English Version (Click Here)
Halos lahat sa atin ang nakakaalam sa kasabihang “money is the root of all evil” o “pera ang ugat ng lahat ng kasamaan”, pero mali ang kasabihang iyon. Ang totoo, ang “LOVE of money” o “pagmamahal sa pera” ang ugat ng lahat ng kasamaan.
Kung iisipin mo, ang mga kriminal na nagnanakaw o pumapatay para sa mga pitaka, mga corrupt o mandarambong na pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan, at mga sakim na negosyante at real estate developers na nananakit at nandaraya ng mga tao ay mas minamahal ang pera kumpara sa kapakanan ng kapwa nilang tao.
Kung akala mo ang biblia ay tungkol lamang sa pagtataboy sa pera, dapat maintindihan mo na hindi totoo iyon. Bukod sa mga babala laban sa kasakiman at kasamaan, ang bibliya ay may napakaraming mabuting kasabihan tungkol sa pagsisikap yumaman. Ang kayamanan kapag pinagsikapan ay isa lang sa maraming uri ng biyayang ibinibigay ng Diyos. Sa ngayon, ibabahagi ko sa iyo ang ilan sa aking mga pinakapaboritong kasabihan sa bibliya tungkol sa kayamanan at pera!
Note: Ang lahat ng Ingles na bersikulo ay nagmula sa New International Version (NIV) at isinalin ko sa Tagalog.
[Read more…]