghintay nang matagal sa pilahan. Kung kailangan kong magbayad ng mga bills o magpadala ng pera, kailangan kong maglakad papunta sa isang Bayad Center branch o lugar ng service provider, kumuha ng form, sulatan ito, at maghintay nang napakatagal kasama ang halos isang dosenang tao na kailangan ding magbayad ng kanilang mga bills. Kung kailangan ko ring bumili ng prepaid load, kailangan kong maghanap ng tindahan na may load at bayaran ito kasama ang patong ng tindahan. Malaking abala talaga.
Salamat na lang may mas madali at mas mabilis na paraan para gawin ang mga iyon. Hindi ko na kailangang maghintay sa pila. Kung kailangan kong magbayad ng mga bills, bumili ng load, o magpadala ng pera, pwede ko itong gawin sa bahay ko lang o habang nagbabasa ako ng libro sa loob ng isang coffee shop. Noong gumawa ako ng GCash account, ginagamit ko ito para magbayad ng mga bills ng aking pamilya, magbayad ng aking SSS, at bumili ng load. Dahil madalas walang mahabang pila sa mga TouchPay machine, naglalagay lang ako ng pera sa aking GCash account kapag may paparating na kailangan kong bayaran.
Kung gusto mong magbayad ng bills, magpadala o makatanggap ng pera, bumili ng load, magbayad online, at gumawa ng iba pang ganoong bagay gamit ang iyong smartphone o tablet nang hindi na kailangang lumabas ng bahay, edi basahin mo lang itong guide na ito para matutunan kung paano gumamit ng GCash!
Paano gamitin ang GCash
Ano ang pwede mong gawin sa GCash?
- eWallet para magshopping.
- Magbayad ng bills gamit ang iyong phone.
- Magpadala o tumanggap ng pera.
- Magbayad para sa mga online purchases.
- Gumamit ng PayPal.
- Mag-ipon at mag-invest.
- Gamitin ang GCredit na katumbas ng isang credit card.
Paalala: Kailangan mong iverify ang iyong GCash account gamit ang isang valid ID at selfie para magamit ang ilang mga serbisyong iyon.
Ano ang kailangan mo para magamit ang GCash?
- Smartphone na mayroong nakainstall na GCash app.
- Internet connection sa iyong phone (Mobile data or WiFi)
- Gumaganang cellphone number (Mabuti kung Globe, pero pwede rin ang ibang networks).
Paano magregister para sa GCash account:
- Ikonekta ang iyong cellphone sa internet (WiFi o Mobile data).
- I-install ang GCash app at ilaunch mo ito.
- Pindutin ang “Register” at itype ang iyong cellphone number.
- Gamitin ang One Time Pin na matatanggap mo sa text/SMS.
- Itype mo ang iyong impormasyon tulad ng iyong pangalan, birthday, at email address. Kung mayroon kang referral code galing sa isang kaibigan, gamitin mo iyon dito.
- Ito ang aking referral code kung gusto mong subukan: https://gcsh.app/r/YUMF9fr
- Gumawa ng mobile PIN (MPIN) na gagamitin mo para maglogin sa iyong GCash account.
- Congratulations! Mayroon ka nang GCash account!
BABALA: IMEMORIZE mo ang iyong MPIN at huwag mo itong ipapaalam sa ibang tao.
Next, get verified!
Kailangan mong iverify ang iyong account para magamit ang pinakamahahalagang features ng app.
- Maglogin sa iyong GCash app gamit ang iyong MPIN at pindutin ang “Verify now.”
- (Sa full verification) Pumili ng ID at itype ang kailangang impormasyon. Kumuha ka ng photo ng iyong valid ID (driver’s license, UMID, passport, etc.) gamit ang app.
- Kumuha ng selfie gamit ang app.
- Itype ang ilang kailangang detalye tulad ng source of funds (pinagkukuhanan mo ng pera), address, middle name, at iba pa.
- Makakakuha ka ng text kapag iproproseso na nila ang account mo, at magsesend sila uli ng isa pang text kapag tapos na silang magverify.
“Cash-in” – Paano maglagay ng pera sa iyong GCash account:
Kung gusto mong gamitin ang GCash, kailangan mong maglagay ng pera sa iyong account. Ang isa sa pinakamabilis at pinakamadaling paraan para gawin iyon ay gamit ang isang TouchPay machine.
- Pumunta sa isang active TouchPay machine.
- Pindutin ang GCash icon.
- Itype ang cellphone number na ginagamit mo para sa iyong GCash account at pindutin ang “Next”.
- Itype kung magkano ang gusto mong ilagay sa iyong account at pindutin ang “Next”.
- Maglagay ng pera sa TouchPay machine at pindutin ang “Pay” kapag naglagay ka na ng sapat na pera.
- Makakakuha ka ng text kapag tapos ka na at makikita mo dapat ang pera sa iyong account.
