English Version (Click Here)
“Magbigay ka ng isda at makakakain siya ng isang araw; turuan mo siyang mangisda at makakakain siya habang buhay.”
Ang isang dahilan kung bakit nabuo ang YourWealthyMind.com ay para matulungan ang mga nangangailangan mula sa pagbigay ng mahalagang impormasyon. Para sa karaniwang mahirap na Pilipino o trabahador na may pamilyang kailangang alagaan, ang buhay ay parang bilangguan ng paghihirap kung saan kakaunti lang ang pwede mong makamit. Buti na lang, ang daan palabas ay pwedeng matutunan.
Bago tayo magsimula, kailangan nating matutunan ang isang napakahalagang bagay: Hindi sa pagpapagod sa pagsisikap ang batayan ng ating pag-asenso kundi sa halaga ng ating ginagawa.
Ang nagwawalis ng daan ay mas-kaunti ang sahod kumpara sa isang software developer.
Ang nagbebenta ng basahan ay mas-kakaunti ang kinikita kumpara sa isang real estate sales agent.
Ang nagluluto ng mumurahing nilaga ay mas-kakaunti ang kinikita kumpara sa isang gourmet chef sa five-star restaurant.
Halos magkatumbas ang oras at pagod na dinaranas nila, pero napakalaki ng pagkakaiba ng kanilang kinikita.
Ano ang susi sa lahat ng iyon? KAALAMANG nagagamit.
Kaya mong gawin ang kahit-anong gusto mo at kaya mong makamit ang kahit anong pangarap mo KAPAG NATUTUNAN MO KUNG PAANO. Kasama na doon ang pagkakuha ng magandang trabaho at pamumuhay. Paano mo nga ba matututunan ang mga kakayahang kailangan? Bukod sa iskwelahan at kolehiyo, para sa karaniwang pinoy, isang organisasyon ang nagunguna:
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Mula sa kanilang website “TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skill development.” Gaya ng isang vocational school, sila ay nagbibigay ng mga kursong nagtuturo ng mahalagang kaalaman at kakayahan na pwede mong gamitin upang makakuha ng trabaho.
Kung titignan mo sandali ang kanilang registered programs list, makikita mo kung anu-anong mga kurso ang meron sila, ang lokasyon ng kanilang mga branches, ilang oras ang kailangan kada course, at marami pang iba. Sa ilang dosenang nakalista ayon sa April 2016 list ay ang mga ito:
Computer Systems Servicing
Bartending
Housekeeping
Contact Center Services
Cookery
Bread and Pastry Production
Driving
Shielded Metal Arc Welding
Electronic Products Assembly and Servicing
Automotive Servicing
Electrical Installation and Maintenance
Food & Beverage Services
Beauty Care
Front Office Services
Certificate Course in Basic and Advanced Interior Design
Security Services
Masonry
Carpentry
Hilot (Wellness Massage)
Creative Web Design
Web Development
Siya nga pala, kung kinukulang ka sa pera, mayroon din silang mga scholarship programs sa link na ito. Kung gusto mo pa ng mas-maraming impormasyon, magtanong ka lang sa pinakamalapit na TESDA Branch.
Kumuha ng FREE ONLINE TRAINING mula sa TESDA Online Program (TOP):
Bukod pa sa kanilang regular na training courses, ang TESDA ay nagbibigay din ng FREE ONLINE TRAINING. Ito ang program description mula sa kanilang website:
“The TESDA Online Program (TOP) aims to make technical education more accessible to Filipino Citizens thru the use of internet technology. It provides a more effective and efficient way to deliver technical education and skills development services to the majority with less cost and more reach.
The program is created for students, out-of-school youths, unemployed adults, workers, professionals, overseas Filipino workers who would like to take TESDA courses at their own pace and at their own time at the comfort of their desktops or laptop computers.”
Ang kailangan mo lang gawin ay mag-register ng account at pwede mo nang ma-access ang kanilang mga libreng online courses.
Matapos matutunan ang isang Skill o kakayahan:
Sa panahong ito, karamihan ng mga trabahong pwede mong pasukin ay mahahanap mo online. Itong dalawang website na ito ang pinakapopular sa Pilipinas:
http://www.jobstreet.com.ph/ (Ito ang ginamit ko para makapasok sa una kong trabaho dati.)
Bukod sa paghahanap ng trabaho online, pwede ka ring maghanap ng trabaho sa lokasyon mo o magtanong ka sa mga kaibigan o kapamilya kung may alam silang job opening na pwede para sa iyo.
Kung nahihirapan kang maghanap ng trabaho o gusto mo ng ibang paraan para kumita ng pangkabuhayan, ang ilang skills ay pwede mo ring gamitin para sa self-employment o entrepreneurship (sariling negosyo). Halimbawa, kapag natutunan mo ang bread at pastry production, pwede kang magtayo ng maliit na bakery at magbenta ng tinapay sa iyong barangay.
Mga Payo para sa Paghahanap ng Trabaho:
*Minsan ang pinakamahahalagang babala gaya ng “ikabit mo ang iyong seatbelt” o “huwag manigarilyo sa gasolinahan” ay nakakalimutan. Itong tatlong ito ang iilan sa pinakamahalagang payo na dapat mong tandaan.
