English Version (Click Here)
Alam ng karamihan na ang stock market ay isang lugar kung saan pwede kang bumili at magbenta ng bahaging pagmamay-ari ng mga negosyo o kumpanya. Ang tawag sa mga ito ay “stocks.” Sayang lang at iniisip ng iba na walang katuturan ang pagbabago ng presyo ng stocks at ang pag-invest dito ay katulad lang ng paglaro ng lotto. Habang alam natin na may kumikita sa paginvest dito, baka naman isipin mo na kapag IKAW ang sumubok siguradong talo ka lang.
Kapag naintindihan mo kung paano gumalaw ang stock market, magkakaroon ka ng realistic na expectations mula dito at pabababain mo ang peligrong haharapin mo kapag ikaw ay mag-iinvest.