English Version (Click Here)
“Thoughts are things” (Napoleon Hill), “ano man ang palagi mong pinag-iisipan ay dadami”, at “hanapin mo at makakamit mo” (Matteo 7:7). Ano mang pag-isipan mo kapag wala kang ginagawa ang magiging batayan ng palagi mong makikita at makakamit: Oportunidad o Pagkabigo. Ang pinag-iisipan , pinaniniwalaan, at perspectives mo ang magiging batayan ng iyong pananaw sa mundo.
- Ang iba nakakakita ng isang bakanteng lote… ang iba naman nakakakita ng posibleng sakahan o shopping mall.
- Ang iba nakakakita ng kalsadang puno ng pagod na trabahador… ang iba naman nakakakita ng kalsadang nangangailangan ng restaurant o cafe.
- Ang iba nakakakita ng laptop para sa games at facebook… ang iba nakakakita ng kagamitan para sa online business.
- Ang iba nakakakita ng luma at sirang mga bahay…ang iba nakakakita ng renovation at decoration business opportunity.
- Ang iba nakakakita ng taong walang trabaho… ang iba naman nakakakita ng posibleng entrepreneur o empleyado.
- Ang iba nakikita na wala silang oras dahil sa matagal na commute… ang iba nakakakita ng panahon para magbasa ng business o investing books habang nasa bus o tren.
- Ang iba nakakakita ng panahon para manood ng TV… ang iba nakakakita ng panahon para pag-aralan ang mga investments.
- Ang iba nakakakita ng perang maipangsusugal… ang iba nakakakita ng perang pwedeng i-invest para sa kanilang kinabukasan.
- Ang iba nakakakita ng libro tungkol sa finance, business, o investing na nagkakahalagang P500 at iniisip nilang napakamahal nito… ang iba nakakakakita ng kaalamang pwede nilang gamitin para kumita ng sampung milyong piso.
- Ang iba nakikita na mahihirap sila… ang iba naman nakikita na pwede silang magsikap para yumaman.
- Ang iba nakakakita ng lahat ng problema at limitasyon sa buhay… ang iba nakikita nila ang kanilang mga biyaya at oportunidad.
Uulitin ko: Ang iyong pinag-iisipan, pinaniniwalaan, at perspectives ang magiging batayan mga oportunidad o problemang mahahanap o makakaligtaan mo, pati na rin ang mga gagawin mo tungkol dito. Ano ang pananaw mo sa mundo?
Paghahanap ng Oportunidad sa Mundo:
May exercise ako para magamit mo ang iyong creative thinking: Isipin mo na may magnanakaw na sumusubok sirain ang pinto ng bahay mo para kunin ang mga gamit niyo at saktan ang mga pamilya mo. Mayroon ka lang limang minuto para maghanda.
DALI! Maghanap ka ng limang bagay na magagamit mo para protektahan ang pamilya mo!
Bubuksan mo ba yung bote ng baby powder at gagamitin mo ba ito para bulagin ang magnanakaw? Ibubuhos mo ba yung bote ng cooking oil sa may pintuan para madulas siya? Ihahagis mo ba ang pinakamalapit na mabigat na bagay gaya ng parts ng iyong PC o laptop laban sa magnanakaw hanggang makarating ang pulis?
Ang paraan para makahanap ng oportunidad ay simple lamang: Pag-isipan mo ang layunin mo at makakahanap ka ng mga bagay na makakatulong sa iyo. Kung hindi, ang maiisip mo lamang ay ang mga hadlang at problema kaya makakaligtaan mo ang mga mabubuting bagay sa buhay mo.
(Kung gusto mo pang matutunan ang scientific explanation nito, maghanap ka ng kaalaman tungkol sa “Reticular Activating System” o RAS. Ito ang bahagi ng ating utak na nagsasala o nagfifilter ng impormasyong napapansin natin at ipinapakita lamang nito ang mga bagay na mahalaga para sa atin, ito ma’y mga bagay na nagbibigay problema, o mga bagay na nagdadala ng mga oportunidad at solusyon.)
Eto ang isa pang exercise:
Pangarap mong kumita ng isang milyong piso. Paano mo ito makakamit?
Patuloy na magtrabaho at mag-ipon hanggang magkaroon ka ng isang milyon? Pagmasdan mo ang mga skills mo, magsikap pa sa trabaho at makakuha ng iba pang skills para ma-promote at lumaki ang kinikita? Mag-invest gamit ang iyong inipon para mas-mabilis itong maging isang-milyon?
Kung makakapagsimula ka ng negosyo at magbebenta ka ng mga bagay na kailangan ng mga tao para kumita ka ng isang milyon, ano ang ibebenta mo?
Nakikita mo ba na ang mga trabahador na papasok o papauwi mula sa trabaho ay nangangailangan ng pagkain at inumin?
Nakikita mo ba ang mga damit na suot mo at naisip mo bang magbenta ng mga damit?
Nakikita mo ba ang mga furniture na inuupuan mo at naisip mo bang magbukas ng furniture shop?
Nakikita mo ba na napipilas na ang pintura sa bahay mo? Naisip mo bang mag-provide ng house repairs para sa mga kapit-bahay o kakilala sa baryo?
Paano naman ang computer na gamit mo? Naiisip mo ba na ang ibang tao ay nangangailangan ng mga computer parts para sa upgrades at repairs?
Kung may layunin ka o pinapangarap, mahahanap mo ang mga oportunidad na kailangan mo para dito.
Leave a Reply