English Version (Click Here)
Pwede kang mabuhay ng matagumpay, o pwede kang mabuhay ng walang katuturan. Paano mo malalaman kung alin ang iyong makakamit? Ito ang isang paraan: Kapag mas-malayo sa hinaharap ang pinag-iisipan o pinagplaplanuhan mo, malamang magiging matagumpay ka.
Marami sa atin ang iniisip na edukasyon, pagiging anak-mayaman, talino, atbp. lamang ang nagbibigay-tagumpay, pero ayon sa research ni Dr. Edward Banfield, hindi iyon totoo. Matapos pag-aralan ang napakaraming matagumpay o mayaman na tao, nakita niya na ang pinakamahalagang bagay ay ang isang paraan ng pag-iisip: Ang mga matagumpay sa buhay ay may mas-matagal na “time perspective.” (Mainam na basahin mo ang BrianTracy.com Article na ito)
Ano nga ba iyon? Simple lang: Ang mga nagtatagumpay sa buhay ay nag-iisip tungkol sa kanilang kinabukasan. Pinag-iisipan nila ang kapalaran nila sa bawat desisyon at planong ginagawa nila, habang ang mga hindi successful ay nag-iisip lang tungkol sa panandaliang katuwaan at nakakalimutan nila ang mga negatibong epekto ng kanilang mga ginagawa.
[Read more…]