English Version (Click Here)
“Debt is like any other trap, easy enough to get into, but hard enough to get out of.” – Josh Billings
(Ang utang ay katulad ng ibang patibong, madaling pasukin, pero mahirap umalis.)
Isang hakbang palusong, dalawang paurong. Isipin mo man na ok lang manghiram ng pera at lubusang gamitin ang credit cards, hindi ito totoo. Parang hindi ito masama sa simula, hanggang mangutang kang uli, at mangutang pa, at mangutang ng paulit-ulit hanggang nabaon ka na ng isang bundok ng utang. Kapag nawiwili kang gumastos ng sobra sobra at mangutang ng pera, alalahanin mo lang ang tatlong dahilan kung bakit dapat umiwas sa luho at sa masamang utang.