Marami ring ibang paraan para mag cash-in o maglagay ng pera sa iyong account. Halimbawa, kung gusto mong mag cash-in sa SM store, kailangan mong mag-generate ng QR code sa GCash app, ipascan ito sa teller, at saka mo ibigay ang pera. Hanapin mo lang ang mga partners nila sa listahang ito.
Paano i-link ang iyong GCash sa iyong PayPal account:
Ang PayPal ay isa sa pinakaconvenient at pinakakilalang payment at money sending system sa mundo, kaya kung gusto mong makatanggap ng pera mula sa isang tao sa ibang bansa at dalubhasa sila sa teknolohiya, malamang gagamitin nila ang PayPal. Madalas kakailanganin mo ang isang credit o debit card para dito, pero kung wala ka ng mga iyon pwede ka namang makatanggap ng pera sa PayPal at iwithdraw ito gamit ang GCash. Ito ang paraan para i-link ang iyong GCash account sa iyong PayPal.
- Maglogin sa iyong GCash app.
- Buksan ang menu sa bandang kaliwa sa itaas at pindutin ang “My Linked Accounts”.
- Piliin ang PayPal, ilagay ang email address na ginagamit mo dito, at pindutin ang “Link”.
- Mag-login sa iyong PayPal account para kumpletuhin ang paglink.
Makakakuha ka ng email bilang confirmation. Pagkatapos noon, pwede ka nang mag “cash-in” para kunin ang pera sa iyong PayPal account at ilagay ito sa iyong GCash account. Pwede ka nang mag “cash-out” o magwithdraw ng pera sa mga GCash partners (tulad ng ilang mga Bayad Center branch), o magwithdraw sa ATM gamit ang isang GCash Mastercard na nakalink sa iyong account.
Online shopping – GCash Mastercard:
Kahit pwede mong ilink ang PayPal sa GCash at gamitin ang GCash para iwithdraw ang iyong pera sa PayPal, sa pagsulat ko nito hindi mo pa pwedeng gamitin ang GCash para LAGYAN ng pera ang iyong PayPal account at mag-online shopping (hal. Amazon.com, eBay, atbp.). Kakailanganin mo ang isang GCash Mastercard para dito, at magagamit mo ito tulad ng isang debit card na gumagamit ng iyong GCash balance. Mabibili mo ito sa halagang P150 sa:
- Pag-order nito gamit ang iyong GCash app.
- Paggamit ng kanilang online order form.
- Pwede mo rin itong bilihin sa ilang mga tindahan (Ministop, Lawson, All Day, Robinsons, 7-Eleven). Hindi daw ito available sa lahat ng branches so magtanong ka muna.
Pagkatapos mong makakuha ng card, kailangan mo lang itong ilink sa iyong GCash account.
- Maglogin sa iyong GCash app.
- Buksan ang menu sa bandang kaliwa sa itaas at pindutin ang “My Linked Accounts”.
- Pindutin ang GCash Mastercard at pindutin ang “Link Card”.
- Itype ang card number sa iyong GCash Mastercard at pindutin ang “Link Card” para magamit ang iyong bagong debit card.
Para i-link and iyong GCash Mastercard sa iyong PayPal account:
- Maglogin sa PayPal.
- Pumunta sa “Account Settings” sa bandang kanan sa itaas (ang gear icon).
- Pindutin ang “Money, banks and cards” at mag-scroll pababa. Pindutin mo ang “Link a new card”.
- Ilagay ang mga detalyeng kailangan para ilink ang iyong GCash Mastercard sa PayPal.
- Kung kailangan mong iconfirm ito, iclick mo ang “Edit” at “Confirm your card”. Kukuha ng P100 ang PayPal mula sa iyong GCash account at magpapadala ito ng SMS o text message na may code na pwede mong gamitin para ikumpirma ang iyong card.
- Ganito ang format ng text message:
“You have paid P100.00 GCash to PP*1234CODE on (Date and time). Your new balance is P###.## Ref. No. #############.” - Bukod pa doon, pwede mo rin itong hanapin sa transaction history ng iyong GCash account. Pwede mo ring itanong sa GCash customer support ang iyong code.
- Ganito ang format ng text message:
- Ilagay mo ang 4-digit code sa “PP*####CODE” upang maverify at makumpirma ang iyong GCash Mastercard sa PayPal.
Magbayad sa mga tindahan gamit ang GCash
Pwede mong gamitin ang GCash para magbayad sa ilang mga tindahan at restaurants. Pwede mong gamitin ang QR code o Barcode method at ang protocol ay pwedeng mag-iba ayon sa tindahan. Pwede ka namang magpatulong sa cashier kung kinakailangan.
Sa isang coffee shop, ito ang kinailangan kong gawin:
- Mag-login sa aking GCash account.
- Mag-order para malaman kung magkano ang kailangan kong bayaran.
- I-scan ang QR code ng tindahan gamit ang GCash app.
- Itype kung magkano ang kailangan kong bayaran at ikumpirma ito sa app. Ipinakita ko ito sa cashier.