- Ihandog mo ang kailangan ng employer. May mabuting dahilan kung bakit ipinapahayag ng mga nagbebenta ng prutas ang sarap ng kanilang paninda kaysa magtanong agad kung magkano ang perang ibibigay mo sa kanila. Ang dahilan kung bakit ka kukuhanin ng isang employer ay dahil may trabaho silang kailangang may gagawa. Kung ang iniisip at pinag-uusapan mo lang ay kung magkano ang iyong sweldo, masamang impression ang makukuha nila sa iyo at mas-mababa ang pagkakataong kunin ka nila.
- Maligo ka at magsuot ka ng malinis na damit. First impressions last, at ang itsura mo ay magiging malaking batayan kung kukunin ka sa trabaho o tatanggihan ka pagpasok mo pa lang sa opisina. Maligo kang mabuti, gupitin mo ang iyong kuko (mahahalata nila kung pangit ang kuko mo), magpagupit ka ng buhok kung may pagkakataon, at magsuot ka ng malinis at magandang damit para sa iyong interview (manghiram ka o bumili ka sa ukay-ukay kung kailangan).
- Ipagpatuloy mo ang pag-apply. Gaya ng paglalaro ng basketball, hindi lahat ng pagshoot mo ng bola ay papasok. Karamihan sa mga job applications ay madalas marereject. Ang pagkakaiba dito ay di gaya ng normal na laro ng basketball, maraming baskets ang pwede mong tirahin ng bola at iisang shot lamang, iisang successful na application, ang kailangan mo para manalo at magkatrabaho. Alalahanin mo lang iyon kapag ikaw ay tinaggihan ng isang employer.
Kapag nakakuha ka na ng Trabaho:
- Honesty is the best policy. You must never lie, cheat, steal, or tolerate those who do (honor code yun ng mga kadete: huwag kang magsisinungaling, mandadaya, magnanakaw, o magpahintulot sa mga gumagawa noon). Isipin mo na lang: Nagpagawa ka ng sasakyan sa isang mekaniko, pero sinisira niya ang ibang parte ng kotse para bumalik at magbayad ka uli sa kanya. Babalikan mo pa ba siya? Siyempre hindi na! At ang ibang tao din ay hindi na siya pupuntahan.
- Gawin mo ang kailangan. Isipin mo na nagbayad ka sa isang nagbebenta ng prutas… pero wala siyang ibinigay sa iyo. Parang ganoon ang isang tamad na empleyado. Inuulit ko na binigyan ka ng trabaho para magtrabaho. Ito ma’y maglingkod sa mga customers, mag-ayos ng electrical installations, o magluto ng tinapay, kailangan mong gawin ito ng mabuti dahil kung hindi baka tanggalin ka agad.
- Mag-aral pa para kumita ng mas-marami! May trabaho ka na, pero hindi tayo magtatapos doon. Kung pangarap mo ang masaganang buhay, marami kang kailangang matutunan gaya ng Personal Finance (tamang paghawak ng pera), Paano mag-Invest para kumita pa ng pera, paano Mamuno at Mag-Manage ng mga tao para mapromote ka, at marami pang iba.
Bago tayo magtapos, alalahanin mo itong huling idea mula kay W. H. Murray:
“Until one is committed, there is hesitancy, the chance to draw back. Concerning all acts of initiative (and creation), there is one elementary truth, the ignorance of which kills countless ideas and splendid plans: that the moment one definitely commits oneself, then Providence moves too. All sorts of things occur to help one that would never otherwise have occurred. A whole stream of events issues from the decision, raising in one’s favor all manner of unforeseen incidents and meetings and material assistance, which no man could have dreamed would have come his way.
Whatever you can do, or dream you can do, begin it. Boldness has genius, power, and magic in it. Begin it now.”
(Hanggat hindi ka nakatuon o committed, may pag-aalangan at pagkakataong umurong. Sa lahat ng pagkukusa (at paglikha), may isang nangungunang katotohanan, ang pagkalimot dito ay nakapapatay ng napakaraming idea at napakabuting plano: sa sandaling ikaw ay tunay na nagcommit, gagalaw din ang kamay ng Diyos (providence). Iilang sunod-sunod na mabubuting pangyayari ang magaganap dahil sa iyong desisyon, ito’y maglalabas ng biglaang insidente’t pagpupulong at materyal na tulong para sa iyo na hindi maiisip na makakamit ng kahit sino man.
Ano man ang kaya mong gawin o pangarap mong gawin, simulan mo. Ang lakas ng loob ay may talino, kapangyarihan, at mahika. Simulan mo na.)
– William H. Murray
Siya nga pala, kapag nagustuhan mo itong article na iyo, mag-subscribe ka lang sa aming newsletter para sa makakuha ka ng mga updates!
ruby o. adajar says
nice article. want to hear some more inspiring articles!
Ray says
Thank you Ruby!
While I don’t update as often as before, I still have several lessons coming up when new ideas and inspiration strikes.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com