English Version (Click Here)
Sa mundo natin ngayon, kailangan mo ng ID. Gagamitin mo ito bilang pruweba ng iyong edad at identidad, para makapagrehistro sa mga memberships, mag-verify ng mga accounts, at marami pang iba. Para sa mga mas importanteng gawain tulad ng pagbubukas ng bank account o investment account, kailangan mo na ng mas “malakas” na ID tulad ng passport o driver’s license, kaso madalas ang mga iyon ay mas mahal at mas mahirap makuha.
Salamat na lang at nasa batas na ang Republic Act 11055. Dahil doon, makakakuha na ang mga Pilipino ng “National ID”, at ito ang isa sa pinakamalakas na proof of identity sa bansa. Libre lang ito, at ngayong 2022 mabilis lang ang application. Ang matatagalan lang ay ang printing at delivery nito sa iyo. Magdadaan din ang panahon, kaya bakit hindi ka na magrehistro ngayon pa lang diba? Wala pang kalahating oras ang proseso, depende sa dami ng tao sa registration station na pupuntahan mo.
Ano ang mga requirements? Dalawang valid IDs, o orihinal na PSA birth certificate.
(Sa panahong isinulat ko ito, isang valid ID na lang ang kailangan nila. Kung gusto mo nga palang makakuha ng birth certificate dahil wala ka pang ID, i-click mo lang itong link para malaman kung paano kumuha ng PSA Birth Certificate Online at ipadeliver ito sa bahay mo.)
Paalala: Ang National ID ay isa sa pinakamadaling identity document na pwede mong makuha sa panahon ngayon at inirerekomenda ko ito para sa mga tao na wala pang ID tulad ng mga nakatira sa napakalayong probinsya o mga batang homeschooled at walang school ID. Dalhin mo lang ang iyong orihinal na PSA Birth Certificate na pwede mong makuha online, o sa isang PSA branch. Bukod sa National ID, ang susunod na medyo madaling makuhang mga ID ay ang Postal ID (1 week hanggang 1 month bago makuha) at ang Passport. Hindi nga lang sila libre, at matagal ding makakuha ng appointment slot para sa passport.
Paano Kumuha ng National ID (PhilSys – Philippine National ID)
Saan pwedeng kumuha ng National ID:
*Paalala: Pwede mong hanapin sa internet ang pinakamalapit o pinakamadaling puntahang lokasyon ayon sa gusto mo.
- List of PhilSys Registration Centers in the NCR.
- Register for Your National ID At SM Malls
- National ID registration centers at Megaworld Lifestyle Malls
Mga kailangang gawin para kumuha ng National ID:
- Maghanap ng National ID registration center.
- Paalala: May mga shopping mall na mayroong registration centers.
- Dalhin ang mga requirements (Iyong Valid ID, o PSA birth certificate) sa napili mong registration center. Dati kailangan nila ng dalawang ID, pero simula 2022 isa na lang ang kailangan.
- Ipakita ang iyong ID o PSA birth certificate sa registration station at isulat ang iyong impormasyon sa kanilang PhilSys Registration Form 1A (tignan ang scan sa ibaba).
- Magpatuloy sa encoding at biometrics.
- Kukunan ka ng litrato, kukuha sila ng scan ng iyong mga daliri at hinlalaki, at kukuha din sila ng scan ng iyong mga mata (iris scan).
- Suriing mabuti ang iyong impormasyon sa kanilang screen. Siguraduhin mo na tama ang lahat ng mga detalye, lalo na ang iyong delivery address at contact numbers.
- Kunin mo ang iyong PhilSys Transaction Slip na naglalaman ng iyong transaction number.
- Pwede mong gamitin ang iyong transaction number para tignan ang estado ng iyong National ID sa website na ito: https://tracking.phlpost.gov.ph/
- (Paalala: Ang website na iyon ay nagpapakita ng delivery status ng iyong ID. Kung ginamit mo ang iyong transaction number sa website na iyon at “Not Found” ang lumabas, ibig sabihin noon malamang hindi pa naipriprint ang iyong ID at wala pa ito sa PhilPost.)
- Ipakita ang iyong PhilSys Transaction Slip sa taong magdedeliver ng iyong National ID sa iyong address para makuha mo ito.
Noong ginawa ko ang proseso, walang pila sa registration station kaya wala pang 15 minutes ang inabot ko sa buong encoding at biometrics. Mabilis lang talagang magregister. Gayunpaman, kapag ginawa mo na iyon at nakuha mo ang iyong transaction slip, hihintayin mo na lang na ideliver sa iyo ang iyong National ID pagdating ng panahon.
[…] Tagalog Version (Click Here) […]