- Pagkatapos noon, nakatanggap ng notification ang cashier na nagbayad ako sa kanilang GCash at saka nila ibinigay sa akin ang inorder ko.
Dito na muna tayo magtatapos. May mga tanong ka pa ba? Itanong mo lang sa comments section sa ibaba!
Ivy says
Paano naman po pag wala pang valid id?
Pwede po bang makatanggap ako ng pera galing sa ibang tao? Kahit wala pakong valid id?
Ray says
Hello Ivy,
As far as I know pwede. May kaibigan akong wala ring ID kaya hindi verified ang account, pero nakakatanggap siya ng pera at nakakasend din siya.
https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360021112894-What-are-my-Wallet-and-Transaction-Limits-
Note: Nagtataka ako kung bakit ayon sa website nila (as of Sep. 29, 2020), kapag hindi verified (walang ID), hanggang Cash-in, Pay Bills, Buy/Borrow Load, and Book Movies lang, pero yung kaibigan ko walang ID pero nakakasend at receive ng pera.
Anyway, dapat makakareceive ka ng cash sa GCash account mo. Baka mahirapan ka lang magwithdraw kasi hindi pwedeng magwithdraw or transfer to bank kapag hindi verified. Pero pwede mong gamitin ang pera para makapagbayad ng kuryente, tubig, load, atbp.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Alvin Patrick Soriano says
Good day sir/maam…ung sa cash in limit na 8k per month…kung ang required lang ba per month is 8k or pag na reach beyond 8k ung may charge na na 2%?
Ray says
Hello Alvin,
Yung deposits sa account na over P8k may charge na.
For example, nagdeposit ako ng P13,200 last week. Yung first P8,000 walang fee, pero yung P5,200 nagkaroon kaya nagbayad ako ng P104 (2% ng P5,200 over the limit).
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Irene says
Good evening Sir/Mam ask ko lang po anong dapat gawin halimbawa hindi malink yung gcash mastercard sa kanyang account?
Ray says
Hello Irene,
Baka kailangan gawing fully verified yung GCash account. Kailangan noon ng selfie at picture ng ID gamit yung app mismo.
Once verified na, kailangan mo lang atang ilagay yung card number ng GCash Mastercard sa “My Linked Accounts” section ng GCash app.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Irene Legatona says
Nkafullly verified na po siya sir pero hindi parin malink yung mastercard niya sa account niya sa gcash
Ray says
Hello Irene,
Yun ba yung GCash Mastercard na nabibili sa MiniStop? Usually ilalagay mo lang yung card number sa “My Linked Accounts” (eto yung guide sa GCash website: https://www.gcash.com/mc-store/orders/). Pag may problema pa rin, iclick niya dapat yung “Help” sa GCash app (top left button, then “Help”) para macontact yung call centers ng GCash at ipaayos ang error. Kung sa card yung problema, pwede siyang magrequest ng bagong card na ipapadala ng Globe sa bahay niya.
Kung Mastercard naman ng ibang bank, sa ngayon BPI at UnionBank lang ata ang pwede. Kailangan mo ata ng online account sa mga bank na iyon at ilogin sa GCash para mailink sila at magamit ang “Cash In” mula sa savings account ng bank accounts niya.
Eto yung mga guides. BPI: https://www.bpiexpressonline.com/p/1/2212/gcash
UnionBank: https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360017743114-How-to-Cash-In-via-UnionBank
I hope those help.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Irene Legatona says
Thank you po sir ulitin ko nlang pag hindi parin papalitan ko nalang ng ibang card,maraming slamat po😊
Melvin says
Good day sir… Ask ko lang po kung pwede napo ako mag cash in cash out sa gcash ko kahit na basic palang ang verification ko..
Ray says
Hello Melvin,
Pwedeng mag cash-in pag hindi pa fully verified, pero baka mahirapan ka sa pagcash out. Tinitignan ko mga pwedeng gawin sa website nila at mukhang hanggang cash-in, pay bills, buy load, AMEX virtual pay, at Pay QR (magbayad sa Starbucks, atbp.) pa lang pwede.
Para mag cash out, iclick mo yung “… Show More” sa GCash app at i-click ang “Cash Out”. Pwede ka daw mag cash-out sa mga Villarica Pawnshop, Puregold, Bayadcenter, atbp. May listahan sila doon.
Subukan mo lang din sa app mo, baka gumana. Kung hindi ka pa fully verified dahil wala ka pang ID, Postal ID ang pinakamadaling makuha. May guide ako sa link na ito. Ang kailangan mo lang ay Birth Certificate, Barangay Clearance, mga forms na fifillupan sa post office, at pambayad para sa ID (P650).
Yun lang alam ko ngayon, at sana nakatulong yung mga explanations ko.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Annalisa solina cimafranca says
The system says something went wrong please submit a ticket please fix i really need may gcash for every day use thanyou so much